Repetek, Ang Diyaryo ng Pilipino

  • Home
  • Repetek, Ang Diyaryo ng Pilipino

Repetek, Ang Diyaryo ng Pilipino Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Repetek, Ang Diyaryo ng Pilipino, Media/News Company, Centro de Benito y Aliva Complex, Rizal Avenue, .

PROV'L BOARD, INAPRUBAHAN ANG RESOLUSYON NA MAGLILIPAT NG NILALAMAN NG PALAWAN HERITAGE CENTER SA GOVERNOR’S RESIDENCEPa...
03/08/2025

PROV'L BOARD, INAPRUBAHAN ANG RESOLUSYON NA MAGLILIPAT NG NILALAMAN NG PALAWAN HERITAGE CENTER SA GOVERNOR’S RESIDENCE

Para sa pinatinding proteksyon at pinalawak na paglalagyan ng kasaysayan ng Palawan, inaprubahan na ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Palawan ang Resolution No. 0154-25 na ipinanukala ni First District Board Member Cherry Pie Acosta sa “first and final reading” nitong nakalipas na Biyernes, Hulyo 29.

Nais ng panukalang resolusyon na madaliin si Gobernadora Amy R. Alvarez sa pagpapatayo ng bagong Palawan Heritage Center (PHC) na paglilipatan ng mga makasaysayang nilalaman ng kasalukuyang gusali nito sa Provincial Capitol sa katabing property ng Governor’s Residence.

“That’s been observed na masyado pong maliit iyong area na puwedeng malimitahan iyong ating mga bisita para sa ating cultural awareness,” sabi ni Acosta.

Hindi rin kumikita ang kasalukuyang gusali.

“Kailangan po natin ng maayos na seguridad, Mr. Chairman [Bise Gobernador Leoncio Ola], dahil ang tinatambak po [r]iyan sa heritage center ay ‘di po replica, lahat po iyan ay authentic. Kaya kailangan po nating proteksyunan,” paliwanag ni Acosta.

“We will use a separate building for this project,” sabi rin niya sa planong “relocation” ng PHC sa Quezon Street, Barangay Matiyaga, Puerto Princesa City.

Sinuportahan din ni Board Member Winston G. Arzaga ang nabanggit na “measure” dahil sa halaga nito.

“I fully support this measure, Mr. Chairman, kasi nakikita naman po natin na napakaraming dapat na mailagay pa at hindi na po magkasya sa ating area para po sa Cultural Heritage Park ng ating program,” sabi niya.

Nais din ng resolusyon na mapondohan ang proyekto upang “malipat ang luma sa bago”, ayon kay Acosta. | Photo courtesy: Palawan Provincial Board

via Albert Villamor

  | Totoo, tapat, at tamang paglalahad ng balita at impormasyon ang hatid ng REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino! Ito ay pa...
03/08/2025

| Totoo, tapat, at tamang paglalahad ng balita at impormasyon ang hatid ng REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino! Ito ay pag-aari ng limbagang redsolseyer Media Services.

Para sa mga katanungan, tumawag lamang sa (048) 434 8598 o kaya’y magpadala ng mensahe sa aming page. Maaari rin kaming makontak sa aming email address na [email protected].

Ang aming opisina ay matatagpuan sa Centro de Benito Y Aliva Complex, Rizal Avenue, Barangay Maningning, Lungsod ng Puerto Princesa, Palawan, Philippines.

PAGPARADA NG MGA SASAKYAN SA COMPOUND NG RAMON MITRA SPORTS COMPLEX, BAWAL NASimula nitong araw ng Biyernes, Agosto 1, b...
03/08/2025

PAGPARADA NG MGA SASAKYAN SA COMPOUND NG RAMON MITRA SPORTS COMPLEX, BAWAL NA

Simula nitong araw ng Biyernes, Agosto 1, bawal nang gawing parking area ang Compound ng Ramon V. Mitra Sports Complex sa Lungsod ng Puerto Princesa, ayon sa inilabas na City Ordinance No. 1164 ng Pamahalaang Panlungsod.

Batay sa ordinansa, mahigpit nang ipagpapabawal ang pagpa-park ng anumang uri ng mga sasakyan--pribado man o pampubliko--upang mapanatili ang kaayusan at seguridad ng mga isasagawang aktibidad sa lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Repetek News, sanhi umano ng congestion sa lugar ang mga nakaparadang sasakyan na kadalasang nagiging hadlang sa mga nag-eehersisyo roon.

Inaabisuhan naman ng Tanggapan ng City Sports Division ang mga motorista na gamitin ang mga nakatalagang Green Parking Spaces at sundin ang mga inilatag na Traffic Guidelines sa lugar.

