The Vision Group of Publications - Senior High School Department

  • Home
  • The Vision Group of Publications - Senior High School Department

The Vision Group of Publications - Senior High School Department Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from The Vision Group of Publications - Senior High School Department, News & Media Website, .

๐‡๐€๐๐๐˜ ๐๐ˆ๐‘๐“๐‡๐ƒ๐€๐˜, ๐Œ๐€'๐€๐Œ ๐‘๐Ž๐’๐„! ๐Ÿฅณ๐Ÿฅ€To our incredible school paper moderator, we want to take a moment to express our heartfel...
26/08/2025

๐‡๐€๐๐๐˜ ๐๐ˆ๐‘๐“๐‡๐ƒ๐€๐˜, ๐Œ๐€'๐€๐Œ ๐‘๐Ž๐’๐„! ๐Ÿฅณ๐Ÿฅ€

To our incredible school paper moderator, we want to take a moment to express our heartfelt gratitude for everything you've done for us. Your dedication to nurturing our talents is truly appreciated. You've created a supportive and inspiring environment where we can learn, grow, and thrive. Your influence extends beyond the school paper, shaping us into good individuals who are eager to make a positive difference in our community.

On your special day, we wish you joy, love, and celebration! May your day be filled with laughter, good times with loved ones, and all the things you love.

๐‘ญ๐’“๐’๐’Ž ๐’š๐’๐’–๐’“ ๐‘ป๐’‰๐’† ๐‘ฝ๐’Š๐’”๐’Š๐’๐’ ๐’‡๐’‚๐’Ž๐’Š๐’๐’š.๐Ÿ’™๐Ÿ’›

๐–๐ข๐ค๐šโ€™๐ฒ ๐Œ๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ญ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐๐ฎ๐ก๐š๐ฒ: ๐ƒ๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐‡๐ข๐ง๐๐ข ๐๐š๐ ๐ญ๐š๐ญ๐š๐ฉ๐จ๐ฌ ๐ฌ๐š ๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จBalikan natin ang mga naganap noong ika-19 ng Agosto taong k...
21/08/2025

๐–๐ข๐ค๐šโ€™๐ฒ ๐Œ๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ญ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐๐ฎ๐ก๐š๐ฒ: ๐ƒ๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐‡๐ข๐ง๐๐ข ๐๐š๐ ๐ญ๐š๐ญ๐š๐ฉ๐จ๐ฌ ๐ฌ๐š ๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ

Balikan natin ang mga naganap noong ika-19 ng Agosto taong kasalukuyanโ€”ang selebrasyon ng Buwan ng Wika na may temang โ€œPaglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan Sa Pagkakaisa ng Bansaโ€.

Ang departamento ng senior high ay nakiisa sa pagdiriwang na ito. Samuโ€™t saring patimpalak ang inhindaโ€™t isinaayos upang muling buhayin ang diwa ng ating mga wika. Kabilang sa mga paligsahan na ito ay ang Lakan at Lakambini ng Buwan ng Wika, Tagisan ng Talino, Group Poster Making, Sabayang Pagbigkas, Katutubooth, Katutubong Pagsayaw, Karerang Sako, Pukpok Palayok, Pinoy Henyo, at Solong Pag-awit ng OPM (Original Pilipino Music). Sa kalahatan, matagumpay itong natapos sa nasabing petsa, patunay na ang bawat Pilipinoโ€™y talentado at ang wikaโ€™y buhay at mananatiling buhay.

Narito ang mga nagwagi sa mga nasabing patimpalak.

