17/10/2025
“KUNG IBANG SENADOR SINAGOT MO NG GANYAN ’YAN, BAKA NAGKAINITAN NA!“— SEN. BATO KAY RECTO
Naging tensyonado ang eksena sa Senado matapos ang naging sagot ni Finance Secretary Ralph Recto sa tanong ni Senador B**g Go kaugnay sa pondo para sa PhilHealth sa ginanap na 2026 budget briefing.
Umapela si Sen. Go na huwag isakripisyo ang kalusugan ng taumbayan:
“Kindly spare the health. Para sa health, klaro e. Para sa health ng Pilipino, PhilHealth.”
(— Sen. B**g Go)
Ngunit ang naging tugon ni Finance Secretary Recto ay tila ikinainit ng ulo ng ilang senador, maging ang mga nanonood sa hearing:
“I agree totally. Ang pakiusap ko sa inyo, ‘wag nyo kaming utusan.”
(— Finance Sec. Ralph Recto)
Sa social media pumalag si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa at hindi pinalampas ang tono ng anya’y Elitistang Cabinet member:
“Pasalamat ka sobrang mabait si Sen. B**g Go, kung ibang senador sinagot mo ng ganyan baka nagkainitan na kayo. Para ka ring hindi dating senador, Ralph!
Masyadong mababa ang tingin mo sa amin.”
(— Sen. Bato Dela Rosa)