Ang Sinag

Ang Sinag Digital na Publikasyon ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Manolo Fortich

๐– ๐–ฆ๐–ณ๐–ค๐–ช | ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—œ๐—–๐—ž๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐˜‚๐—ฏ๐—ผ๐—ธ: ๐— ๐—ผ๐—ป๐—ธ๐—ฒ๐˜†๐—ฝ๐—ผ๐˜… ๐—ฉ๐—ถ๐—ฟ๐˜‚๐˜€โ€Žโ€ŽSeptyembre noong 2023 nang maiulat ang unang bagong kaso ng MPXV o mas k...
28/05/2025

๐– ๐–ฆ๐–ณ๐–ค๐–ช | ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—œ๐—–๐—ž๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐˜‚๐—ฏ๐—ผ๐—ธ: ๐— ๐—ผ๐—ป๐—ธ๐—ฒ๐˜†๐—ฝ๐—ผ๐˜… ๐—ฉ๐—ถ๐—ฟ๐˜‚๐˜€
โ€Ž
โ€ŽSeptyembre noong 2023 nang maiulat ang unang bagong kaso ng MPXV o mas kilala bilang Monkeypox Virus. Unang natuklasan ito sa bansang Congo at sa pag-angat ng bilang ng mga taong nagkakaroon ng Monkeypox Virus ay siya ring pagkalat nito sa maga karatig na mga bansaโ€” gaya ng Burundi, Kenya, Rwanda at Uganda. Paunti-unti, mas nakikilala ang peligro at problemang dala ng virus na ito.
โ€Ž
โ€ŽApat na taon na ang nakararaan kung saan ay tila nakakulong tayo sa rehas ng ating mga bakuran. Bukod sa peligrong hatid ng COVID-19 kasabay rin nito ang pagbagsak ng ekonomiya sa Pilipinas at ng buong mundo. Sa bawat araw na lumipas, hindi maiwasang matakot at mausisa sa kung sino na naman ang magiging biktima ng nakamamatay na sakit.
โ€Ž
โ€ŽSubalit sa paglipas ng taon, ang pandemyang napuksa na ay muling nagpakilala.
โ€Ž
โ€ŽNadiskubre ang sakit na ito noong 1958 ang kauna-unahang biktima ay isang unggoy. Sa paglipas ng panahon, naiulat din ang sunod nitong biktima, isang 9 na buwang gulang na batang lalaki sa bansang Congo noong 1970.
โ€Ž
โ€ŽAng kinilalang sakit na MPXV ay itinuturing na isang malaking banta sa kalusugan ng nakararami. Kaya naman, nang matuklasan ng pamahalaan ang unang kaso nito sa bansa, agad silang gumawa ng kongkreto at mabilis na paraan upang maagapan ang pagkalat nito.
โ€Ž
โ€ŽKadalasang nakukuha ang sakit na ito sa pamamagitan ng pakikipagtalik, at naipapasa rin ito sa pamamagitan ng paghahalikan at โ€œpaghawakโ€ ng balat. Isang paraan din ng pagkahawa nito ay ang paghuli ng mga hayop at ang brutal na pagbabalat sa mga ito bago kainin. Dagdag nito, maaari ding maipasa ang MPXV sa mga kontaminadong bagay.
โ€Ž
โ€ŽAyon sa bagong paalalang inilabas ng WHO (World Health Organization) noong ika-18 ng Abril, 2023โ€” ang mga sintomas ng Monkeypox ay pagpapantal o rashes, lagnat, sakit sa lalamunan, sakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, sakit ng likod, mababang enerhiya, namamagang mga kulani (lymph node).
โ€Ž
โ€ŽKung sakali mang nakaranas o makaranas ng mga ganitong sintomas, mas makabubuti ang pagkonsulta sa doktor sa mas lalong madaling panahon. Ang mainam na paraan upang maiwasan ang malubhang sakit na ito ay maging malinis sa katawan, ugaliin ang pagligo, at maging mas mapagmatyag sa kapaligiran.
โ€Ž
โ€ŽBilang tugon, iwasan nating ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon patungkol sa sakit na kasalukuyan pang hinahanapan ng solusyon. Huwag mag-panick, sa kung ano man ang maaaring maidulot nito. Nakatatakot man kung iisipin, na kung lulubha ang sitwasyon natin ay baka bumalik tayo sa panahon ng COVID-19. Subalit, kung gagalaw at gagawa tayo ng paraan upang tuluyang mapuksa ang bantang dala ng nasabing epidemya
โ€ŽMakatitiyak tayo na hindi na
โ€Ž muling babalik sa panahon kung saan ang ating sariling tahanan, ang siyang nagsisilbi nating piitan.

๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ถ Kim Jhon M. Mahinay
๐—Ÿ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐˜‚๐˜ ๐—ป๐—ถ Joan Pauline B. Lopez

Sa patuloy na pag-igting ng paglilingkod ng ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—”๐—š โ€“ ang Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Manolo Fortich National ...
22/04/2025

Sa patuloy na pag-igting ng paglilingkod ng ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—”๐—š โ€“ ang Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Manolo Fortich National High School โ€“ lalong pinapanday ang diwang nagpapakilos sa tunay at makabuluhang pamamahayag. Hindi na lamang ito simpleng pag-uulat ng mga pangyayari, kundi isang masinop na pagbubunyag ng mga istoryang isinilang mula sa tapang, prinsipyo, at taos-pusong paglilingkod.

Ang bawat pahina ay salamin ng integridad; ang bawat larawan at artikulo ay bunga ng masusing pananaliksik, obhetibong pagsusuri, at matatag na hangaring magsilbing tinig ng katotohanan. Ito ang pamamahayag na may layuning hindi lamang maglahad, kundi magmulat; hindi lamang magsulat, kundi magpakilos.

Sa pamamagitan ng mga artikulo at larawan, naitatatag ang isang matibay na plataporma na naglalayong itaas ang kamalayan hinggil sa mga isyung bumabalot sa loob at labas ng paaralan. Dito inilalahad ang mga kuwentong madalas ay naitatago sa likod ng katahimikanโ€”mga salaysay ng tagumpay, hamon, pakikibaka, at mga pangarap ng kabataang mamamahayag at ng kanilang kapwa mag-aaral.

Ang ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—”๐—š ay patunay na ang pamamahayag ay hindi lamang tungkol sa pagkukuwento, kundi sa pakikibaka para sa katotohanan. Hindi lamang ito sining ng pagsulat, kundi isang sining ng paglilingkodโ€”isang tinig para sa mga walang tinig, isang mata para sa mga nais makakita ng liwanag, at isang pluma na handang ipaglaban ang tama sa gitna ng katahimikan.

Kayaโ€™t sabay-sabay nating pagyamanin, pangalagaan, at itaguyod ang diwang taglay ng ating pahayagang pangkampus. Sa bawat isyu at edisyong inilalathala, muling isinusulong ang adhikaing ang edukasyon ay hindi lamang pag-aaral, kundi pakikilahok, paninindigan, at pagbibigay saysay sa boses ng kabataan.

Ito ang ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—”๐—š โ€“ higit pa sa isang publikasyon; isa itong adhikain, isang alab, isang kilusang tumatanglaw sa landasin ng kabataang mulat at mapanuri.

๐—ฃ๐——๐—™ ๐—™๐—œ๐—Ÿ๐—˜:
https://drive.google.com/file/d/1_aF5k_SCoyIYASItRIJPOmaP3wgcBRza/view?usp=sharing

๐—™๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—•๐—ข๐—ข๐—ž ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—ž: https://heyzine.com/flip-book/1c4cf5f7d7.html

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—ฃ๐—”๐—”๐—ฅ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก | MFNHS, nasungkit ang ikatlong puwesto sa 2025 RFOT-SineliksikNagbigay karangalan ang koponan ng M...
08/04/2025

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—ฃ๐—”๐—”๐—ฅ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก | MFNHS, nasungkit ang ikatlong puwesto sa 2025 RFOT-Sineliksik

Nagbigay karangalan ang koponan ng Manolo Fortich National High School (MFNHS) matapos masungkit ang ikatlong puwesto sa 2025 Regional Festival of Talents (RFOT) sa paligsahang Sineliksik na may temang โ€œTalento at Husay ng Bagong Henerasyon Para sa Progresibong Rehiyonโ€ na naganap sa Baroy, Lanao del Norte noong Abril 1-4, 2025.

Taglay ang natatanging galing at kahusayan bilang isang dalubhasang Spotless Jewel, ipinakita nina Adrian B. Dela Cruz, Juliana B. Aluag, Ulaine Beatrice B. Umbao, at Jasmine S. Sabal ang kanilang kasanayan sa paglikha ng isang dokumentaryong puno ng kabatiran at pananaliksik.

Isinagawa ang nasabing kompetisyon sa loob ng apat na oras na shooting sa Baroy, Lanao del Norte, na sinundan ng apat din na oras na editing sa Lala National High School, Lala, Lanao del Norte, na nagsilbing walong oras na kabuuan na On-the-Spot Contest laban sa 14 na dibisyon ng Rehiyon 10.

