30/11/2025
๐๐๐ฅ๐จ ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ฒ๐ ๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ฒ๐ฎ๐ก๐๐ง, ๐ง๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ ๐๐๐ฅ๐จ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐ค๐๐ค๐๐ข๐ฌ๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐ง๐๐ค๐จ๐ฉ ๐ง๐ ๐๐๐ก๐๐ฆ๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ฉ๐๐ง๐ ๐ฒ๐๐ซ๐ข๐ก๐๐ง
Sa ilang daang taong nagdaan, labis-labis na hirap ang pinagdaanan ng ating bansa sa kamay ng mga mananakop na dayuhan. Maraming buhay ang nasawi at maraming buhay ang dumanas ng pasakit. Maraming pangarap ang nawala at maraming pangako ang hindi natupad. Nakalulungkot. Nakapanghihinayang. Nakagagalit.
Sa kasalukuyang panahon, ang ating bansa ay muling sinusubok, muling pinapahirapan, at muling dinadagok ng mga mapagkunwaring tao. Hindi ng dayuhan, hindi ng mula sa ibang bayanโkundi ng mga taong saksi rin sa dinanas ng Pilipinas sa lupit na dala ng nakaraan. Mga taong tila walang pinagkatutuhan. Mapanlinlang. Mapagsamantala. Mapangahas.
Sa pagsigaw ng taumbayan, kala moโy sila ang kaawa. Silang mga nakaupo sa pwesto ngunit walang magawa para ipagtanggol ang kanilang nasasakupan. Wari moโy nakikipagkampihan sa mga dayuhan sa pagtugis ng bansang kinalakhan. Tinalo ang bomba at mga baril ng taga-ibang bayan, dahil sandata nilaโy kamay na bakal. Malamig. Manhid. Mapagpuksa.
HIndi maikakailang tayoโy muling sinasakop, ngunit hindi tayo dapat pumayag na angkinin nila ang pag-aari na nararapat sa atinโyaman, boses, kapangyarihan. Ang pag-aalsa ng taumbayan ay marka ng pagkakaisa, simbolo ng pag-asa, at matinding pagnanais na pagdating ng araw, tayoโy makalalaya sa matalim na pangil ng mga buwaya.
Ang paghingi ng pananagutan ay pagsulong ng rebolusyon. Itoโy simula ng hakbang upang puksain ang mga mababangis na hayop na naghahari at nananamantala sa payapa sanang isla. Sa pagmulat ng ating mga mata, nawaโy hindi na tayo muling pumikit pa, dahil kasabay ng kanilang pagtataksil sa bayan ay ang simula ng paghangad ng mga mamamayan sa bagong Pilipinas. Malaya. Matapang. Marangal.
๐๐จ๐๐ฃ๐ช๐ก๐๐ฉ ๐ฃ๐ linyang lila
๐ฟ๐๐๐ช๐๐ค ๐ฃ๐ John Marc Nepomuceno