
13/08/2025
𝐒𝐈𝐋𝐈𝐏 || 𝐏𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐢𝐬𝐚: 𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐠𝐝𝐢𝐫𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐤𝐨𝐦𝐮𝐧𝐢𝐝𝐚𝐝 𝐬𝐚 𝐌𝐢𝐬𝐚 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧
Kaninang umaga ginanap sa komunidad ng Mataas na Paaralang Junior ng Pamantasang Ateneo de Zamboanga (AdZU JHS) ang Misa ng Bayan sa pangunguna nina Reb. Padre Richard V. Ella, SJ at Reb. Padre Roberto M. Boholst, SJ bilang paggunita sa pagdiriwang ng dakilang kapistahan ng pag-akyat sa Langit ng Mahal na Birheng Maria.
Layunin nitong ipahayag ang tanda ng pananampalataya at pag-asa ng sambayanang Kristiyano at pagbibigay-pugay sa ating mayamang wikang Filipino at kulturang Pilipino bilang isang bayan kasabay ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika na may temang “Ang Paglinang ng Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa pagkakaisa sa bansa,” at Buwan ng Kasaysayan na may temang “Diwa ng Kasaysayan, Kabilin sa Kabataan.”
Isinulat ni: Aedric Enriquez
Larawang kuha nina: Andrei Bastero, Aburaden Tahir, Hesham Mariwa, Shane Bautista, Rhyan Gonzales