22/10/2025
| Sapphire Canyon: Ang Bida ng Potensyal na Buhay sa Mars
โ๏ธ: Lyndzee Ocampo
๐จ: Venisse Azarcon
Sa ating malawak na sansinukob, hindi maikakaila ang potensyal ng ibang planetang maging isang bagong tahanan o tagpuan ng bagong buhay at teknolohiya. Gayonman, hindi sa malalaking nilalang kundi sa tulong ng isang bato napatutunayan ang buhay sa labas ng ating daigdig, at nagsisilbing isang mahalagang yapak tungo sa pag-aaral ng mga planeta. Ihanda ang mga sarili at kilalanin natin ang Sapphire Canyon!
๐ฆ๐ฎ๐ฝ๐ฝ๐ต๐ถ๐ฟ๐ฒ ๐๐ฎ๐ป๐๐ผ๐ป, ๐ฎ๐ป๐ผ โ๐๐ผ๐ป?
Sa isang proyekto ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) na tinatawag na Mars Perseverance Rover, natuklasan ang isang mahalagang bato o sample na pinangalanang โSapphire Canyonโ. Isa ang Sapphire Canyon sa 27 rock cores o mga batong bumubuo sa โCheyava Fallsโ, isang rock formation sa dating lawa ng Jezero Crater sa planetang Mars.
โThe identification of a potential biosignature on the Red Planet is a groundbreaking discovery, and one that will advance our understanding of Mars,โ ani NASA Administrator Sean Duffy.
Nagtataglay ng mahalagang kasagutan sa likod ng mga tanong kaugnay sa buhay o biosignature sa labas ng ating daigdig ang pagtuklas sa mga batong ito.
Bunsod nito, ipinalabas noong Setyembre 8 sa Nature Journal ang pananaliksik nina Hurowitz et al. kung saan tinukoy ang samot-saring katangian ng Sapphire Canyon na nagpapatunay na mayroon itong potensyal na maging isang biosignature.
๐๐๐ต๐ฎ๐ ๐๐๐ง๐ข?
Tinukoy ng mga mananaliksik ang katangian ng Sapphire Canyon sa tulong ng mga instrumento ng Mars Perseverance Rover na ang Planetary Instrument for X-ray Lithochemistry (PIXL) at Scanning Habitable Environments with Raman & Luminescence for Organics & Chemicals (SHERLOC).
Natagpuan ng mga instrumentong binubuo ng clay at silt ang mga batong pumapaligid sa Jezero Crater tulad ng Sapphire Canyon. Maliban dito, nakita rin ng mga mananaliksik na binubuo ng matataas na bilang ng organic carbon, sulfur, oxidized iron o kalawang, at phosphorous ang mga bato. Nagpapatibay sa pagiging biosignature ng Sapphire Canyon ang mga katangiang ito at nagsisilbing katuwiran din sa makukulay na pook sa Cheyava Falls na posibleng dulot ng paggamit ng microbial life bilang energy source.
โThe combination of chemical compounds we found in the Bright Angel formation could have been a rich source of energy for microbial metabolisms,โ saad ni Perseverance scientist Joel Hurowitz ng Stony Brook University, New York at lead author. โBut just because we saw all these compelling chemical signatures in the data didnโt mean we had a potential biosignature. We needed to analyze what that data could mean,โ aniya pa.
Dagdag pa rito, maaaring malikha ang mga mineral na nabanggit abiotically o mga salik na hindi nangangailangan ng buhay tulad ng matataas na temperatura, acidic na paligid, at pagbubuklod gamit ng organic compounds. Gayonman, sa paligid ng Sapphire Canyon, walang nagpapakitang tampok na mapagkukunan ng mataas na temperatura at acidic conditions, kung kayaโt patuloy pa ring pinaniniwalaan na sumibol ang mga minerals na ito sa pag-iral ng microbial life sa Mars.
Sa patuloy na pag-aaral ng ibang planeta tulad ng Mars, unti-unti nang nasisilayan ang malaking larawan sa pagbuklod ng buhay. Sa tulong ng pananaliksik at teknolohiya tulad ng Mars Perseverance, mas napalalawak pa ang halaga ng mga maliliit na bato tulad ng Sapphire Canyon.
--
Sanggunian:
[1] Cermak, A. (2025, September 10). ๐๐ข๐ณ๐ด 2020: ๐๐ฆ๐ณ๐ด๐ฆ๐ท๐ฆ๐ณ๐ข๐ฏ๐ค๐ฆ ๐๐ฐ๐ท๐ฆ๐ณ - ๐๐๐๐ ๐๐ค๐ช๐ฆ๐ฏ๐ค๐ฆ. NASA Science. https://science.nasa.gov/mission/mars-2020-perseverance
[2] Hurowitz, J. A., Tice, M. M., Allwood, A. C., Cable, M. L., Hand, K. P., Murphy, A. E., Uckert, K., Bell, J. F., Bosak, T., Broz, A. P., Clavรฉ, E., Cousin, A., Davidoff, S., Dehouck, E., Farley, K. A., Gupta, S., Hamran, S., Hickman-Lewis, K., Johnson, J. R., . . . Wolf, Z. U. (2025). Redox-driven mineral and organic associations in Jezero Crater, Mars. ๐๐ข๐ต๐ถ๐ณ๐ฆ, 645(8080), 332โ340. https://doi.org/10.1038/s41586-025-09413-0
[3] NASA. (2025, September 10). ๐๐๐๐ ๐ด๐ข๐บ๐ด ๐๐ข๐ณ๐ด ๐๐ฐ๐ท๐ฆ๐ณ ๐ฅ๐ช๐ด๐ค๐ฐ๐ท๐ฆ๐ณ๐ฆ๐ฅ ๐ฑ๐ฐ๐ต๐ฆ๐ฏ๐ต๐ช๐ข๐ญ ๐ฃ๐ช๐ฐ๐ด๐ช๐จ๐ฏ๐ข๐ต๐ถ๐ณ๐ฆ ๐ญ๐ข๐ด๐ต ๐บ๐ฆ๐ข๐ณ - ๐๐๐๐. https://www.nasa.gov/news-release/nasa-says-mars-Rover-discovered-potential-biosignature-last-year/