24/06/2025
Parang dinudurog ang puso ko nang makausap namin itong si tatay na pasyente, wala syang bantay, wala rin syang kamag-anak dito sa Manila at homeless sya, ilang araw na daw syang di kumakain kaya ang ginawa namin binigyan namin sya ng pagkain at inumin, sana may magandang loob man lang tulungan sya, nakakaawa si tatay super naiyak talaga ako sa kalagayan nya, taga Quapo Nueva Ecija daw po sya at may anak sya na ang pangalan raw ay Ferdinan Garcia, nag search na rin kami ng names na binanggit nya pero walang response message. Kaya kung sino man ang makakita nito, taos puso po akong humihingi ng isang minuto, makisuyo po na p**i share nito dahil malaking tulong po yan kay Tatay.