93.9 Star FM Zamboanga

  • Home
  • 93.9 Star FM Zamboanga

93.9 Star FM Zamboanga Serving Zamboanga through music & information For Advertisements Inquiries, Please contact (062)310-0883 or 0917-639-0299 and look for the Station Manager.

For Greetings, Request,Comments and Suggestions please text Starcb>space> Message then send to 2213

10/09/2026

๐ŸŽ„ 105 DAYS BEFORE CHRISTMAS

Mga ka-Star Nation, 105 days to go na lang bago ang Pasko! Unti-unti nang lumalapit ang pinaka-aabangang season ng taon. Kaya kung may Christmas plans ka na, puwede nang maghanda nang paunti-unti! ๐ŸŽ…๐ŸŽ„




10/09/2026

SEN. BATO AT EX-REP. ZALDY CO MALAKI ANG TYANSA NA MAHULI NAโ€”DILG SEC. REMULLAโ€™

PANOORIN: Malaki umano ang tyansa na mahuli na si Senator Ronald โ€œBatoโ€ dela Rosa ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla.

Gayunman, tumanggi ang kalihim na magbigay pa ng ibang detalye upang hindi aniya makompromiso ang kanilang operasyon.
Samantala, kumpyansa rin si Remulla na madadala nila pabalik ng Pilipinas ang pugante at dating Kongresista na si Zaldy Co.
Magtutungo umano siya sa France sa susunod na dalawang linggo.
Dagdag pa ni Remulla, hawak na nila ang lahat ng impormasyon sa pinagtataguan ni Co.

via Angelo Aganan, Bombo Radyo Philippines



โ€˜โ€™VP SARA, IPINAPABASURA ANG MGA KASONG GRAVE THREATS SA KORTE SUPREMAโ€™โ€™NEWS UPDATE | Dumulog sa Kataas-taasang Hukuman ...
10/09/2026

โ€˜โ€™VP SARA, IPINAPABASURA ANG MGA KASONG GRAVE THREATS SA KORTE SUPREMAโ€™โ€™

NEWS UPDATE | Dumulog sa Kataas-taasang Hukuman si Vice President Sara Duterte upang isumbong ang patungkol sa mga kaso nitong kinakaharap.

Naghain ang ikalawang pangulo ng petisyon sa Kataas-taasang Hukuman upang kontrahin ang tatlong bilang ng kasong โ€˜grave threatsโ€™ na isinampa ng Department of Justice laban sa kanya.
Sa Petition for Certiorari and Prohibition kalakip ang aplikasyon para sa Temporary Restraining Order, hiniling niya sa Korte Suprema na maipawalang bisa ang resolusyon ng DOJ nagtakda para siyaโ€™y masampahan ng mga kaso.

Bukod ditoโ€™y nais din ng bise presidente na maipawalang bisa ang inisyung resolusyon ng Quezon City Regional Trial Court nagbasura sa kanyang โ€˜motion to quashโ€™ pati โ€˜warrant of arrestโ€™ laban sa kanya.

Maging ang pagbasura, at pagpigil sa prosekusyon at korte ng Quezon City upang gumawa ng anumang aksyon kaugnay sa kaso ay kasamang idinulog ni VP Sara sa Korte Suprema.
Batay sa petisyon, inilatag dito ang katanungan sa limitasyon ng โ€˜procedural immunityโ€™ sa nakaupong impeachable officer na ipinauubaya sa hukuman para mabigyan linaw.
Matapos ang paghahain ng naturang petisyon, sinundan ito ng kanyang inihain mosyon upang agaran resolbahin ng korte ang kanyang aplikasyon TRO.

Pinangambahan kasi ng kanilang kampo na itoโ€™y maging โ€˜moot and academicโ€™ kung aabutin pa bukas, ika-11 ng Setyembre, itinakdang araw para sa arraignment at pre-trial ng mga kaso.

via Bombo Grant Hilario

Courtesy: Supreme Court PH



10/09/2026

๐๐Ž๐Œ๐๐Ž ๐๐„๐“๐–๐Ž๐‘๐Š ๐๐„๐–๐’ ๐„๐•๐„๐๐ˆ๐๐† ๐„๐ƒ๐ˆ๐“๐ˆ๐Ž๐ | ๐€ ๐Ÿ”๐ŸŽ-๐ฆ๐ข๐ง๐ฎ๐ญ๐ž ๐ง๐ž๐ฐ๐ฌ ๐›๐ซ๐จ๐š๐๐œ๐š๐ฌ๐ญ ๐š๐ข๐ซ๐ž๐ ๐š๐ฅ๐ฅ ๐จ๐ฏ๐ž๐ซ ๐ญ๐ก๐ž ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐ž๐ฌ ๐ฏ๐ข๐š ๐ฌ๐š๐ญ๐ž๐ฅ๐ฅ๐ข๐ญ๐ž ๐š๐ง๐ ๐š๐ฅ๐ฅ ๐จ๐ฏ๐ž๐ซ ๐ญ๐ก๐ž ๐ฐ๐จ๐ซ๐ฅ๐ ๐ญ๐ก๐ซ๐ฎ ๐ญ๐ก๐ž ๐–๐จ๐ซ๐ฅ๐ ๐–๐ข๐๐ž ๐–๐ž๐›. ๐‡๐จ๐ฌ๐ญ๐ž๐ ๐›๐ฒ ๐๐Ž๐Œ๐๐Ž ๐†๐„๐๐„๐’๐ˆ๐’ ๐‘๐€๐‚๐‡๐Ž