โ€œI am happy and proud of the output of my students and being in the 3rd place feels like 1st. It's a priviledge to represent Bukidnon in the Regionals and to make it to the placement out of 14 divisions is already a big achievement,โ€ saad ng kanilang coach na si G. Leo I. Tan III.

Dagdag pa niya, marami silang hinarap na hamon, ngunit nagawa nilang malampasan ang mga ito sa pamamagitan ng sipag, determinasyon, at ang suporta ng bawat isa sa kanilang paglalakbay.

Ang pagkapanalo na ito ay isang patunay na ang mga mag-aaral sa MFNHS ay hindi lamang mahuhusay sa akademya, pati na rin sa larangan ng sining.

๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ถ Maria Sofia Ortego
๐—ž๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ถ Leo I. Tan III
๐—Ÿ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐˜‚๐˜ ๐—ป๐—ถ Audrey Mariz Saguinoan

Sa pagtahak sa landas ng katotohanan at karunungan sa larangan ng pamamahayag, muling nagniningning ang ๐€๐ง๐  ๐’๐ข๐ง๐š๐  matapo...
05/04/2025

Sa pagtahak sa landas ng katotohanan at karunungan sa larangan ng pamamahayag, muling nagniningning ang ๐€๐ง๐  ๐’๐ข๐ง๐š๐  matapos tanghalin bilang isa sa mga kinikilalang publikasyon sa ginanap na ๐‘๐ž๐ ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ๐ฌ ๐๐ซ๐ž๐ฌ๐ฌ ๐‚๐จ๐ง๐Ÿ๐ž๐ซ๐ž๐ง๐œ๐ž ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ noong ika-3 ng Abril.

Sa bawat pagsilang ng bagong araw, patuloy ang pagsusumikap ng aming publikasyon na maipagpatuloy ang adhikain ng wasto, makabuluhan, at masining na pagbabalitaโ€”taglay ang diwa ng integridad, pananagutan, at mapanuring pag-iisip.

Sa bawat pahina ng aming pahayagan, kami ay nagsusulat hindi lamang upang maghatid ng impormasyon, kundi upang makapagmulat ng kaisipan, makapag-ambag sa paghubog ng kabataang kritikal at responsableng mamamayan.

Ipinagmamalaki naming ipabatid ang mga karangalang natamo ng ๐€๐ง๐  ๐’๐ข๐ง๐š๐ , bunga ng masusing pag-aaral, matiyagang pananaliksik, at malikhaing paglalathala:

๐Ÿ… Ika-4 na Pwesto โ€“ Pahinang Isports
๐Ÿ… Ika-7 na Pwesto โ€“ Pahinang Balita
๐Ÿ… Ika-7 na Pwesto โ€“ Pahinang Editoryal
๐Ÿ… Ika-10 na Pwesto โ€“ Pahinang Lathalain
๐Ÿ… Ika-9 na Pwesto โ€“ Agham at Teknolohiya
๐Ÿ… Ika-7 na Pwesto โ€“ Pag-aanyo at Pagdidisenyo ng Pahina
๐Ÿ… Ika-7 na Pwesto โ€“ Pinakamahusay na Pahayagan

Ang mga pagkilalang ito ay hindi lamang tagumpay ng aming mga mamamahayag, kundi tagumpay ng bawat mag-aaral na patuloy na naninindigan para sa katotohanan, kaalaman, at makabayang pamamahayag.

Ito ang ๐€๐ง๐  ๐’๐ข๐ง๐š๐  โ€” ang ๐Ž๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐๐š๐ก๐š๐ฒ๐š๐ ๐š๐ง ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ญ๐š๐š๐ฌ ๐ง๐š ๐๐š๐š๐ซ๐š๐ฅ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ง๐จ๐ฅ๐จ ๐…๐จ๐ซ๐ญ๐ข๐œ๐ก โ€” nagsisilbing tinig ng kabataan at ilaw ng katotohanan.

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก: Matagumpay na isinagawa noong Marso 14, 2025, sa ganap na alas-dos ng hapon ang Quarterly Nationwide Simultaneo...
17/03/2025

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก: Matagumpay na isinagawa noong Marso 14, 2025, sa ganap na alas-dos ng hapon ang Quarterly Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa pangunguna ng School Disaster Risk Reduction and Management Committee (SDRRMC).

Sa isinagawang drill, aktibong lumahok ang mga g**o at mag-aaral ng Manolo Fortich National High School (MFNHS) kasama ang iba pang kinauukulang grupo upang matiyak ang epektibong pagpapatupad ng mga hakbang pangkaligtasan.