Samantala, may kaukulang kaparusahan na ipapataw para sa sinumang mga motorista't drayber na lalabag sa nasabing ordinansa.

via Rodolfo Idusora

REPETEK ADS | Naghahanap ka ba ng dekalidad na Printing shop? Subukan na ang ALC Printing House! Dekalidad na serbisyo, ...
03/08/2025

REPETEK ADS | Naghahanap ka ba ng dekalidad na Printing shop? Subukan na ang ALC Printing House! Dekalidad na serbisyo, dekalidad na produkto!

Para sa mga katanungan, maaaring tumawag sa kanilang hotline numbers na makikita sa ibabang larawan.

'HUSTISYA PARA KAY BIBBO'HUSTISYA. Ito ang sigaw ng mga kaanak ni Mark Chester Justine Mendoza, o mas kilalang "Bibbo", ...
03/08/2025

'HUSTISYA PARA KAY BIBBO'

HUSTISYA. Ito ang sigaw ng mga kaanak ni Mark Chester Justine Mendoza, o mas kilalang "Bibbo", na pinatay noong ika-19 ng buwan ng Setyembre, nakalipas na taon.

Pinaslang ang 22-anyos na binata nang saksakin ng dalawang hindi mga kilalang kalalakihan noong madaling araw ng Setyembe 18, 2024, na naganap sa Sitio Bantayan sa Barangay Ramon Magsaysay sa bayan ng Aborlan, Palawan.

Para sa hustisya, pinatungan na ng ₱150,000.00 bounty ang mga ulo ng suspek. Hinikayat ang sinumang makapagtuturo o makapagbibigay ng pagkakilanlan o kinaroroon ng mga suspek na agad na ipagbigay-alam sa pulisya o sa mga kaanak ng binatilyo sa numerong 0931-957-4491.

"Kung mayroon kang anumang impormasyon na makakatulong sa pagdadala ng salarin sa hustisya, mangyaring lumapit sa amin.

Ang iyong pagkakakilanlan ay aming iingatan at confidential.

Ang gantimpala ay ibibigay sa sinumang magbibigay ng kredibleng impormasyon na magdadala sa pagkakahuli at pagkakondena ng salarin," panawagan ng pamilya ng biktima.

via Ven Marck Botin

TULAK NG DROGA, NALAMBAT NG MGA AWTORIDAD SA PUERTO PRINCESABumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang isang indibidwal na d...
02/08/2025

TULAK NG DROGA, NALAMBAT NG MGA AWTORIDAD SA PUERTO PRINCESA

Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang isang indibidwal na diumano'y tulak ng droga sa Barangay San Pedro sa lungsod ng Puerto Princesa.

Ayon sa ulat, matapos ilang linggong pagmamanman ng mga kapulisan, ikinasa ng mga operatiba ng City Police Office, City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU), City Intelligence Unit (CIU-PPCPO), PDEA-Palawan, at Anti-Crime Task Force (ACTF) ang operasyon laban sa suspek.

Sa nasabing operasyon, nagkasundo ang police asset na poseur buyer na bibili ng isang sachet ng shabu mula sa suspek na magkikita sa bahagi ng Lanzanas Road, Purok Sandiwa, Brgy. San Pedro nitong Hulyo 31, 2025, bandang 10:47 ng gabi.

Nang maiabot sa Police Assest ang biniling shabu, dito na pinosasan ang suspek na kinilalang si alyas “TAPAK,” 35-anyos, walang asawa, at residente ng Barangay Tiniguiban sa nabanggit na lungsod.

Narekober sa pangangalaga nito ang (1) heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline na pinaghihinalaang shabu, na tumitimbang ng 1.0489 na gramo, at nagkakahalaga ng P4,195.60.

Dagdag dito, nakuha rin sa bulsa ng suspek ang 2 pang plastic sachets na naglalaman pa rin ng pinaniniwalaang shabu na may timbang na 0.039 grams na nagkakahalaga ng Php 2,652.00,
isang genuine Php100.00 bill na nagsilbing buy-bust money, at 2 boodle money bills na isanlibo at limandaang piso, at isang Cellphone na kulay silver gray, na ginagamit umano sa mga transaksyon ng suspek.

Sa kabuuhan, umabot sa 0.074 na gramo ang nasabat sa akusado at nagkakahalaga ng P5,032.0, batay sa Dangerous Drugs Board (DDB).

Kaugnay nito, nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 21 ng Republic Act 9165, as amended by RA 10640.

