
11/08/2025
"Buwan ng ating unang pag-uusap,
Araw ng ika'y aking sagutin,
At araw ng tinagurian nating "monthsary". "
—Hindi ko na mawari kung ako'y
sumusobra na sa pagiging ilusyunada.
O sadyang tama ang aking hinala.
Sa tutuusin, galak at lungkot
ang aking nadama,
sa oras na naintindihan ko
ang bigay mong mga numero.
May tuwa sa aking labi,
sapagkat patuloy mong inaalala,
kung anong meron tayong dalawa.
At hapdi sa aking puso,
sa kadahilanang, pareho na tayong
may mga bagong iniirog na.
Nais kong marinig
mula sa matipuno mong tinig,
na ako'y mali at nababaliw lamang.
Patunayan mo sa akin
na ikaw ay nakausad na,
at hindi na babalik pa.
Harapin mo ang mapusok na katulad ko,
at sampalin ng mga salitang,
"Ako'y nakausad na,
maaari mo nang ibasura
ang natitira pa nating mga
alaala.
Sapagkat, ako'y malayo na,
sa kinatatayuan mo,
minamahal kong dalaga"
Upang ika'y tuluyan ng mabura
sa mga taong, patuloy kong minamahal
at niyayakap sa aking mga panaginip.—
-ensa
cttrootp