Ppalma Presscorps

  • Home
  • Ppalma Presscorps

Ppalma Presscorps PPALMA Press Corps.It is an organization of responsible journalists from First District Cot prov . This is a Trimedia TV,broadcast and print. God protects

𝐌𝐏𝐎𝐗 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐂 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘CENTRAL MINDANAO-The Integrated Provincial Health Office of Cotabato Province has received informati...
25/04/2025

𝐌𝐏𝐎𝐗 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐂 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘

CENTRAL MINDANAO-The Integrated Provincial Health Office of Cotabato Province has received information from the DOH-CHD SOCCSKSARGEN confirming one (1) case of monkeypox, Clade 2, today, April 25, 2025.
The patient is a 30-year-old male from the Municipality of Tulunan, Cotabato Province. The patient has been informed since detection and is currently stable and isolated. The patient sought early consultation and has been cooperative with the local health office’s contact tracing initiatives. All close contacts identified have been traced and quarantined. None of the close contacts are showing any signs or symptoms of the disease. The Provincial and Municipal Health Offices charged with the care of the patient are currently on alert and has exhausted all public health measures to ensure that the spread of this disease is controlled and to prevent further spread of the disease.
The public are advised to remain calm and vigilant. Keep yourself informed on the preventive procedures for avoiding infectious diseases such as Monkey Pox.
What is Monkeypox? What is Clade 2?
1. Mpox is a viral illness caused by the monkeypox virus. A global outbreak of Clade 2 began in 2022 and continues to this day. Clade 2 mpox is considered less severe than clade 1 mpox and than 99% of people survive their infection
What are the signs and symptoms to watch out for?
1. Fever followed by Skin rash or mucosal lesions that look like blisters or raised firm lesions 1-3 days after, it may present on face, palms and soles of the feet
2. Swollen lymph nodes or sore throat
3. Muscle aches and back pain
4. Headache and low energy
How is Mpox Spread?
1. Through person-to-person transmission through direct contact with skin or mucosal lesions (talking or breathing, kissing, touching, hugging, or sexual in*******se, and/or through respiratory secretions)
2. Indirect contact with contaminated bedding, clothing, or linens or other objects
What can I do to avoid monkey pox?
1. Observe respiratory etiquette such as covering your mouth and noses when coughing or sneezing
2. Use masks when going out in a crowded public space and when experiencing respiratory signs and symptoms such as coughing and sneezing and runny nose
3. Ensure good airflow
4. Wash hands frequently with soap and water or alcohol-based hand sanitizer
5. Refrain from contact with individuals who have signs and symptoms
Further updates will be shared to the public once relevant information becomes available.(Garry Fuerzas-with IDCD-PGO-NCOT)

Ibat-ibang development projects kaugnay ng pagpapatayo ng Central Mindanao Airport tinalakay sa pagpupulongCENTRAL MINDA...
25/04/2025

Ibat-ibang development projects kaugnay ng pagpapatayo ng Central Mindanao Airport tinalakay sa pagpupulong

CENTRAL MINDANAO-Masusing tinalakay ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ang iba’t ibang development projects kaugnay ng pagpapatayo ng Central Mindanao Airport (CMA) sa bayan ng Mlang upang tiyakin ang maayos na pagpapatupad ng mga ito, sa isinagawang pagpupulong sa 3F Annex Building, Capitol Compound, Amas, Kidapawan City.
Batay sa datos na isinumite ng Office of the Provincial Planning and Development Coordinator (OPPDC), kabilang sa mga tinalakay ay ang access road alignment, construction of bridge, and determination of right of way and site acquisition of affected properties along Brgy. New Rizal access road (leading to CMA). Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), ang panukalang konstruksyon ng tulay ay may nakalaan nang pondo na P60M, at “on going” na ang “right of way acquisition, preparation of detailed engineering program design and program of works.”
Kasama rin sa meeting ang mga representante mula sa Provincial Legal Office (PLO), Provincial Assessors Office (PASSO), Department of Transportation, at LandBank of the Philippines. Umaasa ang pamunuan ni Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza sa agarang implementasyon ng mga nabanggit upang mapakinabangan na ng mga Cotabateño at karatig-probinsya ang naturang paliparan na inaasahang lalo pang magpapasigla ng ekonomiya sa probinsya.(Garry Fuerzas with IDCD-PGO-NCOT)

Kapitolyo nakiisa sa pagdiriwang ng Kasadyahan Festival  2025 sa Aleosan Cotabato CENTRAL MINDANAO-Masayang ipinagdiwang...
06/04/2025

