24/06/2024
Cosmic - Red Velvet Review
Gusto ko lang dumaldal nang mahaba. Short disclaimer, RV fan ako since birth. Jok, since Ice cream cake era. Isa sila sa mga top GGs na paborito ko simula nang mahumaling ako sa KPOP noong 2013/2014.
Anyway, excited ako sa comeback ng RV lalo na nung naglabas sila ng Midsommar coded teaser photos. Understandably, dahil kilala sila sa summer anthems at cult-like concepts, mataas ang expectations ko sa kambak nila.
As always, halos wala akong masabi sa music video/cinematography. Akma naman yung concept sakanila kaso, masyado syang malapit sa Midsommar na parang yun lang yung dahilan kung bakit mo gugustuhing panoorin yung MV. Para talagang kinuha sa Midsommar yung mga scenes tapos dinagdagan na lang nila ng mga weird s**t. Sadly, it fell short and ang lazy ng dating because they have done extraordinary things in the past.
Dahil di ako delulu fan, syempre honest ako sa review na to.
The concept is eyecandy, pero sa musicality nagkakatalo.
Unfortunately, the song isn't that memorable. Messy yung highs and lows in a way that the arrangement doesn't make sense in my brain. The "I'm riding on your rhythm" line was placed there as a hook and a nod to "Feel My Rhythm" but frankly, it didn't help. Sure enough, it sounds like a standard SM song but I wouldn't include it in RV's top songs to date. I didn't get hyped unlike when I first heard Feel My Rhythm, Dumb Dumb, Psycho, etc.
Pero I missed seeing them, parang Diyosa pa rin ang mga anteh at kala mo hindi tumatanda. I'm always happy to see an older gen come back amidst of all the new groups that have been debuting recently.
Ayun lang naman. Sorry na haha. Baka naman magustuhan ko after ilang plays.