20/12/2025
๐๐๐๐๐ง๐ | ๐๐ง๐ ๐๐ญ ๐๐๐๐๐ญ๐๐๐ง ๐๐ฐ๐๐ซ๐๐ฌ, ๐ฆ๐๐๐ ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ฆ๐๐ฌ๐ค๐จ๐ง๐ ๐ก๐๐ง๐๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐๐๐
ni Michelle S. Manalo, Punong Patnugot
Pinarangalan ng Sangguniang Kabataan ng Laiya-Aplaya (SKLA) ang mahigit tatlumpung kabataan at enterprises sa isinakatuparang Gawad Parangal โ Angat Kabataan Awards 2025 upang bigyang-pagkilala ang kanilang dedikasyon at galing sa ibaโt ibang larangan, ika-20 ng Disyembre.
Kabilang sa mga iginawad ang Academic Excellence, Sports Achievements, Student Entrepreneur, Community Extensions, at Outstanding Student Leader, gayundin ang Culture and Arts at Youth-powered Enterprise Awards.
Ayon kay Bb. Kyla G. De Mesa, SKLA Chairwoman, layunin ng proyektong kilalanin ang mga kabataang patuloy na nagsisikap at nagbibigay-inspirasyon sa komunidad.
โIsa itong simpleng paraan para ipakita na napapansin at pinahahalagahan ang kanilang sipag at talento. Sa lahat ng kabataan, magpatuloy lang kayo at maniwala sa sarili, lahat tayo [ay] may kakayahang umangat, magsimula sa maliliit na hakbang, at gumawa ng pagbabago sa sarili at sa komunidad,โ pagbabahagi niya.
Kaugnay nito, nagpahayag ng pagkagalak ang ilan sa mga ginawaran at nagbigay ng mensahe sa kapwa nila kabataan.
โUnang-una, nagpapasalamat ako syempre sa Panginoon kasi ang awards na ito ay hindi naman para lang sa akinโito ay pagbibigay balik-tanaw sa Kanyang pagbibigay [ng] talento at kahusayan. Pangalawa sa ating SKLA na talaga namang kinikilala ang kahusayan ng lahat ng mga kabataan. Maaaring iilan pa lamang ngayong taon ang nabigyan ng parangal pero alam kong napakaraming mahuhusay na mga bata na maaaring maging pinuno sa ating hinaharap,โ pahayag ni Geremie C. Dimaano, isang multiple awardee.
Naniniwala rin siya na tunay na pag-asa ng bayan ang mga kabataan at maaaring nasa kanila ang pagbabagong hinahanap para sa komunidad kayaโt hinihikayat niya ang lahat na makilahok sa ganitong aktibidad.
Samantala, ikinatuwa naman ni G. Dan Kervin D. Del Mundo, dating SKLA Chairperson, ang pagpapatuloy ng kasalukuyang administrasyon sa mga programang kanilang nasimulan upang higit na pahalagahan ang mga kakayahan, talento, kontribusyon, at karangalan ng mga kabataan.
โAs one of the awardees, I am honored for being one of the recognized individuals. With this recognition, I want to continue inspiring other people through my achievements [and] through my work. Sana magtuloy-tuloy โyong ganitong programs ng SKLA and hopefully, next year [ay] mas maraming awardees na โyong makita nating uma-attend sa ganitong events,โ dagdag pa niya.
Bukod sa mga sertipiko at medalya, namahagi rin ng mga regalo at donated raffle prizes ang sanggunian sa mga kalahok.
Larawang kuha ni Bb. Kyla G. De Mesa, SKLA Chairwoman