๐‹๐š๐ค๐š๐ง: Arne Ivar L. Aukan Jr. (ABM)
๐‹๐š๐ค๐š๐ฆ๐›๐ข๐ง๐ข: Isaiah Khei H. Rocio (ABM)
๐๐ซ๐ข๐ง๐ฌ๐ข๐ฉ๐ž: Clyde Stephen Rosales (HUMSS)
๐๐ซ๐ข๐ง๐ฌ๐ž๐ฌ๐š: Haiden Flores (HUMSS)
๐†๐ข๐ง๐จ๐จ: Gabriel Mendoza (STEM)
๐๐ข๐ง๐ข๐›๐ข๐ง๐ข: Sherhata Taib (STEM)
๐‘ฒ๐’‚๐’•๐’–๐’•๐’–๐’ƒ๐’๐’๐’•๐’‰: LEGACY (Leading, Empowering Good Academic Standing and Competitiveness for the Youth) โ€” Pitik Legasiya
๐‘ป๐’‚๐’ˆ๐’Š๐’”๐’‚๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ป๐’‚๐’๐’Š๐’๐’:
Unang Gantimpala: STEM 12
Ikalawang Gantimpala: ABM 12
Ikatlong Gantimpala: STEM 11
๐‘ฒ๐’‚๐’“๐’†๐’“๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘บ๐’‚๐’Œ๐’: ABM
๐‘ฎ๐’“๐’๐’–๐’‘ ๐‘ท๐’๐’”๐’•๐’†๐’“ ๐‘ด๐’‚๐’Œ๐’Š๐’๐’ˆ:
Unang Gantimpala: STEM 12-St. Theodore
Ikalawang Gantimpala: STEM 11-St. Gerard
Ikatlong Gantimpala: STEM 11-St. Irene
๐‘บ๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’š๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’ƒ๐’Š๐’ˆ๐’Œ๐’‚๐’”:
Unang Gantimpala: STEM
Ikalawang Gantimpala: HUMSS
Ikatlong Gantimpala: HE
๐‘ท๐’Š๐’๐’๐’š ๐‘ฏ๐’†๐’๐’š๐’:
Nicole Del Rio at Allysa Nicole Viรฑas
๐‘บ๐’๐’๐’๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’ˆ-๐’‚๐’˜๐’Š๐’• ๐’๐’ˆ ๐‘ถ๐‘ท๐‘ด:
Unang Gantimpala: STEM 12, Clare Yabut
Ikalawang Gantimpala: STEM 11, Rhaizen Rosales
Ikatlong Gantimpala: HUMSS 12, Keithley Cantoz
๐‘ท๐’–๐’Œ๐’‘๐’๐’Œ ๐‘ท๐’‚๐’๐’‚๐’š๐’๐’Œ: Irish Villapando
๐‘ฒ๐’‚๐’•๐’–๐’•๐’–๐’ƒ๐’๐’๐’ˆ ๐‘บ๐’‚๐’š๐’‚๐’˜:
Unang Gantimpala: HE at ICT, Subli
Ikalawang Gantimpala: ABM, Tinikling
Ikatlong Gantimpala: STEM 11, Pandanggo sa Ilaw

Ngunit muli nitong ipinapaalala sa bawat Pilipino na hindi natatapos sa mga patimpalak ang diwa ng Buwan ng Wika. Hindi lamang tuwing Agosto dapat ginagamit ang mga wikang sariling atinโ€”itoโ€™y dapat pinahahalagahan at isinasapuso araw-araw.

Sa nalalapit na pagtatapos ng buwan ng Agosto, nawaโ€™y manatili sa bawat Pilipino ang natural nilang pagtangkilik sa mga wika. Balikan natin ang sinabi ni Jose Rizal na tila isang paalala, โ€œ๐‘จ๐’๐’ˆ ๐’‰๐’Š๐’๐’…๐’Š ๐’Ž๐’‚๐’“๐’–๐’๐’๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’‚๐’ˆ๐’Ž๐’‚๐’‰๐’‚๐’ ๐’”๐’‚ ๐’”๐’‚๐’“๐’Š๐’๐’Š๐’๐’ˆ ๐’˜๐’Š๐’Œ๐’‚, ๐’…๐’‚๐’Š๐’ˆ ๐’‘๐’‚ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’‰๐’‚๐’š๐’๐’‘ ๐’‚๐’• ๐’Ž๐’‚๐’๐’‚๐’๐’”๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Š๐’”๐’…๐’‚.โ€

โœ๐Ÿป Shane Ashley Briones
๐Ÿ“ธ Carla Sophia Silva, Aries Doble, at Julie Mae Chua

Nasaksihan natin ang mga mag-aaral na nakasuot ng iba't ibang uri ng tradisyunal na kasuotan. Ang mga hurado ay pumili n...
20/08/2025

Nasaksihan natin ang mga mag-aaral na nakasuot ng iba't ibang uri ng tradisyunal na kasuotan. Ang mga hurado ay pumili ng tig-iisang pares ng babae't lalaki kada strand na nakakuha ng kanilang atensyon dahil sa magandang pagdadala ng tradisyunal na kasuotan. Sa mga napiling ito naman muling pipili ng hihiranging Prinsipe at Prinsesa ng Buwan ng Wika. Sila ay sina Clyde Stephen Rosales at Haiden Flores.