#๐›๐จ๐ฆ๐›๐จ๐ซ๐š๐๐ฒ๐จ๐ง๐ž๐ฐ๐ฌ
#๐›๐จ๐ฆ๐›๐จ๐ซ๐š๐๐ฒ๐จ๐ฉ๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐ž๐ฌ
#๐›๐จ๐ฆ๐›๐จ๐ซ๐š๐๐ฒ๐จ๐ฉ๐ก
#๐›๐จ๐ฆ๐›๐จ๐ซ๐š๐๐ฒ๐จ๐ง๐ž๐ฐ๐ฌ

As of 2:00 PM today, 10 September 2026, a Low Pressure Area (LPA 09b) is now being monitored OUTSIDE the Philippine Area...
10/09/2026

As of 2:00 PM today, 10 September 2026, a Low Pressure Area (LPA 09b) is now being monitored OUTSIDE the Philippine Area of Responsibility (PAR) and has a MEDIUM chance of developing into a tropical depression within the next 24 hours.



10/09/2026

PANOORIN: Ganito na ang estado ng M/V June Aster matapos itong masunog nitong Miyerkules ng gabi, Setyembre 9, sa karagatan ng Coron, Palawan.

Makikita sa aerial footage, halos mapadpad na sa dalampasigan ang barko matapos ang sunog, na sumiklab sa layong 1.2 nautical miles mula sa Coron.

Nananatili sa 42 ang bilang ng mga nailigtas, habang lima na ang kumpirmadong nasawi.

Patuloy naman ang search, rescue, and retrieval operations para sa 87 katao na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan.

via Star DJ Antonio Lambada, Star FM Manila News Team

๐ŸŽฅ Philippine Coast Guard



Magkakasa muli ng nationwide transport strike ang grupong Manibela sa Lunes, Setyembre 14. Ito ay kasunod ng inaasahang ...
10/09/2026

Magkakasa muli ng nationwide transport strike ang grupong Manibela sa Lunes, Setyembre 14. Ito ay kasunod ng inaasahang panibagong pagtaas ng presyo ng langis sa susunod na linggo.

Via Cindy Grayda



10/09/2026

๐๐Ž๐Œ๐๐Ž ๐๐„๐“๐–๐Ž๐‘๐Š ๐๐„๐–๐’ ๐๐Ž๐Ž๐๐“๐ˆ๐Œ๐„ ๐„๐ƒ๐ˆ๐“๐ˆ๐Ž๐ | ๐€ ๐Ÿ”๐ŸŽ-๐ฆ๐ข๐ง๐ฎ๐ญ๐ž ๐ง๐ž๐ฐ๐ฌ ๐›๐ซ๐จ๐š๐๐œ๐š๐ฌ๐ญ ๐š๐ข๐ซ๐ž๐ ๐š๐ฅ๐ฅ ๐จ๐ฏ๐ž๐ซ ๐ญ๐ก๐ž ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐ž๐ฌ ๐ฏ๐ข๐š ๐ฌ๐š๐ญ๐ž๐ฅ๐ฅ๐ข๐ญ๐ž ๐š๐ง๐ ๐š๐ฅ๐ฅ ๐จ๐ฏ๐ž๐ซ ๐ญ๐ก๐ž ๐ฐ๐จ๐ซ๐ฅ๐ ๐ญ๐ก๐ซ๐ฎ ๐ญ๐ก๐ž ๐–๐จ๐ซ๐ฅ๐ ๐–๐ข๐๐ž ๐–๐ž๐›. ๐‡๐จ๐ฌ๐ญ๐ž๐ ๐›๐ฒ ๐๐Ž๐Œ๐๐Ž ๐ƒ๐„๐๐๐ˆ๐’ ๐‰๐€๐Œ๐ˆ๐“๐Ž ๐€๐๐ƒ ๐๐Ž๐Œ๐๐Ž ๐‰๐ˆ๐‘๐„๐‡ ๐‰๐€๐๐†๐€๐˜๐Ž

#๐›๐จ๐ฆ๐›๐จ๐ซ๐š๐๐ฒ๐จ๐ง๐ž๐ฐ๐ฌ
#๐›๐จ๐ฆ๐›๐จ๐ซ๐š๐๐ฒ๐จ๐ฉ๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐ž๐ฌ
#๐›๐จ๐ฆ๐›๐จ๐ซ๐š๐๐ฒ๐จ๐ฉ๐ก
#๐›๐จ๐ฆ๐›๐จ๐ซ๐š๐๐ฒ๐จ๐ง๐ž๐ฐ๐ฌ

