10/06/2025
Isang Taos-Pusong Pasasalamat para sa mga Batang Rizaleño na Nagdala ng Karangalan sa Palarong Pambansa 2025
Sa ngalan ng buong lalawigan ng Rizal, kami ay buong pusong nagpapasalamat at nagbibigay-pugay sa ating mga Batang Rizaleño na lumahok at nag-uwi ng karangalan sa nakaraang Palarong Pambansa 2025.
Sa pamamagitan ng inyong sipag, tiyaga, at determinasyon, naipamalas ninyo hindi lamang ang husay sa larangan ng isports, kundi pati na rin ang diwang palaban at dangal ng ating lalawigan. Ang bawat medalya na inyong naiuwi ay patunay ng inyong dedikasyon at sakripisyo, gayundin ng suporta ng inyong mga magulang, g**o, at tagasanay.
Maraming salamat sa pagbibigay-inspirasyon sa inyong kapwa kabataan at sa pagbibigay ng bagong pag-asa sa hinaharap ng atletang Rizaleño.
Mabuhay ang Batang Rizaleño! Mabuhay ang Rizal!