01/10/2026
๐๐๐๐๐ง๐ | ๐๐๐๐ฎ๐ ๐ฎ๐ ๐ฑ๐๐ป๐ผ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐จ๐ ๐๐ผ๐๐ฟ๐ป๐ผ๐, ๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐๐ฆ๐ฃ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Muling pinatunayan ng Junior Dawn, ang opisyal na pahayagang pangkampus ng University of the East โ Caloocan (UE-Cal) ang husay nito sa pangkampus na pamamahayag matapos magwagi ang dalawa nitong kinatawan sa ginanap na Division Schools Press Conference (DSPC) 2026 noong ika-7 ng Setyembre, taong 2026.
Sina Aneeka Chloie Mangiliman at Florenz Eugenio ang naging pambato ng pamantasan na matagumpay na nakapasok sa top placers sa kani-kanilang kategorya sa ilalim ng gabay ng kanilang tagapagsanay na si Mr. Marc Simon Recto.
Nakamit ni Mangiliman ng VAS 12-ARTIST ang ikalawang gantimpala sa Editorial Cartooning. Si Mangiliman ang lalaban para sa Regional Schools Press Conference (RSPC). โMasaya ako at pakiramdam ko ay nakilala ang talento at sipag na ibinigay ko,โ pahayag ni Mangiliman. โManalo man o matalo, stand tall and remain proud. The contest does not dictate your worth as a journalist.โ Dagdag pa niya para sa mga kapwa campus journalist.
Nasungkit naman ni Eugenio ng STEM 12-CALVIN ang ikasiyam na gantimpala sa Pagsulat ng Artikulong Pang-Agham. Ani niya, โMasaya at gulat ang naramdaman ko dahil hindi ko inaasahang mananalo sa una at huli kong DSPC.โ Ibinahagi rin niya na malaki ang naging tulong ng mga pagsasanay kasama si Sir Recto at kapwa delegates. Binigyang-diin pa niya na โWalang karangalang susukat sa husay ng paglilingkod. Sa mga sumali at sasali pa, patuloy na magsulat, magbalita, magtanong, at makialam. Dahil hindi medalya kundi ang pagiging mamamahayag ang tunay na karangalan."
Bukod sa dalawang nagwagi, buong-puso ring nakilahok ang iba pang mahuhusay na kinatawan ng Junior Dawn sa iba't ibang larangan ng pamamahayag sa Ingles at Filipino.
Sa kategoryang Ingles, ipinamalas nina Elianna Denisse Lucas (News Writing), Aryanalei Francia (Editorial Writing), Phoemela Riel Secreto (Feature Writing), Maria Georgina Pobre (Sports Writing), Micko Jello Lontok (Column Writing), Seth Jayniel Javier (Science and Technology Writing), at Aldara Yaj Tabirara (Copyreading and Headline Writing) ang kanilang galing sa pagsulat.
Sa kategoryang Filipino naman, buong-husay na sumabak sina Stephanie Louise Seraspi (Pagsulat ng Balita), Juan Paolo Pring (Pagsulat ng Editoryal), Channelle Kirsten Castro (Pagsulat ng Lathalain), Czyrhine Jhade Salceda (Pagsulat ng Kolum), Lyka Froyalde (Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita), Abisha Cire Flordeliza (Pagguhit ng Kartung Editoryal), at Kristel Joy Delos Reyes (Pagkuha ng Larawang Pampahayagan).
Patuloy na sinasanay ng mga mandirigmang mag-aaral ang kani-kanilang kadalubhasan sa dyornalismo, at dedikasyon sa pagpapalaganap ng katotohanan. Ang tagumpay ng Junior Dawn sa DSPC 2026 ay isang patunay ng husay at dedikasyon ng mga mag-aaral ng UE Caloocan.
๐๐ฌ๐ข๐ง๐ฎ๐ฅ๐๐ญ ๐ง๐ข: Stephanie Seraspi | News Writer
๐๐ฐ๐ข๐ง๐๐ฌ๐ญ๐จ ๐ง๐ข: Lyka Froyalde | Head Copyreader
๐๐ ๐ ๐ค๐ฎ๐ก๐ ๐ง๐ข: Stephanie Romo | Videographer