
04/04/2024
Yun, para sa mga nakapanood ng Episode 103 last Sunday kasabay ng pag retire ni Kuya Bols sa TT, napagdesisyunan ng team na pansamantala munang ihinto yung Show.
Nagsimula sa konsepto na kwentuhan na may inuman, unti unti naging kape hangga't sa marami ng nabago at nadagdag.
Inintrohan ng JhaBols, pinasukan ni Direk Owwa at hanggang sa naging TT Final Form na sa pagdating ni Vivz na hindi pa rin nanonood ng Your Name.
Marami na ding mga ka-TT ang napadaan na bihira na namin makita ngayon gaya ni Pozkie. at para sa mga LOST episodes na kinain ng copyright strike, da best yon!
Sa post na to, gusto lang namin magpasalamat sa mahigit na dalawang taong suporta niyo sa amin sa show.
Hindi magtatagal ng ganito katagal yung show kung wala rin kaming kausap sa inyo, kaya salamat.
Para sa mga naka-kwentuhan at nakatawanan,
Mula sa inyong paboritong hangout show every Sunday, 6PM!
Hanggang sa susunod nating pagkikita, paalam!