06/07/2025
-- Pagiging Virgin ni Barbie Forteza Pannatiliin ni Jameson Blake: Jameson Umamin na sa Tunay na Relasyon Nila ni Barbie Forteza
"Scoop of the Day"
Ni Benjie Almazan
Metro News Showbiz
Naglabas na ng pahayag ang aktor na si Jameson Blake kaugnay sa matagal nang usap-usapan tungkol sa kanya at Kapuso actress na si Barbie Forteza. Matapos mapansin ng mga netizens ang tila sweet interactions ng dalawa, lalo na ang kumalat na larawan kung saan nahuling magkahawak-kamay ang dalawa sa isang event, mas lalong umingay ang spekulasyon na may special relationship nga silang dalawa.
Sa pinakabagong episode ng digital show ni Ogie Diaz, diretsahang tinanong si Jameson kung ano nga ba ang tunay na estado ng kanilang relasyon ni Barbie.
“Honestly, we are not together,” malinaw na sagot ng aktor. “The reason why nahuli kami holding hands kasi andaming tao no’ng nagpa-picture sa kaniya,” dagdag pa ni Jameson.
Ayon sa aktor, inaalalayan lamang niya si Barbie sa gitna ng dagsa ng fans para sa seguridad ng aktres. Ngunit hindi rin nito itinanggi na may malapit na pagkakaibigan at respeto siya para kay Barbie.
Sa gitna ng mga balitang ito, muling nabuhay ang isyu ng pagiging virgin ni Barbie Forteza, na minsan nang naging viral sa social media. Ilang buwan na ang nakalilipas nang aminin ng aktres sa isang interview na pinahahalagahan niya ang kanyang purity at nais niyang panatilihin ito hanggang sa tamang panahon at tamang tao kahit na naginf matagal ang naging relasyon niya sa dating boyfriend na si Jak Roberto.
Tinanong si Jameson kung paano niya titingnan ang bagay na ito sakaling maging sila nga ni Barbie sa hinaharap.
“Kung mangyari man na maging kami, igagalang ko ‘yun,” seryosong sagot ni Jameson. “Napaka-responsableng babae ni Barbie. At kung ‘yun ang desisyon niya, susuportahan ko siya bilang lalaki na may respeto sa babae.”
Umani ng papuri mula sa ilang netizens ang sagot ni Jameson, dahil sa pagpapakita niya ng maturity at respeto sa personal na paninindigan ng isang babae. Samantala, maraming fans din ng tambalang BarSon (Barbie at Jameson) ang umaasa na baka sa tamang panahon ay mauwi rin sa totohanan ang kanilang “friendship with mutual respect.”
Sa ngayon, pareho pa ring tikom ang bibig ni Barbie Forteza tungkol sa isyu, ngunit patuloy pa rin ang suporta ng kanyang fans sa anumang landas na piliin niya — sa career man o sa puso.
Para sa marami, ang usaping ito ay hindi lamang tungkol sa pagkakaugnayan ng dalawang artista, kundi isang paalala sa kahalagahan ng respeto, hangganan, at pagiging bukas sa mga paniniwala at desisyon ng isa’t isa.
Photos Facebook Online