Hawak na ngayon ng Police Station 2 si Tapak na nakatakdang isailalim sa
drug testing ng Puerto Princesa City Forensic Unit, kamakailan.

via Pong Idusora

APLIKASYON SA BAHAY EDUKALINGA SA CORON, KASALUKUYANG BUKAS SA TANGGAPAN NI BALBUTANKasalukuyang nagaganap ang aplikasyo...
02/08/2025

APLIKASYON SA BAHAY EDUKALINGA SA CORON, KASALUKUYANG BUKAS SA TANGGAPAN NI BALBUTAN

Kasalukuyang nagaganap ang aplikasyon para sa mga kapus-palad na katutubong nais na maging bahagi ng “Bahay Edukalinga” sa Coron, Palawan.

Ayon kay Ma. Aurora Riceli "Au" Balbutan, miyembro ng Sangguniang Bayan ng Coron na ulo ng proyekto, ito ay tulong para sa mga mahihirap na mag-aaral sa kolehiyo ng munisipalidad.

“Ngunit sa gitna ng kanilang mga pangarap, madalas ay nagiging hadlang ang kakulangan, lalo na sa gastusin sa paninirahan habang nag-aaral sa bayan,” pahayag ni Balbutan.

Kailangan lamang kumuha ng mga interesadong aplikante ng application forms sa tanggapan ni SB Balbutan sa Legislative Building ng Coron. Nagsimula na ito noong Hulyo 29, samantala ang resulta nito’y ilalabas sa Agosto 7.

Maaring kontakin si Mariel Vergara sa 0938-754-8195 para sa karagdagang detalye sa proseso ng aplikasyon.

Pero ang mga pangunahing pangangailan, bukod sa application form, ay ang Identification Card (ID) ng aplikanteng estudyante mula sa kanyang pinapasukang eskwelahan, Certificate of Indigency o anumang patunay ng pagiging low-income, at katibayan ng pagiging kasapi ng indigenous groups o sertipikasyon na mula sa NCIP o kinikilalang konseho ng mga katutubo.

Kasama rin dito ang katibahayan ng pagkaka-enrol ng aplikante sa kolehiyo, class cards kapag siya ay nasa second-year na sa kolehiyo pataas, good moral certificate mula sa eskwelahan, at dalawang piraso na 2x2 ID.

“Mula sa ating munting kakayanan, inilulunsad natin ang Balay Edukalinga — isang programang college dormitory na magsisilbing tahanan para sa mga nangangailangang katutubong nagnanais mag-aral o kasalukuyang nasa kolehiyo,” pahayag din ni Balbutan.

Magtatapos ang aplikason sa Agosto 5, samantalang opisyal na magbubukas ang “Bahay Edukalinga” sa Agosto 8.

"Tuluy-tuloy nating suportahan ang mga pangarap ng ating mga kabataang katutubo. Sa Balay EduKalinga, may tahanan na ang pag-asa," pahayag din ni Balbutan sa kanyang page.

via Albert Villamor

DOT SEC. FRASCO, PINASARINGAN ANG MGA KONGRESISTA‘MAHIYA NAMAN KAYO’ ito ang hiram na linya ni Department of Tourism (DO...
02/08/2025

DOT SEC. FRASCO, PINASARINGAN ANG MGA KONGRESISTA

‘MAHIYA NAMAN KAYO’ ito ang hiram na linya ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco mula kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. upang pasaringan ang mga kongresista patungkol sa budget cut.

Sa ilalim ng Marcos Jr. Administration, umabot sa P700 bilyon ang kinita ng Pilipinas mula sa inbound tourism expenditure noong 2024. Patunay ito ng patuloy na paglakas ng industriya ng turismo at ang makabuluhang kontribusyon nito sa ekonomiya ng bansa.

Iginiit ni Frasco na sa kabila ng mas mababang promosyonal badyet ng DOT—mula P1.2 bilyon noong 2023, naging P200 milyon noong 2024, at ibinaba pa sa P100 milyon sa 2025—nakapaghatid pa rin ang industriya ng turismo ng 3.86 trilyong kita mula sa mga lokal at dayuhang turista, 6.75 milyong direktang trabaho, halos 10 milyong indirect at induced opportunities, at 5.95 milyong foreign tourists kahit limitado ang marketing funds.

“That’s return of over 1,900,000%. Trillions generated. Millions employed. No ghosts. No waste. Just results,” giit niya.

Nanawagan ang Kalihim para sa para sa patas na pagtingin sa performance at potensyal ng turismo bilang kasangkapan ng regional development at inclusive growth.

“Why does Congress continue to cut the budget of industry that not only creates millions of jobs but also contributes trillions to our economy?” aniya.