Layunin ng aktibidad na sanayin ang bawat isa sa tamang pagresponde at mapalakas ang kahandaan ng mga paaralan at komunidad sa ganitong uri ng sakuna.

Bukod pa rito, isinakatuparan din ang isang fire drill upang palawakin ang kaalaman patungkol sa tamang pagharap sa sunog at iba pang mapanganib na sitwasyon.

Patuloy na hinihikayat ang lahat na seryosohin ang ganitong mga pagsasanay upang masig**ong ligtas at handa sa anumang kalamidad.

๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ถ Maria Sofia M. Ortego
๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—ž๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ถ Joannah Elise A. Ucat at Candy Grace S. Empasis

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | Kasanayan ng mga Kabataan, tungo sa Magandang KinabukasanSa bawat kilos ng mga masisipag na kamay at pag-us...
17/03/2025

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | Kasanayan ng mga Kabataan, tungo sa Magandang Kinabukasan

Sa bawat kilos ng mga masisipag na kamay at pag-usbong ng makabagong kaisipan, matagumpay na inilunsad ng Manolo Fortich National High School ang SPTVE/TLE Skills noong Marso 14, 2025, sa temang "Youth Skills for Peace and Development: Cultivating Attitudes for a Better Tomorrow," na nagbigay-daan upang maipamalas ng mga mag-aaral ang kanilang talento at kakayahan na makatulong sa pag-unlad para sa magandang kinabukasan.

Layunin ng programang ito na palawakin ang teknikal at bokasyonal na kasanayan ng mga mag aaral sa pamamagitan ng ibaโ€™t ibang gawain, tinutulungan silang maging handa sa mga hamon na haharapin at makatulong sa pag-unlad ng lipunan.

Tampok sa programa ang iba't ibang aktibidad tulad ng baking contest, product selling, crafting, robotics showcase, at computer programming. Sa mga gawaing ito, binigyang-diin ang mahalagang papel ng mga mag- aaral, bilang mga tagapagtaguyod ng kapayapaan at kaunlaran.

โ€œAmong gina-showcase among skills sa pag-coding sa robots, and kani siya ga-help sa amo kung effective ba ang code para mo-follow siya sa line, ug para maka-learn mi sa among mistakes ug pag-analyze sa mga problems,โ€ saad ni Abegail Abasolo, isang Grade 8 STEM-Charles Darwin student na kalahok sa robotics showcase.

Natapos ang programa na nag iwan ng kaalaman at karanasang magagamit ng mga mag-aaral sa hinaharap upang mapaunlad ang kanilang kasanayan at makatulong sa komunidad.

๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ถ Lhian Angel C. Lajera
๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—ž๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ถ Candy Grace S. Empasis

16/03/2025

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก: Ipinamalas ng mga mag-aaral sa MFNHS ang kanilang natatanging talento at kakayahan sa ginanap na Skills Day noong ika-14 ng Marso taong kasalukuyan. Sa iba't ibang gawain at pagtatanghal, kanilang ipinakita ang husay sa sining, agham, at iba pang kasanayan na tunay na dapat hangaan at ipagmalaki.

๐—”๐—ป๐—ธ๐—ผ๐—ฟ:
Aljor Banaag

๐—ง๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜๐—ฎ:
Kirk Mancawan
Karl Luconan
Divine Kadusale

๐—œ๐—ป๐—ณ๐—ผ๐—บ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜€๐˜:
Jamela Abaton

๐——๐—ถ๐—ฟ๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ผ๐—ฟ:
Ulaine Umbao
Jamela Abaton

๐—ง๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜€๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—œ๐˜€๐—ธ๐—ฟ๐—ถ๐—ฝ:
Sarah Lumbab
Clent John Quilang

๐—”๐—ฝ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฒ๐—ธ๐—ป๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐—น:
Jay Aseniero

13/03/2025

๐—ง๐—จ๐—ก๐—š๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก: Idinaos noong ika-11 ng Marso ang MFNHS SPA Recital 2025 upang ipamalas ng mga mag-aaral ng Special Program in the Arts (SPA) ang kanilang husay at talento sa musika, sayaw, teatro, malikhaing pagsulat, at biswal na sining.

Sa pangunguna ng lahat ng bumubuo ng MAPEH Department at Special Program in the Arts na mga mag-aaral, matagumpay itong naisakatuparan .