Kapitolyo nakiisa sa pagdiriwang ng Kasadyahan Festival 2025 sa Aleosan Cotabato

CENTRAL MINDANAO-Masayang ipinagdiwang ng bayan ng Aleosan Cotabato ang ika-43 anibersaryo ng pagkakatatag nito sa pamamagitan ng makulay na pagdaos ng Kasadyahan Festival 2025 na siyang tampok sa isinagawang Culmination Day.
Nakiisa ang pamahalaang panlalawigan sa nasabing okasyon kung saan naging panauhing pandangal si Governor Emmylou "Lala" J. Taliño-Mendoza na inihayag ang patuloy na suporta ng kapitolyo sa mga programang isinusulong ng lokal na pamahalaan para sa kaunlaran ng nasabing bayan.
Parte rin ng selebrasyon ang Kasadyahan sa Dalan o Civic Parade, Lechon Manok Float Parade, at ang inaabangang Drum and Lyre Competition at Grand Finals ng Battle of the Bands na nagpamalas ng husay at talento ng mga kabataang Aleosanon.
Nasa naturang okasyon din sina DSWD Regional Director Loreto V. Cabaya, Jr., iilang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, mga opisyal ng bayan, at iba pang panauhin mula sa iba’t ibang sektor.(Garry Fuerzas with IDCD-PGO-NCOT)

RBOs Volunteers day,Clean and Green Activity,itinaguyod ng kapitolyo sa bayan ng M’langCENTRAL MINDANAO-Bilang bahagi ng...
06/04/2025

RBOs Volunteers day,Clean and Green Activity,itinaguyod ng kapitolyo sa bayan ng M’lang

CENTRAL MINDANAO-Bilang bahagi ng isinusulong na pangangalaga at pagpapahalaga sa kalikasan, itinaguyod ng pamahalaang panlalawigan ang Rural Based Organization (RBO) Volunteers Day and Clean and Green Activity sa Brgy. Poblacion, Mlang Cotabato.
Dito, nagsagawa ng clean up drive ang mga partisipante sa Jose Rizal at Del Pilar Street at tree growing activity na siya ring isinasagawang hakbang ng kapitolyo sa ilalim ng pamumuno ni Gov. Emmylou "Lala" J. Taliño-Mendoza upang mapanatili ang kalinisan at maibalik ang natural na ganda ng kalikasan.
Pinangasiwaan ng tanggapan ni Acting Provincial Agriculturist Elena E. Ragonton kasama ang Provincial Agricultural and Fisheries Council (PAFC) ang nasabing aktibidad na aktibong nilahukan ng mga miyembro ng konseho, Rural Improvement Club (RIC), 4H, Farmers Associations (FA), mga kinatawan mula sa LGU Mlang at Poblacion Mlang Elementary School. Naroon din sina PAFC Chairperson Tiny P. Tamayo, Provincial PAFC Focal Person Vladimir Eusala, Technical Assistant Judy C. Gomez, at iba pang panauhin.(Garry Fuerzas with IDCD-PGO-NCOT)

Isa patay sa pamamaril sa Carmen Cotabato CENTRAL MINDANAO-Personal na alitan (rido) ang natatanaw ng mga otoridad na mo...
04/04/2025

Isa patay sa pamamaril sa Carmen Cotabato

CENTRAL MINDANAO-Personal na alitan (rido) ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pamamaril sa isang lalaki dakong alas 7:40 kagabi sa Carmen Cotabato.
Nakilala ang biktima na si Ricky Isla alyas Edty Tinggalong na residente ng Sitio Baya Barangay Kilangan Pagalungan Maguindanao Del Sur.
Ayon kay Cotabato Police Provincial Office (CCPO) Director Colonel Gilberto Tuzon na nakatayo lamang ang biktima sa gilid ng kalsada sa Brgy Poblacion Carmen Cotabato ng biglang dumating ang mga hindi kilalang suspek at pinagbabaril ito gamit ang kalibre.45 na pi***la.
Nabilis namang tumakas ang mga salarin lulan ng motorsiklong walang plaka patungo sa Maguindanao Del Sur.
Patay on the spot si Isla matapos magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Carmen PNP sa pamamaril patay sa biktima.(Garry Fuerzas-GMA Integrated News)

Distribusyon ng GM corn seeds bilang calamity assistance isinagawa ng kapitolyoCENTRAL MINDANAO-Sa hangarin ng pamahalaa...
02/04/2025

