05/01/2026
Context:
Patawid na kami sa crossing ng Talaba ng napansin ko na huminto mga sasakyan at di makatawid dahil may van nag-beating the red light. Huminto din sya sa gitna kaya lalo nag-businahan mga sasakyan. Sa harap ko ay may enforcer, akala ko huhulihin nya or sisitahin man lang. Kaso hindi, wala sya ginawa, so pagtapat ko sa kanya, tinignan ko sya at umiling na lang ako. Then dumirecho na kami, hindi ko inisip na hahabulin nya ako. Sinabi na lang ng kasama ko na mag ingat ako kc may motor na masyado nakadikit sa likod ko. Akala ko kung sinong motor lang na mabilis ang takbo. Tapos nakita ko na lang si Kuya Enforcer na asa gilid ko na at may sinasigaw. Sabi nya bakit ko daw sya inilingan? Ano daw ginawa nya sa akin? Sabi ko ha? Sabi nya bakit daw ako umiiling? Sabi ko bakit di mo hinuli? Sagot nya, off duty na ako! Sabi ko hindi ganun kuya, ni hindi mo sinita asa harap mo na. Off duty na daw sya at naka pirma na sya (siguro he means logged out na sya). Sabi ko hindi pa din kuya, tanungin kako namin si Mayor kung ok yung ginawa nya, dun lang sya medyo nahimasmasan. Iniwan ko na sya, mali actually na huminto kami sa kalsada ng ganun, baka maaksidente pa kami. Yung kasama ko naman ang kumausap sa kanya pag alis ko, sabi ko sa intercom tama na, yaan mo na. Sabi ng kasama ko, nagulat daw sya na bakit kelangan ako habulin at sitahin kahit sabihin pang umiling nga ako. Nun ko lang narealize na oo nga no, ang tapang ni Kuya ah. Tyaka di ba nakakatakot din na hinabol mo ako talaga, ano plano mo kuya? Pag alis namin, tyaka ko na realized na maling mali na hinabol mo ako. Kaya kami huminto sa gilid para makuha name mo, pero kita sa malayo na gumilid ka na at di na umandar. Kung ayaw mo na mag expect ako na mag trabaho ka, hubarin mo uniform mo after ng duty mo.. Malay ko bang off duty ka na pala. Siguro nga mali na mag expect ako ng sobra-sobra from you. Alam ko na naunahan ako ng highblood, mali na pinatulan kita.. Minsan talaga kelangan ko uminom ng anti-highblood para maiwasan ko mga ganito LOL. Inintay ko 48hrs kuya baka kako magparamdam ka at manghingi ng pasensya, pero wala, kaya eto, ipopost ko na lang video natin para di mo na ulitin sa iba. Also, kahit sa mga kamag anak ko, lagi ko sinasabi lumayo ka na lang if kaya mo, marami sir@ul0 ngayon, baka mamaya kung sino makaharap natin na walang pagpapahalaga sa buhay ng iba, kaya wag mo na gawin yang nanghahabol ka pa kc nailingan ka.
Nireview ko talaga video natin paguwi ko, naisip ko kasi baka namura kita kaya sobrang na offend ka. Pero iling lang talaga ginawa ko e. Na isip ko din, siguro nga iba2 tayo ng tingin sa buhay. I mean, kung ang doctor may nakitang naaksidente, dahil ba off duty sya, hindi na sya tutulong? Ang pulis, pag may nakita na krimen, hindi na sya manghuhuli kc off duty na sya? Siguro nga iba trabaho nila at trabaho mo kaya dapat di ko iexpect na ganun din magiging reaction mo. Hay buhay! 🙄🙄🙄