
16/07/2025
"UTANG NG GF KO SA MGA LENDING APPS..."
I'm 29(M). Same age as my GF. Hingi sana ako advice or thoughts sa situation ko ngayon. Yung gf ko meron pala syang malaking utang sa mga lending apps with almost 300k.
Context: Ngayonn lang nya inamin sakin kasi ayaw nya daw umasa sakin para tulungan sya. Ang ginagawa nya para mabayaran yung mga utang nya is uutang ulit sa ibang lending app pantapal sa ibang utang nya. Sabi ko bakit di pa nya sinabi sakin nung maliit pa lang kasi wala naman ako problema financially kayang kaya ko sya tulungan. To make a summary of our relationship.. LDR kami.. nagbreak na kami once kasi nahuli ko sya ka chat ung workmate nya flirting with him nung umuwi ako sa pinas tapos nagkabalikan din months later and nabuntis ko sya, kaso nakunan sya dahil sa stress sa work and dyan sa utang nya na hindi ko pa alam nung buntis sya.
Nakapagbigay na ako ng 50k sa kanya and confused ako ngayon kung tutulungan ko pa sya kasi ako na naman ba ung mag aadjust para sa amin. Ginawa ko naman yung best ko para mag work yung relationship namin and ang hirap pa ngayon dahil nandito ako abroad and may trust issue na din ako sa kanya. Inisip ko nang hayaan na lang sya and move on na kaso parang nakokonsensya akong iwan sya dahil wala sya ibang malalapitan tungkol sa utang nya. Pag iniwan ko sya aasa na naman sya sa lending apps and baka maging milyon pa utang nya and it somehow pains me pag maiisip kong ganun yung magiging situation nya in the future, baka magresort sya sa su*cide. Super confused ako sa situation namin pls i need your thoughts and advice