Distribusyon ng GM corn seeds bilang calamity assistance isinagawa ng kapitolyo

CENTRAL MINDANAO-Sa hangarin ng pamahalaang panlalawigan na patuloy na matulungan ang mga magsasaka upang makabawi sa naging epekto ng kalamidad sa kanilang kabuhayan, isinagawa ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg), katuwang ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa Farmers Training Center, Banisilan, Cotabato ang "Distribution of GM Corn Seeds for Calamity Assistance."
Abot sa 197 corn farmers ang nabiyayaan ng nasabing tulong mula sa pondong P886,500 na inilaan ng pamunuan ni Governor Emmylou "Lala" J. Taliño-Mendoza na itinaguyod naman nina Acting OPAg Head Elena E. Ragonton at Project Coordinator Rosalie D. Sahidsahid. Nasa nasabing distribution activity sina PGO-Managing Consultant Dr. Gary Dondonayos, former PDRRMO Head Engr. Arnulfo A. Villaruz at Municipal Agriculturist Eva G. Capanang.(Garry Fuerzas with IDCD-PGO-NCOT)

Presentasyon ng Annual Investment Program ng mga departamento sa kapitolyo pinagpatuloyCENTRAL MINDANAO-Ipinagpatuloy ng...
02/04/2025

Presentasyon ng Annual Investment Program ng mga departamento sa kapitolyo pinagpatuloy

CENTRAL MINDANAO-Ipinagpatuloy ng iba't ibang departamento ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato ang presentasyon ng kanilang Annual Investment Program para sa taong 2026 kay Governor Emmylou "Lala" Taliño-Mendoza.
Kabilang sa mga opisinang nagprisinta ng kanilang mga AIPs ang Office of the Provincial Agriculturist (OPAg), Integrated Provincial Health Office (IPHO) at Provincial Governor's Office (PGO).
Ang AIP ay isang planong naglalaman ng mga proyekto, programa at aktibidades na popondohan ng kapitolyo sa susunod na taon na nakabatay sa development plans nito.(Garry Fuerzas with IDCD-PGO-NCOT)

Kapitolyo,mainit na sinalubong ang pagbisita ni dating Senador Manny PacquiaoCENTRAL MINDANAO-Mainit na sinalubong ni Co...
02/04/2025

Kapitolyo,mainit na sinalubong ang pagbisita ni dating Senador Manny Pacquiao

CENTRAL MINDANAO-Mainit na sinalubong ni Cotabato Governor Emmylou "Lala" Taliño-Mendoza ang pagbisita ni dating Senador Manny Pacquiao .
Nagpasalamat naman ang dating senador sa malugod na pagtanggap ng gobernadora at ng mga Cotabateños sa kanyang pagdalaw sa probinsya.(Garry Fuerzas with IDCD-PGO-NCOT)

2 babae patay at driver sugatan sa pamamaril sa SGA-BARMMCENTRAL MINDANAO-Alitan sa pamilya ang natatanaw ng mga otorida...
01/04/2025

2 babae patay at driver sugatan sa pamamaril sa SGA-BARMM

CENTRAL MINDANAO-Alitan sa pamilya ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pamamaril patay sa dalawang senior Citizen sa SGA-BARMM.
Nakilala ang mga nasawi na sina Hanipa Latip Ambolodto,62 anyos at Acong Guimalon Latip,mga residente ng Sitio Butuan Barangay Kibenes Carmen Cotabato.
Ayon kay Cotabato Police Provincial Office (CPPO) Director Colonel Gilberto Tuzon na sakay ng habal-habal na motorsiklo ang mga biktima mula sa Brgy Poblacion sa bayan ng Carmen papauwi na sa kanilang tahanan.
Ngunit pagsapit nila sa Sitio Galay Brgy Kibayao Kapalawan SGA-BARMM ay bigla itong dinikan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang 9mm pistol.
Mabilis namang tumakas ang mga suspek habang on the spot na nasawi ang dalawang babae na nagtamo ng tama ng bala sa ulo.
Sugatan sa tiyan ang driver ng habal-habal na agad nakahingi ng tulong sa mga sibilyan at dinala ng mga nagrespondeng pulis sa pagamutan.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Carmen PNP at Kapalawan MPS sa pamamaril sa mga biktima.(Garry Fuerzas)

1,072 DCWs ng probinsya pinasalamatan ang natanggap na honorarium mula sa pamahalaang panlalawiganCENTRAL MINDANAO-Masay...
31/03/2025

1,072 DCWs ng probinsya pinasalamatan ang natanggap na honorarium mula sa pamahalaang panlalawigan