Dagdag pa niya, “Congress holds the power of the purse. But when that power is used to defund and punish a top economic driver like tourism, it directly harms our country and our people. To quote the President’s SONA: Mahiya naman kayo.”

via Samue Macmac

“World's floating bookstore", muling dumaong sa Pto Princesa Muling bumisita sa Lungsod ng Puerto Princesa City ang MV D...
02/08/2025

“World's floating bookstore", muling dumaong sa Pto Princesa

Muling bumisita sa Lungsod ng Puerto Princesa City ang MV Doulos Hope, ang tinaguriang ‘world’s floating bookstore’, ngayong Agosto 1 na nakatakdang magtatagal hanggang Agosto 17, taong kasalukuyan.

Masayang pinasinayaan ang opisyal na pagbubukas ng MV Doulos sa tulong ng buong puwersa ng crew members sa pangunguna ni American Captain Tom Dyer at Indian Director Nidhin Sebastian.

Pangunahing panauhin naman si Mayor Lucilo Bayron kasama si Sangguniang Kabataan (SK) Federation President Karl Aquino at mga kawani ng City Tourism, City Information Office, Philippine Ports Authority, Philippine Coast Guard, local media, at iba pa.

"To us, MV Doulos Hope is more than just a floating library – it is a vessel of international cooperation, knowledge, learning and hope. With thousands of books and opportunities of learning and literacy. Your 17-day visit will surely be beneficial to our community. It will contribute to our continuing efforts of promoting education and youth development in the city,” mensahe ni Mayor Lucilo Bayron.

Kilala bilang ‘floating book fair ng mundo’ ang MV Doulos na mayroong mahigit 100 international crew mula sa mahigit 35 countries. Nasa halos 2,000 na book titles ang puwedeng pagpilian at mabibili, at liban dito, mayroon din silang cafe.

Para sa mga nagnanais ma-experience ang MV Doulos, kailangan mag-online booking sa link na ito https://thelittleboxoffice.com/douloshope/.

Bubuksan ang booking slots online kada Linggo ng gabi.

Bukas para sa mga bisita ang MV Doulos simula 1:30 ng hapon hangang 9:00 ng gabi, havang ang Cut off time ay 8:30 ng gabi at Sarado tuwing Lunes.

Halagang ₱50 ang entrance fee na babayaran bago makaakyat sa barko. Ipakita lamang ang booking reference number o ticket at ID. Libre para sa mga bata 12 taong gulang pababa, Senior Citizens, at Persons with Disabilities (PWD).

Repetek News | via Ferds Cuario

PANSAMANTALANG PAGSUSPENDE KAY BARRIOS HABANG GUMUGULONG ANG IMBESTIGASYON KAUGNAY SA “ITEMS, TRANSFER FOR SALE”, ISINUS...
02/08/2025

PANSAMANTALANG PAGSUSPENDE KAY BARRIOS HABANG GUMUGULONG ANG IMBESTIGASYON KAUGNAY SA “ITEMS, TRANSFER FOR SALE”, ISINUSULONG

Nais ng Resolution No. 0136-25 na kasalukuyang iminumungkahi sa Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Palawan na pansamantalang suspendehin ang Schools Division Superintent- Palawan na si Dr. Elsie T. Barrios habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Department of Education (DepEd) sa “items and transfer for sale” na nakakaapekto sa “integridad” ng nasabing ahensiya.

Ito ay produkto ng deliberasyon ng Committee on Education na pinamumunuan ni SP Board Member Rafael V. Ortega Jr.

Ayon kay SP Board Member Ryan Maminta, dapat na pansamantalang suspendihin si Dr. Elsie T. Barrios habang umiiral ang imbestigasyon para maging patas ang proseso.

Pero bago isuspende ng DepEd, kailangan muna maghain ng pormal na kaso, ayon sa “rules of disciplinary procedures” ng ahensiya, ayon din kay Maminta.

Sa kasalukuyan, mayroong higit sa sampung (10) persons-of-interest ang iimbestigahan ng SP, matapos silang sumagot sa imbetasyon nito. Marami na ang nagbigay ng impormasyon tungkol sa nabibiling pabor sa DepEd, pero nagsasagawa pa rin ang Committee of Education ng “verification”.

Ipapatawag din sina Barrios, at DepEd Undersecretary Wilfredo E. Cabral, kasama ang ilan pang mataas na opistales ng DepEd para magtulong sa pangangalap ng impormasyon.

“Kaya po natin pinapapunta iyong DepEd, is gusto po namin silang bigyan ng pagkakataon na makapagsalita at madepensahan ang kanilang mga sarili,” ani ni SP Board Member Rafael V. Ortega Jr. na ulo ng Committee on Education.

