24/09/2025
โ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ง๐ ๐จ๐งโ
Sa bawat pagkadapa, may bakas na naiiwanโ
mga sugat na nagsasalaysay ng ating mga laban.
Ang ating pilat ay hindi iginapos,
kundi alaala na minsan tayong nagtagumpay sa sakit.
Ang luhaโy hindi sagisag ng kahinaan,
kundi paalala na may pusong marunong magmahal at magtiis.
Sa katahimikan ng gabi,
may tinig na bumubulong: hindi rito nagtatapos ang lahat.
Ang pagbangon ay hindi laging malakas o maringal.
Madalas, itoโy simpleng pagtindig,
Isang hakbang mula sa dilim, patungo sa liwanag.
Isang marahang paghinga, isang maliit na โkaya ko pa.โ
At sa bawat araw na lumilipas,
natututo tayong maging mas matatag,
natututo tayong yakapin ang sarili
kahit sugatan, kahit pagod.
Sa yakap na iyon, matutuklasan natin:
ang lakas ay hindi hiniram,
kundi ipinanganak sa loob natin mismo.
At sa bawat pintig ng puso, muling sumisibol ang pag-asa.
Sa huli, ang pagbangon ay pagyakap sa sariliโ
pag-amin na tayoโy patuloy na nagiging buo.
At bawat hakbang ay paalala:
na sa kabila ng lahat,
Patuloy tayong lumalago,
Patuloy tayong humihinga.
Patuloy tayong lumalaban,
Patuloy tayong umaasa.
๐๐๐๐ ๐ก๐๐ฃ๐ ๐๐ช๐ก๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐๐ฉ๐๐ ๐๐ช๐ญ๐๐ฃ๐ ๐๐ช๐๐ข๐๐๐ค, ๐๐๐ฃ๐ช๐ฃ๐ช๐ก๐๐ฉ ๐ฃ๐ ๐๐๐ ๐๐๐ฉ๐๐ฌ๐๐ฎ ๐๐ง๐ค๐ช๐ฅ ๐ค๐ ๐๐ช๐๐ก๐๐๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ๐จ, ๐๐ฃ๐ ๐ค๐ฅ๐๐จ๐ฎ๐๐ก ๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐๐ฎ๐๐๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐ข๐๐-๐๐๐ง๐๐ก.
๐ฟ๐๐๐ช๐๐ค ๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐ฃ๐ช๐๐ก ๐ฟ๐ ๐๐ช๐ฏ๐ข๐๐ฃ, ๐ฟ๐๐๐ช๐๐๐จ๐ฉ๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐ ๐๐๐ฉ๐๐ฌ๐๐ฎ ๐๐ง๐ค๐ช๐ฅ ๐ค๐ ๐๐ช๐๐ก๐๐๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ๐จ, ๐๐ฃ๐ ๐ค๐ฅ๐๐จ๐ฎ๐๐ก ๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐๐ฎ๐๐๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐ข๐๐-๐๐๐ง๐๐ก.