08/05/2024
Hindi tayo sigurado sa kung ano ang pinagdaraanan ng bawat isa.
Baka ang kasama mo na palaging nakangiti,
Umiiyak pala nang patago at tahimik tuwing gabiโ
Hindi lang niya sinasabi.
Hindi natin kabisado ang tunay na kahulugan ng "ayos lang ako".
Baka ang kasabay mo pauwi galing sa trabaho,
Pagod na pagod na pala sa mundoโ
At gusto nang sumuko at maglaho.
Hindi natin alam ang totoo sa likod ng taong magaling magpayo at magbigay inspirasyon,
Baka biktima pala siya ng malalim at madilim na depresyon.
Naghahanap din pala ng makakaunawaโ
Katulad sa kung paano siya nakinig at umintindi sa iba.
Hindi natin alam ang lahat.
Kung ang pasan ay magaan o mabigat.
Kung ang sakto sa unang tingin ay labis palang pag-iisipโ
Kung binabagabag pala sa bawat pag-idlip.
Hindi natin alam ang kuwento ng bawat isa.
Kung kaya'tโ
Maging marahan na lang sana.