Isinulat ni Shane Ashley Briones

Tila mga nakawalang kalapati ang mga mag-aaral mula sa ABM, HE, HUMSS, ICT, at STEM STRAND sa naganap na Sabayang Pagbig...
20/08/2025

Tila mga nakawalang kalapati ang mga mag-aaral mula sa ABM, HE, HUMSS, ICT, at STEM STRAND sa naganap na Sabayang Pagbigkas kahapon. Mula sa boses at tinig na ang layuni'y ay maipabatid ang tunay na diwa ng Buwan ng Wika, sila ay matagumpay na nakatapos sa kanilang presentasyon. Ang mga nanalo sa paligsahang ito ay nakatanggap ng sertipiko ng pagkilala.

Nasungkit ng HE strand ang ikatlong gantimpala, sa HUMSS strand naman ang ikalawang gantimpala, at sa STEM strand naman ang unang gantimpala.

Isinulat ni Shane Ashley Briones
Litrato ni Julie Mae Chua at John Aries Doble

BALITA | Masining na pag-awit mula sa Musikang Nilikha ng mamamayang PilipinoTining ng boses ang labanan sa kompetisyong...
19/08/2025

BALITA | Masining na pag-awit mula sa Musikang Nilikha ng mamamayang Pilipino

Tining ng boses ang labanan sa kompetisyong "Solong Pag-awit" ng mga mag-aaral mula sa iba't ibang strand, kaugnay sa selebrasyon ng Buwan ng Wika, ika-19 ng Agosto, araw ng Martes.

Tig-iisa na kantang OPM o Original Pilipino Music ang ibinahagi ng bawat representante, awiting sumisimbolo sa karanasan at kultura sa Pilipinas. Bakas sa kanilang mga muka ang emosyon at mensaheng nais iparating ng kanta.

Matapos ang lahat ng kandidato kumanta, agad din namang inanunsyo ang mga nagwagi sa kompetisyon.

Nagtagumpay si Clarissa Claire Yabut mula sa 12 STEM na masungkit ang unang gantimpala, sumunod si Rhaizen Rosales representante ng 11 STEM na nakatanggap ng ikalawang gantimpala, habang ikatlong gantimpala naman ang nasungkit ng kumakatawan sa 12 HUMSS si Keithley Cantos.

Sa pagtatapos ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay napatunayan ng bawat strand ang kanilang galing at husay sa larangan ng pag-awit.

Isinulat ni Aaron Acusa
Litrato ni Carla Sophia Silva

Nakapiring niyang tinapos ang pilaโ€” siya si Irish Villapando mula sa HE strand, ang unang kalahok na sumubok sa pukpok p...
19/08/2025

Nakapiring niyang tinapos ang pilaโ€” siya si Irish Villapando mula sa HE strand, ang unang kalahok na sumubok sa pukpok palayok. Hindi na niya pinatagal pa ang laro sapagkat sa husay niya sa pagsunod sa direksyon, buong lakas niyang pinalo ang palayok.

Isinulat ni Shane Ashley Briones
Litrato ni Carla Sophia Silva

BALITA | Kultura at Tradisyon naibahagi sa Masiglang SayawanIpinamalas ng iba't ibang strand ang kanilang husay sa sinin...
19/08/2025

BALITA | Kultura at Tradisyon naibahagi sa Masiglang Sayawan

Ipinamalas ng iba't ibang strand ang kanilang husay sa sining at kultura matapos ang patimpalak sa Katutubong Sayaw, bilang bahagi pa rin sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, Agosto 19, 2025.

Naipakita ng bawat kalahok ang yaman sa kulturang mayroon ang Pilipinas sa pamamagitan ng kanilang kasanayan sa larangan ng pagsasayaw.

Bahagi ng kompetisyon ang 11 & 12 HUMSS strand (Cariรฑosa), 11 & 12 ABM strand (Tinikling), 11 STEM (Pandanggo sa Ilaw), 12 STEM (Paueo), 11 & 12 HE/ICT strand (Subli),

Matapos ang masining na presentasyon ng bawat strand ay ibinahagi na rin ang resulta ng mga nanalong kalahok.

Ang nagwagi sa kompetisyon ay ang mga sumusunod:

Unang Gantimpala
-11 & 12 HE at ICT strand (Subli)

Ikalawang Gantimpala
-11 & 12 ABM strand (Tinikling)

Ikatlong Gantimpala
-11 STEM strand (Pandanggo sa Ilaw)

Matapos ang presentasyon, sumunod naman ang tagisan ng boses sa Solong Pag-awit na kinakatawan din ng bawat strand.

Isinulat ni Aaron Acusa
Litrato ni Carla Sophia Silva at Julie Mae Chua

Bilis at sipag ang pinakita ng ABM strand matapos nila sungkitin ang panalo sa larangan ng Karerang Sako, bilang parte p...
19/08/2025

Bilis at sipag ang pinakita ng ABM strand matapos nila sungkitin ang panalo sa larangan ng Karerang Sako, bilang parte pa rin sa selebrasyon ng Buwan ng Wika, Agosto 19, 2025.

