26/04/2025
"Ikaw ang bubuo, sisira, gagawa, at mag-aayos ng buhay mo. Walang ibang gagawa nun para sa'yo. Magsisimula lahat sa isang desisyon."
"Life is the sum of all your choices."
Ibig sabihin, nasa'yo talaga kung anong gusto mong mangyari sa buhay mo—hindi mo pwedeng iasa sa ibang tao. Ikaw ang may say kung magiging maayos o magulo ang takbo ng buhay mo.
"Every choice you make writes a line in the story of your life. Make it worth reading."
Hindi natin pwedeng isisi sa iba yung mga nangyari o nangyayari sa’tin ngayon. Kasi sa totoo lang, tayo rin naman ang pumili niyan. Lahat tayo may kalayaang magdesisyon.
Kaya habang may chance pa, ayusin na natin yung mga desisyon natin. Hindi na natin mababalikan ang nakaraan, kaya piliin na natin yung tama habang maaga pa.
"In every moment, you’re just one decision away from a different life."
Kung gusto mong gumaan ang buhay mo at maging masaya, piliin mo yung mga bagay at mga taong makakatulong sa'yo para maabot yung mga goals mo. Iwasan mo yung mga taong magpapabigat lang sa buhay at magdadala ng pagsisisi. At kung may hindi magandang nakaraan? Bitawan mo na—tapos na yun.
"Destiny is not a matter of chance, it is a matter of choice."
Her Thoughts
゚