06/10/2023
"SYMBOL OF DEATH"
𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗙𝗢𝗨𝗥 | Dark Moment
"Wala namang nangyare,mga kwentohan lang na walang makabuluhan".Malumanay na saad ni luke sabay tingin sa parte namin nila haru
Tahimik akong nakikinig sa kwentohan ng mga Guidance Councilor at ng iba pang Councilor.Halos about sa nangyare lang naman kanina sa HC.M kaya hindi naako makikisali sa usapan,wala naman akong interest na pag usapan yung nangyare na.
"Si Darren nasaan?".Paghihinalang tanong ni Colene
Agad akong napatingin sa orasan.
Kanina pa siya wala,kahit sa meet up,pagkatapos lang ng pagpapakilala bigla nalang siya nawala na parang bula,saan kaya nagpunta ang taong yun?.
"May inasikaso daw,mahalaga lang".Sagot ni luke kay colene.
"Ang hilig talaga mawala kapag may mahalagang pag uusapan na".Iritang saad ni Colene na dahelan ng ikinatawa ng lahat
Napataas kilay nalang si Colene sa mga kasamahan na bakas sa mukha niya ang pagkairita at pagkamataray na tao.
"Hindi padin kayo sanay,si Darren lang naman saatin ang palaging may ginagawang kababalaghan".Pagpapatawang saad ni zekie
"Hindi lang naman kababalaghan,katatakotan kaya magtaga ingat nakayo kay Darren may ginagawa yan na patalikod"
Mga kalukohan niyo,kapag yan nalaman ni Darren na pinag-uusapan niyo siya ng ganiyan na topic ay jusko tatago naako baka lumabas nanaman yung apoy dito hirap panaman mag-igib ng tubig.
"Wuan,anong pinag usapan niyo ni tyron?".Pabulong na tanong ni haru na bahagyang interesado sa tanong niya.
"A-ahh,nagkamustahan lang tyaka kunting topic about sa life nila".Pangutal-utal kung sagot
Hindi pwedeng palagi nalang may nakakakita at nakikinig sa bawat kilos ko,kailan paba ako masasanay sa ganitong sitwasyon.hay kung pwede lang dumistansiya mona kaso malaking problema naman ang mangyayare.
"Alam mo minsan napapaisip nalang ako ang hirap pala magkaroon ng taong mahalaga sayo na hindi naman nakikita yun"
Huh?,anong kinalaman non sa pinag-uusapan natin ngayon.ayus kalang ba haru ,may lagnat ka ata ngayon.
"Sabay nalang pala tayo pumasok bukas,ginagawa kopa kasi yung irereport baka kapag nalutang ako bagsak tayo lahat".Pagpapatawa kung saad
"Oo sige,basta tapusin moyan"
"Uyy wuan,may meeting kayo ngayon,dalian mona".Pasigaw na tugon ni kuya Ian
Napatayo ako sa sobrang gulat nang 5:34 pm na.
Halah anong oras na,yung meeting pala sa HC.M Co.buti nalang pinaalala mo kuya,jusko bawal mahuli baka mapagalitan ulit ni Madam Vivian
Dali-dali akong lumabas ng Guidance Room,hindi ako nakapag paalam sakanila baka ako'y mahuli pa sa pag uusapan ako nanaman yung mapapagalitan kahit siya naman talaga may kasalanan.
Rinig kopa ang pag sigaw ni kuya Ian bago ako makalabas ng Guidance Room.
Tyron Point of View
"Love,anong pakiramdam na nakita mona siya?".walang emosyon kung tanong kay killy
Agad namang itong napatingin saakin.
"Hmm.wala naman,hindi ko lang akalain na totoo pala siya"
Napangisi nalang ako sa narinig ko mula sakanya. Alam ko namang may gusto ka sakanya bago pa naging tayo at alam kodin na yang nararamdaman mo sakanya ay hanggang ngayon hindi padin nawawala.
"Hindi kaba masaya?".malumanay kung tanong sabay tingin sa mga mata niya
Kung oo ang sagot mo.Mas masaya ako ngayon hindi ko alam kung bakit ganoon nalang ako sumang-ayon sa mga sinasabi ko.
"Love,anong klaseng tanong yan?".malambing na saad ni killy na bahagyang kumukurot nanaman ang nu-o
Tinanggal ko ang mga titig ko sakanya at dali daling lumabas ng kwarto.
Syimpre hindi.hindi,lang naman isasagot mo diba?.Hindi kasi nakita mona yung taong nagustuhan mo ng ilang taon at hinintay ng ilang oras,pero ngayon nakikita ko sa mga mata mo ang mensahe na kahit huwag mo nang sabihin sa harapan ko na hinihintay mopadin siya. NAKAKATAWANG ISIPIN
Killy Point of View
"Hindi kaba masaya?"
Yang tanong nayan ang hirap sagutin hindi ko alam kung oo o hindi ang sagot.Kapag oo anong rason at kapag hindi anong rason?
Pero kahit isipin mo na gusto kopadin siya ay mahirap paniwalaan na ikaw ang nandito.Sabawat oras na lumipas,araw,buwan kahit sino walang nagtangkang kunin man lang yung loob ko pero ikaw tyron ikaw ang unang pinayagan ko para kunin ito at alagaan.
Nong oras nang makita ko si Arzhel parang hinulog ako sa bangin na binabalot ng kalungkotan at kadiliman na walang sumasang ayon na liwanag para bigyang pansin ang katahimikan.
WRITTED BY: ZEROS MANUNULAT
THANKYOU FOR READING
🚫open for criticism
🚫plagiarism is a crime