
23/03/2024
Nagpapasalamat po ang buong Barangay 869 Council sa pamumuno ng ating Chairman Ipe Dimatulac - Kagawad Mho, Repaks, Jhon, Ferdie, Lorie, Domeng at ang inyong lingkod katuwang si SK Chairman PJ at kanyang konseho para sa lahat ng nakinig at nagbigay ng oras para sa ating 1st Quarter Barangay Assembly na ginanap sa ating basket ball court ngayong ika-23 ng Marso 2024.
Ang mga sumusunod na agenda ay naipahayag ng bawat committee ng barangay;
🔺Ang HAPAG GARDEN ng ating Barangay.
🔺Pagsasaayos ng ating manhole katuwang ang ating Engineering Dept.
🔺Future Project ng DPWH - Mini Pumping Station.
🔺Beautification Program under office of the Mayor - "I ♥️ 869" na matatagpuan sa kanto ng creekside.
🔺Pagsasaayos ng parking space ng buong mamamayan ng ating barangay.
🔺Kauna-unahang Barangay Medical at Burial Assistance sa lahat ng miyembro ng ating barangay.
🔺 Pagpapaganda ng arko ng Solid North at Bo. Kapampangan.
🔺 Newly installed 55 CCTVs throughout barangay.
At marami pang iba...
Patuloy po tayong magtutulungan para sa ikakaganda ng ating Barangay.
MARAMING SALAMAT PO!!♥️