๐—”๐—ป๐—ธ๐—ผ๐—ฟ:
Kirk Mancawan
Aljor Banaag
๐—ง๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜๐—ฎ:
Karl Luconan
Rhea Samuya
๐—œ๐—ป๐—ณ๐—ผ๐—บ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜€๐˜:
Jamela Abaton
๐——๐—ถ๐—ฟ๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ผ๐—ฟ:
Ulaine Umbao
Jamela Abaton
๐—ง๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜€๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—œ๐˜€๐—ธ๐—ฟ๐—ถ๐—ฝ:
Sarah Lumbab
Clent John Quilang
๐—”๐—ฝ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฒ๐—ธ๐—ป๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐—น:
Jay Aseniero

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก: Matagumpay na nagwakas ang 2025 Interschool Senior High School Expo kahapon, Marso 7, bandang ala-una ng hapon,...
08/03/2025

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก: Matagumpay na nagwakas ang 2025 Interschool Senior High School Expo kahapon, Marso 7, bandang ala-una ng hapon, na nag-iwan ng makabuluhang alaala at aral sa mga lumahok.

Sa ikalawang araw nito, itinampok ang Job Fair, isang hakbang tungo sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga kabataang nais mag summer job at mabigyan ng oportunidad ang mas piniling hindi na magpatuloy sa kolehiyo.

Sa pagtatapos ng kaganapan, higit pa sa pagtatanghal ng galing at talino and naging daluyan ng pagkatuto ang dalawang araw na expo.

Ipinamalas ng bawat mag-aaral sa walong paaralan ng lalawigan ang kanilang husay sa kalakalan, sining, pananaliksik, at iba pang larangan, na nagsilbing patunay sa kanilang kahandaan sa hamon ng buhay.

๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ถ Maria Sofia Ortego
๐—Ÿ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐˜‚๐˜ ๐—ป๐—ถ Audrey Mariz Saguinoan
๐—ž๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ถ Shanneka Eishi Taal

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก: 2025 Interschool SHS Expo, idinaos sa Manolo Fortich Masigasig na ipinagdiwang ng lalawigan ng Manolo Fortich a...
06/03/2025

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก: 2025 Interschool SHS Expo, idinaos sa Manolo Fortich

Masigasig na ipinagdiwang ng lalawigan ng Manolo Fortich ang 2025 Interschool Senior High School Expo na may temang, โ€œEmpowering Senior High School & Rural Farm School Learners for Employment, Entrepreneurship and Education Opportunityโ€, ngayong araw, ika-6 ng Marso sa Manolo Fortich Centennial Plaza.

Sa pangunguna ng Manolo Fortich National High School (MFNHS), kasama ang Alae National High School (ANHS), Sankanan National High School (SNHS), Damilag Integrated School (DIS), at Santiago Integrated School (SIS), matagumpay na naidaos ang kaganapan.

Kasali rin sa naturang programa ang mga mag-aaral at g**o mula sa Dalirig National High School (DNHS), Mambatangan National High School (MNHS), at San Isidro National High School (SINHS).

Ang taunang kaganapan ay naglalayong ilahad ang iba't ibang talento at kaalaman ng mga mag-aaral batay sa kanilang natutuhan gaya na lamang ng pagbebenta, pagkanta, pagguhit, pagsasaliksik, inobasyon, at marami pang iba pa.

Dinaluhan ito ng mga estudyante sa Baitang 11 at 12 na aktibong lumahok sa ibaโ€™t ibang aktibidad na nagpapakita ng kanilang kasanayan at kahandaan sa napiling strand.

Ayon kay G. John Welfred Rosales, g**o ng SIS, labis ang kanyang kasiyahan sa unang pagkakataong nakilahok ang kanilang paaralan sa expo.

โ€œAlthough, gamay pa among school, I am happy, we are happy because nakaapil mi ani and mashow pud namo ang kung unsa ang naa sa amoang lugar.โ€

Nagpaabot naman ng taos-pusong pasasalamat si G. Teodoro P. Casiano, punong g**o ng MFNHS, sa sama-samang pagsisikap ng mga mag-aaral na nagpapakita ng kakayahan at pagkakaisa ng lalawigan.

Samantala, isang job fair ang nakatakdang gaganapin bukas sa himnasyo ng Manolo Fortich upang bigyanng oportunidad ang mga estudyante sa SHS sa mundo ng trabaho.

๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ถ Elishua Canono
๐—Ÿ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐˜‚๐˜ ๐—ป๐—ถ Audrey Mariz Saguinoan
๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—ž๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ฎ Candy Grace Empasis | Audrey Mariz Saguinoan | Shanneka Eishi Taal | Joannah Elise Ucat

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Sinag posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share