02/10/2025
ICYMI | Bago magsimula ang makasaysayang , nagtipon ang mga opisyal ng liga para sa Preseason Press Conference na ginanap nitong Miyerkules, October 1, sa Shangri-La The Fort, BGC. Pinangunahan nina PBA Commissioner Willie Marcial, TV5 President and CEO Guido Zaballero, at PBA Board Treasurer & Phoenix Governor Atty. Raymond Zorilla ang presscon, kasama ang governors ng ilang koponan: Emilio Tiu para sa Titan Ultra Giant Risers, Robert Non para sa San Miguel Beermen, Atty. Mamerto Mondragon para sa Rain or Shine Elastopainters, Silliman Sy para sa Blackwater Bossing, Jason Webb para sa Magnolia Chicken Timplados Hotshots, Ronald Dulatre para sa NLEX Road Warriors, at Atty. Bill Pamintuan para sa Meralco Bolts.
Bukod sa Philippine Cup schedule, inilatag din sa press conference ang iba pang major league updates kabilang na ang takeover ng Pureblends Corporation sa dating NorthPort Batang Pier. Tatawagin na ang franchise bilang Titan Ultra Giant Risers. Nine rule changes din kabilang ang revised basket interference ang ipatutupad sa landmark season.
Mula sa mga bagong team branding at strategic plans para sa liga, hanggang sa inaabangang Manila Clasico game as the conference curtain-raiser, pare-pareho ang obserbasyon ng PBA governors na magiging isa sa competitive conferences ang Season 50 Philippine Cup. 'Yan at marami pang iba ang ating aabangan simula sa SOLID WEEKEND ngayong October 5, na mapapanood nang LIVE sa , channel 9 sa Free TV at channel 18.2 at 19.1 sa DTT. 🏀🔥