10/07/2025
π₯π’ππππ₯π¬ πππ‘π ππ?
38 π‘π π¦πππ¦ππ ππ‘π π§ππ‘ππ π’ π‘π π¨π£ π¦π§π¨πππ‘π§ π‘π π¦π π¦π’π£πππ ππ’π€π¨ππππ -π¦π’ππ’
Umaabot sa 38 na saksak ang tinamo ng 19-anyos na estudyante ng University of the Philippines matapos pasukin ng mga hinihinalang
magnanakaw ang kanilang bahay nitong Miyerkules ng umaga, Hulyo 9, 2025, sa Purok 3A, Barangay La Filipina, Tagum City.
Batay sa pinakahuling ulat ng Davao del Norte Police Provincial Office (DNPPO), ayon sa isinagawang eksaminasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa katawan ng biktimang si Maria Sophia Coquilla, lumalabas na 38 ang kabuuang bilang ng mga saksak at hindi lang 20 gaya ng unang iniulat.
Ayon sa DNPPO, βThe SOCO team of DNPFU led by PMAJ Kris D. Chavez reported that the victim sustained a total of 38 stab wounds.β
Kabilang sa mga ebidensyang nakuha sa silid ng biktima ay isang scissor-type grass cutter, dumbbell, at dugong panyo, na pinaniniwalaang ginamit sa karumal-dumal na krimen.
Tiniyak naman ni Police Provincial Director PCOL Alexander R. Serrano Jr. na gagawin nila ang lahat upang makamit ang hustisya para kay Sophia.
> βWe assure the public that our investigators are working tirelessly, alongside SOCO and intelligence personnel, to identify and bring the perpetrator/s to justice. All evidence is being processed and follow-up operations are already underway. We urge anyone who may have seen or heard anything unusual during the time of the incident to come forward and cooperate with authorities,β pahayag ni PD Serrano.
Hinimok rin ng pulisya ang pamilya ni Sophia na payagang isailalim sa autopsy ang katawan nito upang tuluyang matukoy ang sanhi ng kanyang pagkamatay, na tinuturing na kaso ng robbery with homicide.
- MGA SUSPEK SA PAGPATAY SA 19-TAONG GULANG NA DALAGA SA TAGUM
Nakakulong na sa Tagum Police Station ang dalawang suspek sa pagpatay sa 19-anyos na estudyanteng si Sophia Coquilla, na natagpuang patay sa kanyang silid kahapon ng alas-5 ng madaling araw, Hulyo 9.
Sa panayam ng mga awtoridad sa mga suspek, isa sa mga sangkot ay nakilalang si alyas "Goygoy", isang menor de edad.
Matatandaang narekober ng mga pulis ang maraming ninakaw na gadget mula sa mga suspek, pati na rin ang duguang kutsilyo na ginamit umano sa krimen, sa inuupahang boarding house ng mga ito.
Ayon sa mga suspek, dalawang araw umano nilang minanmanan ang bahay ni Coquilla bago isinagawa ang karumal-dumal na krimen.