02/10/2025
๐๐ ๐ ๐ฆ๐๐ง๐ฅ๐๐ฅ๐๐ซ๐จ ๐ง๐ ๐๐๐๐ฆ๐ข๐ง๐ญ๐จ๐ง, ๐๐ฎ๐จ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฌ๐๐ฒ ๐ง๐ ๐ง๐๐ค๐ข๐ฉ๐๐ ๐ญ๐ฎ๐ง๐ ๐ ๐๐ฅ๐ข
Matagumpay na isinigawa ang torneo sa Badminton ngayong Palarong Pambayan 2025, nagpakitang gilas ang bawat kalahokat buong husay na nakipagtagisan, ito ay ginanap sa Narra Gymnasium ngayong ika-2 ng Oktubre 2025.
Pinatunayan ng bawat manlalaro ang kanilang hangarin na manalo sa pamamagitan ng buong husay na pakikipagtunggali sa iba't ibang kategorya.
Sa Womenโs Singles A, wagi ng silver medal si Sam Wella Santos (Cluster 2) at bronze si Ella Mae Mallari (Cluster 4). Sa Singles B, nagkampeon ng gold si Jehano Keyne Ava M. Cervancia (Cluster 1) at bronze si Kizzia Belvis (Cluster 3).
Sa Menโs Singles A, tinanghal na silver si Welter Mabuyao mula sa cluster 3, habang bronze ang nakuha ni Justine Tabuada mula sa cluster 1. Sa Menโs Singles B naman, pinangunahan ni Harold Rain Martinez mula sa cluster 2 ang laban para sa gold, habang bronze naman ang nakuha ni Jared Diola mula sa Cluster 3.
Sa Womenโs Doubles, nagtulungan sina Precious May R. Martine at Johana Rein B. Junio na nakakuha ng gold matapos ang matinding teamwork at koordinasyon. Silver naman ang nakamit nila Lorraine Agustin at Alyanna Lapitan, habang bronze naman kina Julietmie Moreno at Princess Jane Garcia.
Samantala, sa Menโs Doubles, itinanghal na kampeon sina Yudz Carlo Gayongan at Yonnex Markian Salvacion na nakamit ang gold medal. Nakakuha ng silver sina Tsikednu Sajot at Raeven Anapada, habang bronze kina Renier Neil Francisco at Vin Lawrence Agustin.
Ang badminton tournament na ito ay hindi lamang nagbigay ng karangalan sa kanilang cluster Kundi nagsilbi ring inspirasyon sa mga mag-aaral upang higit pang paunlarin ang kanilang talent sa larangan ng isports.
โ๏ธ: Marie Yosabelle Carlos
๐ธ: Audrey Gulane