01/03/2019
Malabo?
Parang tayo malabo, parang isang bintana na may patak ng ating mga luha. Malabo, malabo ng magtagal pa tayo, malabo ng maging masaya pa. Malabo na ang ating pagsasama. Estranghero na kung ituring natin ang isa't-isa. Ang labo, malabo ng maalis ang sakit dito sa kaloob-looban ko na unti-unting kumakain sa mahina kong puso. Ang masarap nating pagmamahalan ay malabo na kung titignan. Ganun nalang ba? Ang ating masayang pagsasama hahantong nalang sa anim na letra na kung iisipin ay malabo, na? Hanggang dito nalang ba?
-jo💙