19/10/2025
🚨 MAG-ASAWA, HINAHANAP SA GUMUHONG KALSADA SA BUKIDNON
Patuloy ang search and retrieval operations ng mga awtoridad para sa mag-asawang sakay ng isang bao-bao tricycle na natagpuan sa gumuho na bahagi ng Bukidnon–Davao Road sa Sitio Kipolot, Barangay Palacapao, Quezon, Bukidnon ngayong umaga, Oktubre 19, 2025.
Batay sa ulat, nakita ang naturang sasakyan sa gitna ng isinasagawang operasyon matapos ang malawakang pagguho ng lupa sa lugar.
Sa ngayon, hindi pa madaanan ang kalsada sa bahagi ng Kipolot. Ayon sa DPWH, narito ang mga alternatibong ruta:
🚛 Para sa mabibigat na sasakyan:
Maramag (via Camp One) – Damulog – Carmen – Kabacan – Matalam – Kidapawan – Bansalan – Digos City
🚗 Para sa magagaan na sasakyan:
Valencia City – San Fernando – Talaingod – Kapalong – Tagum City / Panabo City
📸 via DPWH | Kutangbato News