Spoken poetry

  • Home
  • Spoken poetry

Spoken poetry Just for fun

20/09/2018

"Hanggang kaibigan nalang talaga"
Sa araw araw nating pagkikita,
Naalala ko ang mga panahong noong sa akin ikaw ay humahanga,
Mga taong lumipas na tanging ako lang ang iniisip mo,
Mula pagkabata hanggang naging ganito tayo,
Mula sa pagiging matalik na magkaibigan,
Hanggang sa ikaw ay umamin sa akin ng iyong nararamdan,
Ngunit ang tanging sagot ko sa "pasensya hanggang kaibigan lang"
Hanggang kaibigan lang dahil takot akong masaktan,
Takot akong maiwanan
At higit sa lahat takot ako na masira ang ating nasimulan,
Ang araw na iyon ang hindi ko makakalimutan,
Na hanggang ngayon hindi mawala wala sa aking isipan,
Pasensya na kung hindi ko nasuklian,
Ang pagmamahal na sa akin ay iyong ipinaramdam.
Oo kaibigan lang ang turing ko sayo NOON
pero pano naman ang NGAYON?
Hindi ko alam, hindi ko maintindihan,
Puso'y tumitibok ng mabilis sa di malamang dahilan.
Oo sa tingin ko mahal na kita,
Mahal na kita aking kaibigan,
Ngunit eto naman si tadhana,
Hindi manlang marunong maawa,
Kung kelan pa kita natutunang mahalin,
Doon kapa nakakita ng papalit sa akin,
Pero ayos lang, okay lang,
Siguro hanggang dito lang,
Mahal na kita pero may mahal kanang iba,
Ang tanging hiling ko lang,
Sana'y ikaw ay maging masaya,
Tanggap ko na HANGGANG KAIBIGAN NALANG TALAGA.
By: secret07
Spoken Poetry

22/08/2018

Spoken Poetry
"Mula ngayon malaya ka na"
Naranasan mo na ba?
Naranasan mo na bang mapaglaruan ng tadhana?
Yung akala mo masaya na kayong dalawa pero may hahadlang pala?
Kasi ako?
Oo.
Oo naranasan ko,
Naranasan ko ang mag mahal at maging masaya.
Pero nakalimutan ko na ang bawat saya ay may lungkot na dala.
Gusto kong ipagsigawan na akin ka na,
Kaso humahadlang ang salitang "makikialam sila".
Naaalala ko pa nun kung pano ka ngumiti at tumawa,
At ngayon sinasariwa ko nalang saking mga alala
Bakit ba ang lupit nila?
Di ba nila alam na mahal natin ang isat isa?
Ilang buwan ang lilipas na hindi kita makikita.
Mga luhang pinipigilan ko ay kumakawala na.
Oo, matapang ako pero pag dating sayo humihina ako,
Kung ako si Superman ikaw ang kryptonite ko.
Pag dating sayo na-uubos ang lakas ko.
Gusto kong malaman kung bakit ayaw nila sakin para sayo?
Mukha ba akong Loko-loko? Ikaw lang naman naging dahilan nito.
Alam kong nasasaktan ka na at nasasaktan na din ako.
Pero hindi pa'to ang panahon para bumitaw ako
Hanggat kaya ko panghahawakan ko ang salitang mahal kita.
Pero sana wag kang mapagod na lumaban para sating dalawa
Dahil pag dumating ang oras na yun,
Pangako kahit masakit, MULA NGAYON MALAYA KA NA.
By: prince A
Spoken Poetry

22/08/2018

MAHAL PA RIN KITA PERO TAMA NA
Susuko na ako.
Gusto ko nang bumitiw, hindi dahil iba na aking gusto,
Kundi dahil napapagod na ako.
Nakakapagod nang panghawakan ang mga pangako mo,
Pangakong hanggang dulo ay tayo.
Nahihirapan na akong paniwalaan ka.
Baka kasi maulit lang ang sakit na aking nadama.
Noong tayo'y nagkakalabuan na,
Mahal pa rin naman kita, kaso nakakapagod na.
Tama na wala nang patutunguhan ito kung ating ipagpapatuloy pa,
Sapagkat habang tumatagal pareho lang natin nasasaktan ang isat isa.
Masyado nang masakit para paniwalaan ka pa,
Sa iyong mga magagandang salita.
Alam kong hindi lang ako ang babae/lalake sa mundo,
Alam kong hindi lang ako ang mamahalin mo.
May isang taong nakatadhana sa iyo,
Na siyang magpapatibok muli ng iyong puso.
Wag kang mag-alala,
Hindi mo na ko kailangang alalahanin pa.
Sapat na sa akin na makita kitang masaya,
Kahit pa ang kasiyahang iyon ay sa piling na ng iba.
By: prince A
Spoken Poetry

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Spoken poetry posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share