Para rin ito magkaroon ng “equal opportunity” ang lahat ng g**o dahil mayroong “injustice” and “unfair” sa mga walang pambayad sa DepEd, at may mga nadadamay rin na walang kasalanan.

Hiningi na rin ng SP ang tulong ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) para sa “mas malalim na imbestigasyon”, ayon kay Maminta.

Laganap na ang isyu at hindi na maitatangi, sabi niya.

Simula nang gumulong ang imbestigasyon, nakatanggap na ng “immense” (malaking) suporta ito mula sa mga kaguruan sa Palawan.

“Huwag na nilang ipagpatuloy ang mga gawaing ito sapagkat nakakalugmok ito ng moralidad pati ng integridad ng tao,” sabi ni Maminta.

Ang iminumungkahing resolusyon ay isinulat nina SP Board Members Winston G. Arzaga, Ryan Maminta, Rafael V. Ortega, Juan Antonio Alvarez, Al-Nashier M. Ibba, Marivic H. Roxas, Roseller S. Pineda, Ariston G. Arzaga, ex-officio Ferdinand Zaballa, at ex-officio Luzviminda Bautista.

"Paano magkakaroon ng fair trial kung nandiyan siya [Dr. Barrios]?," tanong ni SP Board Member Arzaga. | Photo: Elsie Tirrol Barrios

via Albert Villamor

P4.8-M, INILAAN NG CITY GOV’T SA BLOOD SAMARITAN FUND NGAYONG 2025 Hindi na poproblemahin pa ng mga residente ng lungsod...
01/08/2025

P4.8-M, INILAAN NG CITY GOV’T SA BLOOD SAMARITAN FUND NGAYONG 2025

Hindi na poproblemahin pa ng mga residente ng lungsod ng Puerto Princesa ang pagbabayad ng blood processing fee dahil ang lokal na pamahalaan ay naglaan ngayong taon ng P4.8 milyon para sa Blood Samaritan Fund.

Ayon kay Regina Villapa ng City Health Office (CHO), benepisyaryo ng programang ito ang mga residente ng lungsod na “in crisis”.

“Ang nakalagay sa ordinansa ay mga residente ng Puerto Princesa “in crisis”, [pagkamayroon] tayong pasyente kahit marami kang pera “in crisis ka”. So, wala po tayong pinipili [r]oon sa Blood Samaritan Fund basta ikaw ay taga- Puerto Princesa p’wede pong ma-avail ang Blood Samaritan Fund,” ani Villapa.

Aniya pa, kahit ang pasyente ay naospital sa labas ng lungsod kung ito ay nangangailangan ng dugo, maaari pa rin itong mabenepisyuhan ng libreng screening fee.

Paliwanag naman ni Philippine Red Cross Palawan Chapter Officer-in-charge Agnes Melinda Beronio, ang city government ay naglagay ng social work sa kanilang opisina para magsagawa ng assessment upang hindi na kailangan pang pumunta ng pasyente o ng kaanak nito sa city hall.

“Halimbawa ang pasyente naka-confine sa isang pribadong ospital, magsa-submit lang siya ng requirement sa opisina at kami po ay nagbi-bill sa ospital, hindi na namin ibi-bill kasama ang pasyente na ‘ “yan. Hindi na po sila sisingilin ng ospital kasi before the discharge kasama na sa bill ng ospital doon sa pasyente ang blood processing fee,” ayon kay Beronio.

Ipinagmalaki rin nito, ang Blood Samaritan sa lungsod ang pinakamalaki sa buong Pilipinas at ang programang ito ay ginawang modelo na rin ng iba pang local government units.

“We have 102 chapters kung anuman po ang mayroon sa Puerto Princesa na one of the best practices na nasi-share with all other Filipino Redcross Facility na LGU na nag-allocate ng ganu’n kalaking funds and even those coming hospitals outside Puerto Princesa at outside ng province ay nakaka-benefit so the same program na ginawa na rin ng mga munisipyo at ibang probinsya sa Pilipinas,” pahayag nito. | via Clea G. Cahayag

📸 Repetek News

Address

Centro De Benito Y Aliva Complex, Rizal Avenue

5300

Opening Hours

Monday 09:00 - 18:00
Tuesday 09:00 - 18:00
Wednesday 09:00 - 18:00
Thursday 09:00 - 18:00
Friday 09:00 - 18:00
Saturday 09:00 - 18:00

Telephone

630484348598

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Repetek, Ang Diyaryo ng Pilipino posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Repetek, Ang Diyaryo ng Pilipino:

Shortcuts

  • Address
  • Telephone
  • Opening Hours
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share