16/08/2025
𝙉𝙀𝙒𝙎 𝙁𝙀𝘼𝙏𝙐𝙍𝙀: 𝙎𝙖𝙮𝙖 𝙖𝙩 𝙎𝙪𝙥𝙤𝙧𝙩𝙖, 𝐇𝙖𝙩𝙞𝙙 𝙣𝙜 𝘾𝙤𝙢𝙢𝙪𝙣𝙞𝙩𝙮 𝙊𝙪𝙩𝙧𝙚𝙖𝙘𝙝 𝙋𝙧𝙤𝙜𝙧𝙖𝙢 𝙨𝙖 𝘽𝙖𝙣𝙜𝙖𝙧 𝙀𝙡𝙚𝙢𝙚𝙣𝙩𝙖𝙧𝙮 𝙎𝙘𝙝𝙤𝙤𝙡
Isang makulay at masayang araw ang naranasan ng mga mag-aaral ng Bangar Elementary School nitong Agosto 15, 2025, nang idaos dito ang Community Outreach Program na pinangunahan ng Sangguniang Kabataan Federation at Municipal Youth Development Council (MYDC) katuwang ang LGU Solano, SK ng Bangar, Barangay Council, at mga sponsor.
Punô ng halakhakan ang paaralan dahil sa mga interaktibong laro at aktibidad na inihanda para sa mga bata. Matapos ang masasayang laro ay isinagawa ang pamamahagi ng iba’t ibang tulong at kagamitan, at higit pang ikinagalak ng lahat ang libreng meryenda na sabay-sabay nilang tinikman.
Ayon kay Dr. Jade D. Asuncion, punong-g**o ng Bangar Elementary School, ang ganitong programa ay malaking tulong sa mga mag-aaral. “Napakaswerte ng Bangar Elementary School dahil sa dami ng schools sa Solano ay tayo ang napili para pagkalooban ng Outreach Program,” aniya.
Nagpapaabot ng taus-pusong pasasalamat ang paaralan sa LGU Solano na pinamumunuan ni Atty. Mayor Philip A. Dacayo, sa Sangguniang Kabataan Federation at Municipal Youth Development Council, sa SK ng Bangar na pinangungunahan ni SK Chairman Jann Leo P. Quilban, sa Barangay Council na pinamumunuan ni Brgy. Kapitan Victor T. Adalin Jr., at sa mga sponsor na sina G. at Gng. Alfred Tan ng Globe Telecom sa kanilang walang sawang suporta at malasakit sa mga kabataan.
Tunay na naging makabuluhan ang Community Outreach Program dahil nag-iwan ito ng saya, alaala, at inspirasyong magpapatibay sa samahan ng paaralan at komunidad. #
Photos credit to SK Federation of Solano