20/08/2026
Wala namang mali sa sinabi ni VP Sara. Ang problema kasi, hindi lang curriculum ang walang kwenta—pati ang mismong sistema, maraming kailangang ayusin.
Halos kada taon may bagong curriculum, bagong approach, bagong requirements. Pero tanong lang: paano magiging mahusay ang isang g**o sa pagtuturo kung bago pa lang niyang nakasanayan ang sistema, papalitan na naman?
At paano matututukan nang maayos ang mga bata kung imbes na oras sa paghahanda ng magandang lesson at pagtuturo ang inuuna, sunod-sunod at paulit-ulit na reports ang hinihingi? Minsan, parang kahit sino na lang may hinihinging report—at mas nakakapagod, pare-parehong impormasyon lang din naman ang paulit-ulit na ipinapasa.
Napakaraming reports, forms, documentation at compliance. Pero sa kabilang banda, may mga pagkakataong kahit sapat na libro at learning materials para sa mga bata, wala.
Hindi naman takot ang mga g**o sa pagbabago. Gusto rin naming gumanda ang kalidad ng edukasyon. Pero sana kapag may pagbabago, bigyan din ng sapat na panahon, kagamitan, suporta, at pagkakataong maging mahusay ang g**o sa pinakamahalagang trabaho niya—ang magturo.
Dahil sa huli, hindi naman paramihan ng reports ang sukatan ng magandang edukasyon. Hindi rin paramihan ng bagong programa o pagpapalit ng curriculum.
Ang tunay na tanong: natututo ba talaga ang bata? At nabibigyan ba talaga ang g**o ng sapat na oras para magturo?
https://www.facebook.com/share/r/19DCa1Ud8J/