๐‡๐Ž๐”๐’๐„ ๐Ž๐… ๐‘๐„๐๐‘๐„๐’๐„๐๐“๐€๐“๐ˆ๐•๐„๐’, ๐Œ๐€๐†-๐–๐Ž๐‘๐Š ๐…๐‘๐Ž๐Œ ๐‡๐Ž๐Œ๐„ ๐ƒ๐€๐‡๐ˆ๐‹ ๐’๐€ ๐Œ๐€๐‹๐€๐Š๐€๐’ ๐๐€ ๐”๐‹๐€๐ ๐€๐“ ๐๐Ž๐’๐ˆ๐๐‹๐„๐๐† ๐๐€๐†๐๐€๐‡๐€Magpapatupad ng work-from-home...
10/09/2026

๐‡๐Ž๐”๐’๐„ ๐Ž๐… ๐‘๐„๐๐‘๐„๐’๐„๐๐“๐€๐“๐ˆ๐•๐„๐’, ๐Œ๐€๐†-๐–๐Ž๐‘๐Š ๐…๐‘๐Ž๐Œ ๐‡๐Ž๐Œ๐„ ๐ƒ๐€๐‡๐ˆ๐‹ ๐’๐€ ๐Œ๐€๐‹๐€๐Š๐€๐’ ๐๐€ ๐”๐‹๐€๐ ๐€๐“ ๐๐Ž๐’๐ˆ๐๐‹๐„๐๐† ๐๐€๐†๐๐€๐‡๐€

Magpapatupad ng work-from-home arrangement ang House of Representatives simula alas-12 ng tanghali ngayong Huwebes, Setyembre 10, dahil sa malalakas na pag-ulan at posibleng pagbaha dulot ng Habagat o southwest monsoon.

Sa advisory na inilabas ngayong Huwebes ng House Secretary General na si Cheloy Velicaria-Garafil, sinabi nitong alinsunod sa Memorandum Circular No. 135 ng Office of the President ang pagpapatupad ng WFH setup.

Gayunman, exempted dito ang mga opisyal at empleyado na kailangang pisikal na nasa kanilang mga tanggapan para sa essential at critical operations ng kanilang mga departamento at ng buong Kamara.

Hinimok naman ni Garafil ang lahat ng personnel na mag-ingat at unahin ang kanilang kaligtasan at kapakanan.

Samantala, naglabas ang PAGASA ng yellow rainfall warning sa ilang bahagi ng Bataan at Zambales dahil sa malakas na pag-ulan na dala ng Habagat.

Inaasahan ding makararanas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan, na maaaring salubungin ng panaka-nakang malakas na ulan, ang Metro Manila at ilang bahagi ng Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Rizal, Laguna, Batangas, Zambales at Nueva Ecija sa loob ng susunod na tatlong oras.




๐€๐‹๐€๐ ๐€๐“ ๐๐ˆ๐€ ๐‚๐€๐˜๐„๐“๐€๐๐Ž, ๐๐”๐Œ๐ˆ๐˜๐€๐‡๐„ ๐๐€๐‹๐€๐๐€๐’ ๐๐† ๐๐€๐๐’๐€KUMPIRMADO NG BUREAU OF IMMIGRATION O BI NA NAKALABAS NG BANSA SINA SENAT...
10/09/2026

๐€๐‹๐€๐ ๐€๐“ ๐๐ˆ๐€ ๐‚๐€๐˜๐„๐“๐€๐๐Ž, ๐๐”๐Œ๐ˆ๐˜๐€๐‡๐„ ๐๐€๐‹๐€๐๐€๐’ ๐๐† ๐๐€๐๐’๐€

KUMPIRMADO NG BUREAU OF IMMIGRATION O BI NA NAKALABAS NG BANSA SINA SENATE MINORITY LEADER ALAN PETER CAYETANO AT SENADOR PIA CAYETANO.

Ayon sa BI, kapwa bumiyahe sa labas ng Pilipinas ang magkapatid at iniulat na nakitang sumakay ng flight patungong Singapore nitong Miyerkules ng gabi.

Ilang oras matapos ang kanilang pag-alis, iniulat ding dumating ang dalawa sa Changi Airport sa Singapore.

Nilinaw naman ng Bureau of Immigration na batay sa kanilang records, walang hold departure order o anumang derogatory record laban sa magkapatid noong araw ng kanilang pag-alis na maaaring legal na pumigil sa kanilang pagbiyahe.

Samantala, nauna nang inatasan ng Office of the Ombudsman si Alan Cayetano, kasama si Senador Robin Padilla, na sumagot sa mga reklamong obstruction of justice kaugnay ng umano'y pagtulong sa fugitive-at-large na si Senador Ronald โ€œBatoโ€ dela Rosa na magtago.

Si Dela Rosa ay nahaharap sa crime against humanity case sa International Criminal Court dahil sa umano'y papel nito sa drug war. Gayunman, hindi pa naihahatid sa kanya ang arrest warrant dahil nananatili siyang nagtatago.




Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 93.9 Star FM Zamboanga posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to 93.9 Star FM Zamboanga:

Shortcuts

  • Want your business to be the top-listed media company?

Share