Pulso ng Cavite

  • Home
  • Pulso ng Cavite

Pulso ng Cavite This page provides updates of news and current events in the province of Cavite.

PINAKAMAHINANG HALAGA SA KASAYSAYAN!Umabot sa ₱59.13 kada US dollar ang palitan ngayong Martes, Oktubre 28, ang pinakama...
28/10/2025

PINAKAMAHINANG HALAGA SA KASAYSAYAN!

Umabot sa ₱59.13 kada US dollar ang palitan ngayong Martes, Oktubre 28, ang pinakamahinang halaga ng piso sa kasaysayan.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang paghina ng piso ay maaaring dulot ng isyu ng korapsyon sa imprastraktura at inaasahang pagbaba ng interest rates.

AMIHAN SEASON IS HERE! Ayon sa PAGASA, opisyal nang nagsimula ang   ngayong October 27, 2025.Asahan ang malamig na hangi...
28/10/2025

AMIHAN SEASON IS HERE!

Ayon sa PAGASA, opisyal nang nagsimula ang ngayong October 27, 2025.
Asahan ang malamig na hangin mula sa hilagang-silangan, lalo na tuwing gabi at madaling araw.

Source: DOST-PAGASA / Facebook

Soon to rise: Ateneo Campus sa Cavite. Pumirma ng Memorandum of Agreement (MOA) ang Ateneo de Manila University at GT Ca...
27/10/2025

Soon to rise: Ateneo Campus sa Cavite.

Pumirma ng Memorandum of Agreement (MOA) ang Ateneo de Manila University at GT Capital Holdings, Inc. para sa pagtatayo ng bagong Ateneo campus sa Riverpark, General Trias City, Cavite — isang proyekto ng Federal Land, Inc.

Tatlong minor eruptions ang naitala ngayong araw sa Bulkang Taal.Ayon sa ulat ng PHIVOLCS, nakapagtala ng isang phreatic...
27/10/2025

Tatlong minor eruptions ang naitala ngayong araw sa Bulkang Taal.

Ayon sa ulat ng PHIVOLCS, nakapagtala ng isang phreatic eruption bandang 2:55 AM, at dalawang phreatomagmatic eruptions naman sa 8:13 AM at 8:20 AM.
Ang mga pagsabog ay naglabas ng abo at usok na umabot sa taas na 1,200 hanggang 2,100 metro mula sa bunganga ng bulkan.

Patuloy na pinapaalalahanan ang publiko na maging maingat at iwasan ang paglapit sa main crater area bilang pag-iingat sa posibleng panganib.

26/10/2025

BULKANG TAAL, MULING NAGPAKITA NG AKTIBIDAD!

Nagkaroon ng mahinang phreatomagmatic eruption ang Bulkang Taal sa ngayong Sabado ng hapon, October 25, ayon sa ulat ng PHIVOLCS.

Mananatili sa Alert Level 1 ang estado ng bulkan, na nangangahulugang may mababang posibilidad ng pagputok, ngunit pinapayuhan pa rin ang publiko na mag-ingat at manatiling alerto.

Source: PHIVOLCS / Facebook

Tagaytay Flyover, malapit nang matapos!Ito na kaya ang sagot sa traffic sa Tagaytay?
22/10/2025

Tagaytay Flyover, malapit nang matapos!

Ito na kaya ang sagot sa traffic sa Tagaytay?

Binuksan na ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang Imus Chemotherapy Center, ang kauna-unahang libreng chemotherapy facility...
21/10/2025

Binuksan na ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang Imus Chemotherapy Center, ang kauna-unahang libreng chemotherapy facility sa buong Cavite, na magbibigay ng libreng gamutan sa mga Imuseñong pasyente ng kanser.

Matatagpuan ito sa loob ng Ospital ng Imus Compound at bukas mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 AM hanggang 5:00 PM, na maaaring tumanggap ng 40 hanggang 60 pasyente bawat araw.

Source: Mayor Alex Advincula / Facebook

Isinapubliko ni Cavite 4th District Representative Kiko Barzaga ang kanyang SALN, na may kabuuang net worth na ₱5.375 mi...
21/10/2025

Isinapubliko ni Cavite 4th District Representative Kiko Barzaga ang kanyang SALN, na may kabuuang net worth na ₱5.375 milyon.

Ipinaliwanag ng mambabatas na hindi pa kasama sa dokumento ang mga minanang ari-arian mula sa yumaong Cong. Pidi Barzaga, kabilang ang mga sasakyan, ari-arian sa Dasmariñas, at cash na tinatayang nagkakahalaga ng ₱35 milyon.

Source: Congressman Kiko Barzaga / Facebook

  | Suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas — pampubliko at pribado — mula Oktubre 15 hanggang 18, 2025, b...
14/10/2025

| Suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas — pampubliko at pribado — mula Oktubre 15 hanggang 18, 2025, bilang pag-iingat sa tumataas na kaso ng influenza-like illnesses at paghahanda para sa posibleng malakas na lindol o “The Big One.”

Manatiling alerto at alamin ang mga anunsyo mula sa inyong lokal na pamahalaan.

Source: Gov. Abeng Remulla / Facebook

Minor Phreatic Eruption naitala sa Bulkang TaalNaitala ng PHIVOLCS ang isang minor phreatic eruption sa Bulkang Taal na ...
13/10/2025

Minor Phreatic Eruption naitala sa Bulkang Taal

Naitala ng PHIVOLCS ang isang minor phreatic eruption sa Bulkang Taal na umabot sa 900 metro ang taas ng usok.

Nanatili sa Alert Level 1 ang bulkan. Pinapayuhan ang publiko na iwasang pumunta sa Taal Volcano Island dahil sa posibleng biglaang pagsabog ng singaw o abo.

DPWH Magpapatupad ng Pansamantalang Road Closure sa Salinas, BacoorMagiging total road closure sa bahagi ng Salinas, Bac...
13/10/2025

DPWH Magpapatupad ng Pansamantalang Road Closure sa Salinas, Bacoor

Magiging total road closure sa bahagi ng Salinas, Bacoor City mula Oktubre 13–27, 2025 sa pagitan ng 9:00 A.M.–11:00 P.M. dahil sa bridge approach construction.

Sa oras na 11:01 P.M.–8:59 A.M., bubuksan ang kalsada sa dalawang direksyon.

Pinapayuhan ang mga motorista na magplano ng alternate routes at i-adjust ang biyahe. Maraming salamat sa pag-unawa habang isinasagawa ang pagpapabuti ng trapiko at kaligtasan sa lugar.

Starbucks Anabu, 25th Branch sa Cavite, Binuksan na!Opisyal nang binuksan ngayong araw ang bagong Starbucks Anabu sa Imu...
29/09/2025

Starbucks Anabu, 25th Branch sa Cavite, Binuksan na!

Opisyal nang binuksan ngayong araw ang bagong Starbucks Anabu sa Imus, na matatagpuan sa kahabaan ng Aguinaldo Highway. Tampok din dito ang drive-thru para sa dagdag na convenience ng customers.

Ito na ang ikatlong Starbucks branch sa Imus (kasunod ng The District at Vermosa) at ang ika-25 sa buong Cavite, na higit pang nagpapatibay sa Imus bilang komersyal na sentro ng lalawigan.

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pulso ng Cavite posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share