GO Bulacan

GO Bulacan Everything and Anything Bulacan
(1)

WEATHER UPDATE: TULUY-TULOY ANG ULAN SA BULACAN HANGGANG LINGGO — PAGASA 🌧☔️🌩TINGNAN: Ayon sa PAGASA Weather Advisory No...
18/07/2025

WEATHER UPDATE: TULUY-TULOY ANG ULAN SA BULACAN HANGGANG LINGGO — PAGASA 🌧☔️🌩

TINGNAN: Ayon sa PAGASA Weather Advisory No. 12, asahan ang tuloy-tuloy na ulan sa Bulacan mula ngayon (Hulyo 18) hanggang Lunes (Hulyo 21) dahil sa habagat na pinalalakas ng Bagyong Crising.

Inaasahang lakas ng ulan:
• Hulyo 18–21: 50–100 mm

Nagbigay babala din ang ahensya sa posibleng pagbaha sa mga mabababang lugar. Posible din lumakas pa ang pag-ulan sa kabundukan.

Pinapayuhan ang lahat na maging alerto at maingat sa mga susunod na araw.

Source: DOST PAGASA



  SA BULACAN, BIYERNES, JULY 18, 2025Narito ang listahan ng mga lungsod at bayan sa Bulacan na nagdeklara ng suspension ...
18/07/2025

SA BULACAN, BIYERNES, JULY 18, 2025

Narito ang listahan ng mga lungsod at bayan sa Bulacan na nagdeklara ng suspension ng klase para sa Biyernes, July 18, 2025 dulot ng masamang panahon:

LAHAT NG ANTAS, PUBLIC AT PRIVATE SCHOOLS:

• Angat - Asynchronous Learning Mode
• Balagtas - Asynchronous Learning Mode
• Baliwag City - Asynchronous Learning Mode
• Bocaue - Asynchronous Learning Mode
• Bulakan - Modular Learning
• Bustos - Asynchronous Learning Mode
• Calumpit - Alternative Delivery Mode
• Guiguinto - Asynchronous Learning Mode
• Marilao - Modular at Asynchronous Distance Learning
• Norzagaray - Alternative Delivery Mode
• Obando - Asynchronous Learning Mode
• Pandi - Modular Distance Learning
• Paombong - Alternative Delivery Mode
• Plaridel - Asynchronous Learning Mode
• Pulilan - Modular Distance Learning
• San Rafael - Walang pasok sa lahat ng antas

MULA KINDER HANGGANG SENIOR HIGH SCHOOL, PUBLIC AT PRIVATE SCHOOLS:

• City of Malolos - Asynchronous Learning Mode
• City of Meycauayan - Online Class
• City of San Jose Del Monte - Asynchronous Learning Mode
• Hagonoy - Asynchronous Learning Mode
• San Ildefonso - Alternative at Distance Learning Mode
• San Miguel - Walang pasok mula Kinder hanggang Senior High School
• Santa Maria - Alternative Delivery Mode

I-refresh ang post na ito para sa karagdagang updates.



RIVER WALL SA TABING ILOG SA MARILAO, ININSPEKSYON MATAPOS MASIRATINGNAN: Nagsagawa ng inspeksyon ang Pamahalaang Bayan ...
17/07/2025

RIVER WALL SA TABING ILOG SA MARILAO, ININSPEKSYON MATAPOS MASIRA

TINGNAN: Nagsagawa ng inspeksyon ang Pamahalaang Bayan ng Marilao sa gumuhong bahagi ng river wall sa kahabaan ng Marilao River sa Barangay Tabing Ilog ayon sa utos ni Mayor Jem Sy.

Pinangunahan nina Municipal Engineer, Magtanggol San Miguel, at Special Assistant to the Mayor, Ronnie Mendoza, ang pagsusuri upang maisaayos agad ang river wall.

Layon ng inspeksyon na maiwasan at malabanan ang pagbaha at pag-apaw ng ilog tuwing malakas ang pag-ulan.

Source/Photo: Marilenews (FB)



P21-M HALAGA NG BUTANE CANISTER, KUMPISKADO SA BULACANSa bisa ng search warrant na inilabas ng Regional Trial Court (RTC...
17/07/2025

P21-M HALAGA NG BUTANE CANISTER, KUMPISKADO SA BULACAN

Sa bisa ng search warrant na inilabas ng Regional Trial Court (RTC) ng Malolos, Bulacan, sinalakay ng Philippine National Police - Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Regional Field Unit 3, kasama ang Regional Special Operations Group at Sta. Maria Police, ang warehouse sa Barangay Pulong Buhangin alas tres ng hapon, July 14, dahil sa umano’y iligal na pag-iimbak ng mga butane canister.

Ginanap ang raid matapos dumulog sa CIDG ang abogado ng complainant kaugnay ng umano'y ilegal na pagiimbak ng warehouse sa mga butane canister na nagmula pa sa Cebu at Mindanao.

Paliwanag ng legal counsel ng complainant, milyon-milyon ang nawala sa kanilang kita dahil nawawala ang kanilang butane canisters sa ilang dealer at distributor sa area ng Visayas at Mindanao.

