02/11/2025
Mahal na mahal kita Nanay ko
Salamat sa lahat ng sakripisyo mo para samin, para sakin
Hindi ko na kailangan ng tatay, ikaw lang naging sapat na para samin. Ikaw ang tumayong Nanay at Tatay saming magkakapatid
Sorry sa mga pagkukulang ko sayo, sa mga pagkakataong nagtatalo tayo sana mas inintindi pa kita
Lagi kang nandyan para samin, hindi ko alam kung paano ako ngayon wala ka na
Ang sakit sakit Nay 💔
Hindi kana namin maaalagaan Nay
Masaya ako kahit mahina kana basta nandyan ka lang
Sana masaya ka na sa piling ni Lord, wala nang mga tusok ng karayom, wala nang sakit. Pahinga ka na Nanay ko, mahal na mahal kita Nanay ko 🕊️