30/12/2025
Out of 65 books, nakapag basa lamang ako ng 56 books.
Sinubukan kong maabot ang goal ko ngayong taon na magbasa ng mas maraming libro bilang isang paraan ng therapy at personal growth. Totoo, hindi ko man naabot ang eksaktong bilang ng librong itinakda ko para sa sarili ko, pero hindi ibig sabihin noon ay nabigo ako o mahina ako.
Hindi naman kasi palaging madali at linear ang pag-abot sa mga layunin. May mga pagkakataong mabilis ang progreso, at may mga panahong mabagal—at natutunan kong tanggapin iyon. Ang mahalaga ay ang mga aral na napulot ko sa proseso. 🥹
Natutunan kong maging mas consistent at mas determinado, kahit hindi ko pa lubos na alam kung saan ako dadalhin ng aking sinimulan.Lubos akong nagpapasalamat sa Amosup Official sa kanilang initiative bilang pagdiriwang ng 65 taon sa maritime industry. Ang activity na ito, na may kaugnayan sa bilang na 65, ay hindi lamang symbol kundi tunay na nakatulong sa aking personal na growth. Dahil dito, mas natutunan kong maging disiplinado sa proseso, pahalagahan ang pag-enjoy sa ginagawa, at huwag masyadong mag-focus sa resulta o sa dami.
Sa huli, mas naging malinaw sa akin na hindi lang tungkol sa pag-abot ng goals ang mahalaga, kundi ang mismong journey. Ang tunay na tagumpay ay ang katotohanang nakapagbasa ako ng mas maraming libro kaysa sa inaakala ko, at mas lumawak ang aking pananaw at pag-unawa sa sarili sa bawat pahinang aking binasa. 📚