“So, what happened actually during our inventory inisa-isa namin lahat ng mga dealers and distributors namin konti nalang yung mga stocks,” sabi ni Atty. Vincent Roel Tabuñag, legal counsel ng complainant.

Ayon pa kay Tabuñag, umiikot lang dapat sa merkado ang kanilang produkto dahil refillable ang mga butane canister.

“It is supposed to circulate as I said, majority of our operations are in Visayas and Mindanao. So, 'di ba pag bibili ka ng canisters nag ci-circulate lang 'yan sa market because once you purchase a LPG canister you have to surrender empty cylinders,” ani Tabuñag.

Ito rin ang kadalasang ginagamit ng mga restaurants, street vendors, at sa mga kabahayan bilang alternatibo at mas murang bersyon ng LPG tank sa Visayas at Mindanao.

Pag-aari umano ng isang dating kongresista ang nasabing warehouse na ka-kumpetensya ng complainant sa industriya.

Sa ngayon, pansamantalang itatago sa safe storage facility ng CIDG ang mga nakumpiskang butane canister.

Nahaharap sa patong-patong na reklamo ang limang sangkot na indibidwal dahil sa paglabag sa Republic Act No. 623 na inamyendahan ng RA 5700, o hoarding and possession of butane canisters protected by law, trademark infringement at unfair competition.

Source/Photo: ABS-CBN News



33-MINUTE TRIP BULACAN TO MANILA?! 🤔🚅TINGNAN; Aasahan na paiiksiin ng MRT-7 line ang byahe mula San Jose del Monte, Bula...
16/07/2025

33-MINUTE TRIP BULACAN TO MANILA?! 🤔🚅

TINGNAN; Aasahan na paiiksiin ng MRT-7 line ang byahe mula San Jose del Monte, Bulacan hanggabg North Avenue, Quezon City, sa loob ng 2 oras hanggang 35 minutes.

May bilang na 14 stations, inaasahan na magbukas ang linya sa taong 2026 o sa 2027. May tiwala rin ang mga developera na magpapalago ito ng mga komunidad sa kahabaab ng Commonwealth Avenue at mga bayan sa Bulacan.

Source/Photo: Taguig Today (FB)



15 AUGUST, IDINERKLARANG SPECIAL NON-WORKING DAY SA BULACANTINGNAN: Sa bisa ng Proclamation No.968 ng Pangulo ng Pilipin...
16/07/2025

15 AUGUST, IDINERKLARANG SPECIAL NON-WORKING DAY SA BULACAN

TINGNAN: Sa bisa ng Proclamation No.968 ng Pangulo ng Pilipinas, dinedeklarang special non-working day ang araw ng 15 Agosto 2025 sa buong lalawigan ng Bulacan.

Source: Official Gazette of the Republic of the Philippines



NEW ABS-CBN STUDIO SA BULACAN 🎬TINGNAN: Nag-allot ng P700 million ang media conglomerate na pinamumunuan ng pamilyang Lo...
15/07/2025

NEW ABS-CBN STUDIO SA BULACAN 🎬

TINGNAN: Nag-allot ng P700 million ang media conglomerate na pinamumunuan ng pamilyang Lopez para sa konstruksyon ng modern soundstages sa San Jose del Monte, Bulacan.

May initial na dalawang gusali ang naka-tayo na may sukat na 1,500 square meters parehas. Gagamitin ang mga ito para sa produksyon ng mga film at shows ng studio.

Source: MMS ATBP




LALAKI, NASAWI HABANG NAKAPILA PARA SA AYUDA SA BULACANIsang 40-anyos na lalaki mula Hagonoy, Bulacan ang nasawi matapos...
14/07/2025

LALAKI, NASAWI HABANG NAKAPILA PARA SA AYUDA SA BULACAN

Isang 40-anyos na lalaki mula Hagonoy, Bulacan ang nasawi matapos makaranas ng pananakit ng dibdib habang nakapila para sa Emergency Cash Transfer (ECT) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Bulacan Capitol Gymnasium noong Sabado, Hulyo 13.

Kinilala ang biktima na si Walfredo Ople Catajan Jr., galing Brgy. Sto. Niño, na naghihintay nang bigla siyang makaramdam ng matinding pananakit ng dibdib bandang 10:40 AM. Agad siyang isinugod sa Bulacan Medical Center kung saan sinubukan siyang sagipin sa pamamagitan ng CPR at iba pang pagsusuri gaya ng ECG ngunit idineklara siyang patay bandang 11:05 AM.

Ayon sa Internal Medicine doctor ng ospital na si Dr. Cris Carlo Pedrosa, acute coronary syndrome ang naging sanhi ng pagkamatay ni Catajan. Kinumpirma ng mga kaanak na matagal na niyang iniinda ang sakit sa puso.

Nagbigay naman ng pahayag ng pakikiramay si Gov. Daniel Fernando, Vice Gov. Alexis Castro, at PSWDO head Rowena Joson Tiongson sa pamilya ni Catajan.