CENTRAL MINDANAO-Masayang tinanggap ng abot sa 1,072 Child Development Workers (CDWs) ng probinsya ang kanilang honorarium o insentibo mula sa pamahalaang panlalawigan sa isinagawang magkahiwalay na distribution ng 1st quarter honorarium sa tatlong distrito kahapon kung saan nakatanggap ang bawat isa ng P3,000 insentibo na may kabuoang halaga na P3.216M.
Ang naturang aktibidad ay alinsunod sa direktiba ni Governor Emmylou "Lala" Taliño-Mendoza bilang pasasalamat sa serbisyo ng mga CDWs na nagbibigay ng tamang pangangalaga, edukasyon, suporta at gabay sa mga bata upang mapabuti ang kanilang paglaki. Ito ay itinaguyod ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) katuwang ang Provincial Treasurer's Office (PTO).
Lubos namang pinasalamatan ng mga benepisyaryo ang natanggap nilang suporta mula sa kapitolyo na nagsilbing pagkilala sa kanilang mga sakripisyo at dedikasyon sa pagpapaunlad ng mga batang Cotabateño.
Nakiisa dito ng mga miyembro ng Provincial Advisory Council (PAC).IDCD-PGO-NCOT with Garry Fuerzas)

Mga programa at proyektong nakalatag sa Annual Investment Plan OF 2026,iprinisenta kay Gov Mendoza CENTRAL MINDANAO-Ipri...
31/03/2025

Mga programa at proyektong nakalatag sa Annual Investment Plan OF 2026,iprinisenta kay Gov Mendoza

CENTRAL MINDANAO-Iprinisenta ng mga department heads ng iba't ibang opisina ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato kay Cotabato Gov. Emmylou "Lala" Taliño-Mendoza ang Annual Investment Plan (AIP) para sa taong 2026.
Ang AIP ay isang detalyadong dokumento na naglalaman ng taunang plano ng isang lokal na pamahalaan o LGU kung saan nakasaad ang mga proyekto at programang prayoridad para sa susunod na taon.
Bilang punong ehekutibo, mahalaga ayon pa kay Governor Mendoza na ang naturang plano ay nakaangkla sa Provincial Development Investment Plan (PDIP) at Provincial Development and Physical Framework Plan (PDPFP) na binuo para maging gabay sa pangkalahatang direksyon ng kaunlaran ng lalawigan. Binigyang diin din niya na kailangang nakatugon din sa pangangailangan ng mamamayan ang nakalagay sa naturang AIP.(IDCD-PGO-NCOT with Garry Fuerzas)

Kapitolyo,mas paiigtingin ang pagbibigay ng mga programa para sa mga magsasaka at mangingisda sa lalawiganCENTRAL MINDAN...
31/03/2025

Kapitolyo,mas paiigtingin ang pagbibigay ng mga programa para sa mga magsasaka at mangingisda sa lalawigan

CENTRAL MINDANAO-Nagsagawa ng pagpupulong ang pamahalaang panlalawigan kamakailan para sa Provincial Agricultural and Fisheries Council (PAFC) Officers, City/Municipal AFC Chairpersons, at Agricultural Sectoral Officers na ginanap sa 2F Agri-Center Building, Provincial Capitol, Amas, Kidapawan City.
Sentro ng naturang pulong, na pinangasiwaan ng tanggapan ni Acting Provincial Agriculturist Elena E. Ragonton kaagapay si PAFC Focal Person Vladimir T. Eusala, ang pagtalakay sa mga programang patuloy na itataguyod ng kapitolyo sa ilalim ng pamumuno ni Gov. Emmylou "Lala" J. Taliño-Mendoza na mapapakinabangan ng mga magsasaka at mangingisda sa probinsya.
Pinaalalahan din ang mga partisipante hinggil sa kani-kanilang tungkuling ginagampanan upang matiyak na ang ipinapaabot na mga serbisyong pang-agrikultural ay makakatulong na mapaunlad ang kalidad ng pamumuhay ng magiging benepisyaryo ng mga ito.
Maliban dito, nagkaroon din ng updates ang Provincial Trade and Investment Board (PTIB) hinggil sa mga resolusyon na ieendorso ng grupo sa PAFC. Nasa aktibidad din sina Provincial Advisory Council member Lily Lydia Laquindanum at Provincial IP Mandatory Representative/Ex-officio Boardmember Arsenio M. Ampalid bilang mga kinatawan ni Gov. Mendoza.(IDCD-PGO-NCOT with Garry Fuerzas)

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ppalma Presscorps posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share