Nilabanan ng ABM strand ang kanilang mga katunggali na ICT, HE, HUMSS, at STEM na strand.

Isinulat ni: Gian Sagales
Litrato ni: Julie Mae Chua

Nagpakita ng hustong galing at talento ang mga mag-aaral sa iba't-ibang baitang at strands matapos sila magtagisan ng ta...
19/08/2025

Nagpakita ng hustong galing at talento ang mga mag-aaral sa iba't-ibang baitang at strands matapos sila magtagisan ng talino sa Pinoy Henyo bilang parte ng selebrasyon ng Buwan ng Wika, Aug 19, 2025.

Matapos ang serye ng mga round na para sa iba't-ibang strand, ang HUMSS strand ang nakakuha ng panalo, nirerepresenta ito ni Nicole Del Rio at Allysa Nicole Vinas.

Isinulat ni: Gian Sagales
Litrato ni: Carla Sophia Silva & Julie Mae Chua

๐Š๐š๐ฌ๐š๐ฅ๐ฎ๐ค๐ฎ๐ฒ๐š๐ง๐  ๐†๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ง๐š๐ฉ |  Matapos ang masining na umaga, bumalik ang mga mag-aaral sa bulwagan ng Carlos R. Mojares upan...
19/08/2025

๐Š๐š๐ฌ๐š๐ฅ๐ฎ๐ค๐ฎ๐ฒ๐š๐ง๐  ๐†๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ง๐š๐ฉ | Matapos ang masining na umaga, bumalik ang mga mag-aaral sa bulwagan ng Carlos R. Mojares upang saksihan ang ikalawang bahagi ng Buwan ng Wika.

Via Carla Sophia Silva

๐Š๐š๐ฌ๐š๐ฅ๐ฎ๐ค๐ฎ๐ฒ๐š๐ง๐  ๐†๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ง๐š๐ฉ | Nagtipon ang mga mag-aaral sa bulwagan ng Carlos R. Mojares upang pormal na simulan ang matagal...
19/08/2025

๐Š๐š๐ฌ๐š๐ฅ๐ฎ๐ค๐ฎ๐ฒ๐š๐ง๐  ๐†๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ง๐š๐ฉ | Nagtipon ang mga mag-aaral sa bulwagan ng Carlos R. Mojares upang pormal na simulan ang matagal nang hinihintay at makulay na pagdiriwang ng Buwan ng Wika.

Via John Aries Doble

๐€ ๐๐ž๐ฐ ๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐“๐ก๐ž ๐•๐ข๐ฌ๐ข๐จ๐ง: ๐ˆ๐ง๐ญ๐ซ๐จ๐๐ฎ๐œ๐ข๐ง๐  ๐ˆ๐ญ๐ฌ ๐๐ž๐ฐ ๐„๐๐ข๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐š๐ฅ ๐๐จ๐š๐ซ๐ ๐š๐ง๐ ๐’๐ญ๐š๐Ÿ๐Ÿ ๐Œ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ๐ฌThe Vision Group of Publication โ€” Sen...
18/08/2025

๐€ ๐๐ž๐ฐ ๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐“๐ก๐ž ๐•๐ข๐ฌ๐ข๐จ๐ง: ๐ˆ๐ง๐ญ๐ซ๐จ๐๐ฎ๐œ๐ข๐ง๐  ๐ˆ๐ญ๐ฌ ๐๐ž๐ฐ ๐„๐๐ข๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐š๐ฅ ๐๐จ๐š๐ซ๐ ๐š๐ง๐ ๐’๐ญ๐š๐Ÿ๐Ÿ ๐Œ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ๐ฌ

The Vision Group of Publication โ€” Senior High School Department recently held its very first organizational meeting for A.Y. 2025โ€“2026 last August 14, marking a significant milestone for the publication. Under the guidance of Ms. Cherry Lee M. Africa, adviser, and Mrs. Mary Rose Cuenca, moderator, the meeting was filled with excitement as the new editorial board and staff members were chosen.

Meet the aspiring campus journalists who wonโ€™t just writeโ€”they'll also lead the publication with passion and purpose! With their collective skills and dedication, The Vision Group of Publication is ready to excel in storytelling and journalism.

Congratulations, staffers! ๐Ÿ’›๐Ÿ’™

โœShane Ashley Briones
๐ŸŽจZaea Asher Lignes

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Vision Group of Publications - Senior High School Department posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to The Vision Group of Publications - Senior High School Department:

  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share