
17/08/2025
Because tonight will be the night that I will fall for you!
"Emo Hairstyle"
+10 all stats, 5 mins lothars, pambato ng shop, pang dayo, at intimidating factor! Kadalasan ang Emo hairstyle ang pormahan ng mga malulupit sa DotA dati.
Pagpasok pa lang nila, halata na agad, mahabang buhok na nakatakip sa isang mata, parang may sikreto silang tinatago. Tahimik lang sila, hindi maingay sa tropa, pero pag nakaupo na sa harap ng PC, ramdam mong seryoso ang laban.
Usually sila yung mga Shadow Fiend, Invoker o Tinker users. Heroes na nangangailangan ng fast hands at mga flashy plays. At syempre, bagay na bagay sa emo bangs ang mysterious aura. Parang hindi mo mabasa kung chill lang ba sila, o ready nang sirain ang buong team mo.
Pag napapanood mo silang maglaro parang highlights palagi tapos tumutugtog sa isip mo yung "we are electric"!
Naaalala mo ba yung tropang naka-emo bangs sa shop? O baka ikaw din to?
Sana makakita pa tayo ng ganitong pormahan sa darating na DotA 1 Tournament sa Amanoma Esports Cafe this September 27!