Ayon kay Tiongson, masakit ang insidenteng ito para sa kanila sa Provincial Social Welfare and Development Office ngunit tiniyak niyang ipagpapatuloy nito ang pamamahagi ng ayuda at magpapatupad ng mga hakbang para maiwasan ang pangyayari.

Source/Photo: Inquirer



HIGH TIDE, NAGDULOT NG BIGLAANG PAGBAHA SA GUIGUINTO AT HAGONOYTINGNAN: Dahil sa biglaang pagtaas ng tubig o high tide n...
10/07/2025

HIGH TIDE, NAGDULOT NG BIGLAANG PAGBAHA SA GUIGUINTO AT HAGONOY

TINGNAN: Dahil sa biglaang pagtaas ng tubig o high tide ngayong tanghali, ilang lugar sa Bulacan ang nakaranas ng pagbaha. Sa Brgy. Panginay, Guiguinto, lumubog ang ilang kalsada kaya agad na nag-monitor ang mga opisyal ng barangay para sa kaligtasan ng mga residente.

Samantala, sa Brgy. Mercado, Hagonoy, agad namang naglunsad ng libreng sakay sa bangka ang barangay para matulungan ang mga residenteng naapektuhan ng pagtaas ng tubig. Kasama nito ang pagdeklara ng class suspension sa Hagonoy.

Source/Photo: Brgy. Panginay, Guiguinto (FB) / Orlie Santos



Ang-cows o Lala-mooo-ve? 🐮
10/07/2025

Ang-cows o Lala-mooo-ve? 🐮

"MOOOO-VE IT" 🐮😆

TINGNAN: Spotted sa kalsada malapit sa LRT Anonas Station ang isang baka na may hinihilang karwahe noong Linggo, Hulyo 6, 2025.

Nagtitinda raw ng mga walis tingting at tambo ang lalaking sakay ng nasabing karwahe.

Umani ito ng samu't saring komento mula sa mga netizens kung saan tinawag pa nila itong "rare sightings".

"Tuwing umaga nasa Taytay yan. So most likely baka taga Binangonan/Pilila, before Talim lsland yan si manong. Just for added perspective sakali may gustong tumulong," komento ng isang netizen.

"Old school Shopee and Lazada yan ng nanay ko," ayon naman sa isa pa.

Ingat, Manong at sa iyong masipag na baka! 👋🏼🫰🏼

📸 IkigaiSagasu (Reddit)

MAYOR JEM SY, TUMANGGAP NG PATIENT TRANSPORT VEHICLE MULA SA PCSOTINGNAN: Pormal na tinanggap ni Mayor Jem Sy ang isang ...
09/07/2025

MAYOR JEM SY, TUMANGGAP NG PATIENT TRANSPORT VEHICLE MULA SA PCSO

TINGNAN: Pormal na tinanggap ni Mayor Jem Sy ang isang bagong Patient Transport Vehicle (PTV) na ipinagkaloob ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ngayong araw, sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang sasakyan ay para sa mabilis na emergency at disaster response ng Pamahalaang Bayan ng Marilao. Kumpleto ito sa mga kagamitang medical tulad ng stretcher, oxygen tank, at blood pressure monitor upang matiyak ang ligtas na pagdadala ng mga pasyente sa mga ospital.

Nagpaabot ng pasasalamat si Mayor Jem kay Pangulong Marcos at sa PCSO, sa pamumuno ni General Manager Melquiades Robles, dahil sa patuloy na suporta sa mga lokal na pamahalaan. Ang Marilao ay kabilang sa 387 LGUs na pinagkalooban ng tig-iisang PTV.

Source/Photo: Marilenews (FB)



LIBRENG BAG AT SCHOOL SUPPLIES, IPINAMAHAGI SA 2,407 ESTUDYANTE NG STO. CRISTO ELEMENTARY SCHOOLTINGNAN: Umabot sa 2,407...
09/07/2025

LIBRENG BAG AT SCHOOL SUPPLIES, IPINAMAHAGI SA 2,407 ESTUDYANTE NG STO. CRISTO ELEMENTARY SCHOOL

TINGNAN: Umabot sa 2,407 mag-aaral ng Sto. Cristo Elementary School ang nabigyan ng libreng bag at school supplies ngayong Miyerkules, Hulyo 9, sa ilalim ng programang ARangkada Eskwela na isinulong nina Mayor Ate Rida Robes at Congressman Arthur Robes.

Bahagi ito ng tuluy-tuloy na inisyatibo ng Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte na suportahan ang mga estudyante sa kanilang pag-aaral sa darating na pasukan.

Magpapatuloy ang pamamahagi ng mga gamit pang-eskwela sa iba’t ibang paaralan sa lungsod sa mga susunod na araw.

Source/Photo: City of San Jose del Monte Public Information Office via Jayvee Pascua (FB)



Address


Telephone

+639569249340

Website

http://gostudio.ph/

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when GO Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to GO Bulacan:

Shortcuts

  • Address
  • Telephone
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share