27/09/2025
✊🏻✊🏻🚨🚨
WHAT: Launching/Fund raising event Hiphop United Against Corruption
WHEN: October. 3, 2025 (8PM)
WHERE: MEJO Kitchen & Bar, 690 Road 1, Diliman, Quezon City, Metro Manila
Ang HipHop ay isang political movement. Nakaugat sa kasaysayan ng kulturang ito ang paglaban sa *kalupitan at pang-aapi, racism, at karahasan ng kapulisan at estado sa mamamayan.*
Kaya hinihikayat naming lumahok ang lahat ng HipHop artist at buuin ang malawak na alyansa ang "HIPHOP UNITED AGAINST CORRUPTION" at makiisa sa mga panawagan kung saan marami sa ating mga kasamahan at kaibigan ang dinampot, dinamay, at dinahas noong September 21 sa Mendiola.
Mariin nating kundenahin ang pahayag ng PNP/MPD na mula raw sa paghihikayat ng mga HipHop artists ang dahilan ng nangyaring karahasan sa nagdaang malaking kilos protesta laban sa korapsyon noong September 21 sa Mendiola. Bulag nilang ibinabaling ang sisi sa mamamayan, habang malinaw na ang dahilan kung kaya humantong sa karahasan ang mapayapang protesta ay ang *ilang taon nang pagkakalugmok ng taumbayan dahil sa korapsyon at kapabayaan ng gobyerno.*
Kaya naman kasabay ng launching ng HUAC ay magkakaroon ng isang fund raising concert/gig upang tulungan ang mahigit dalawang daang ipiniit ng mga pulis sa nagdaang pagkilos sa Mendiola noong September 21 kasama ang mga menor de edad at ilang may kapansanan, gagamitin ang mga malilikom upang tulungan ang mga nakapiit sa kanilang legal assistance, pagkain at iba pang pangangailangan.
PALAYAIN LAHAT NG IKINULONG SA MENDIOLA PROTEST!
PANAGUTIN AT IKULONG LAHAT NG KORAP!!