The LENS

The LENS The Official Student Publication of College of Arts and Social Sciences, Central Luzon State University

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | ๐—œ๐—ธ๐—ฎ-๐Ÿณ ๐˜๐—ฎ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—•๐—”๐—™๐—ถ๐—น, ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ดNagdaos ng selebrasyon ang Batsilyer ng Sining sa Filipino (BAFi...
11/10/2025

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | ๐—œ๐—ธ๐—ฎ-๐Ÿณ ๐˜๐—ฎ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—•๐—”๐—™๐—ถ๐—น, ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด

Nagdaos ng selebrasyon ang Batsilyer ng Sining sa Filipino (BAFil) para sa ikapitong taong anibersaryo ng pagkakatatag nito na pinangunahan ng Konseho ng mga Mag-aaral ng BAFil, kasama ang Departamento ng Filipino, alinsunod sa temang "PITONAYAN: Pag-unlad ng Identidad na Nagbubuklod sa Kultura't Wikang Filipino" na ginanap sa College of Arts and Social Sciences (CASS) Pavillion, ika-10 ng Oktubre 2025.

Nagbigay ng kaniyang makabuluhan na mensahe si Bb. Khristaline Arcibal bilang panauhing tagapagsalita at dating mag-aaral sa programang BAFil.

"Nakatayo ako ngayon dito dahil nakaya kong lagpasan ang mga โ€™yan at naniniwala ako na sa susunod, kayo naman ang hahakbang para magbahagi ng inyong mga karanasan," aniya.

Inilahad din ni Bb. Arcibal ang kaniyang mga naging karanasan sa programang BAFil noong siya ay nasa kolehiyo pa lamang.

"Ayos lang na mapagod, magpahinga kung hindi na kaya at sa susunod ay laban ulit. Pagdating ng panahon, mauunawaan niyong hindi lamang wika ang pinagtitibay niyo sa proseso ng pag-aaral niyo ngayon. Mapagninilayan ninyo na sa bawat salitang lumalabas sa inyong mga bibig ay repleksyon kung sino kayo sa totoong mundo," dagdag pa niya.

Samantala, nagkaroon naman ng pampasiglang bilang ang mga mag-aaral mula sa ibaโ€™t ibang antas ng nasabing programa gamit ang kanilang talento na sinundan naman ng mga nakaaaliw na palaro.

Naging bahagi rin ng programa ang paggawad ng mga sertipiko na pinangunahan ng kaguruan sa departamento para sa mga mag-aaral na nagkamit ng parangal.

Nagwakas ang program sa isang pasasalamat at pagpupugay sa mga g**o ng departamento bilang pagdiriwang sa katatapos na Araw ng mga G**o.

Matatandaang pormal na itininatag ang programang BAFil taong 2018, kasabay ng makasaysayang paghati ng noo'y Kolehiyo ng Sining at Agham sa dalawang kolehiyo ng Agham at ang Sining at Agham Panlipunan.

Ulat nina Vera Pangan at Jaylyn May Lapid
Mga larawang kuha ni Gabriel Mangune
Inianyo ni Lyka Rabang

๐—œ๐—ก ๐—ฃ๐—›๐—ข๐—ง๐—ข๐—ฆ | College of Arts and Social Sciences (CASS) takes pride as representatives for the Mr. and Ms. Central Luzon ...
11/10/2025

๐—œ๐—ก ๐—ฃ๐—›๐—ข๐—ง๐—ข๐—ฆ | College of Arts and Social Sciences (CASS) takes pride as representatives for the Mr. and Ms. Central Luzon State University (CLSU) 2025 shine in the coronation night filled with grace, confidence, and inspiring advocacy.

Mr. Janus Chirho Reyes and Ms. Jumeirah Corpuz, both from Bachelor of Arts in Social Sciences (BASS), showcased their intellect and commitment to social and humanitarian advocacy.

Despite their strong performances and overwhelming support, CASS delegates failed to secure spots for the runners-up title.

Meanwhile, Joseph Scott Bundoc and Christina Loraine Pangan from the College of Business and Accountancy (CBA) were crowned as Mr. and Ms. CLSU 2025.

The event was organized by the Central Luzon State University Cultural Affairs Office, promoting culture and the arts.

Report by Ron King Bondoc
Photos by Rainiel Matias

๐—ข๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—œ๐—ข๐—ก | ๐—›๐—ฒ๐—ถ๐—ฟ๐—น๐—ผ๐—ผ๐—บโ€œEvery eldest daughterWas the first lamb to the slaughterโ€And so, with a trembling voice and a heavy h...
11/10/2025

๐—ข๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—œ๐—ข๐—ก | ๐—›๐—ฒ๐—ถ๐—ฟ๐—น๐—ผ๐—ผ๐—บ

โ€œEvery eldest daughter
Was the first lamb to the slaughterโ€

And so, with a trembling voice and a heavy heart from years of unspoken exhaustion, she confessed, โ€œI took the weight on my shoulders.โ€

I once read about the eldest daughter syndromeโ€”how the firstborn daughter tends to be the familyโ€™s golden standard to her siblings, the de facto parent when real parents are absent, and the emotional backbone when everything begins to fall apart.

In Taylor Swiftโ€™s fifth track, โ€œThe Eldest Daughter,โ€ from her newly released album The Life of a Showgirl, a familiar ache sips through the melody as her metaphoric lyrics lie the undeniable vulnerability of being an eldest daughter in a broken household, let alone a broken nation.

It uncovered the unseen pain and emotional burden left hanging midair by the unspoken question of โ€œDid I grow up too soon?โ€

For many young Filipinos, the answer is an exhausted yes.

I might not be the eldest, but I am the first and last card of the family, a future breadwinner whose futureโ€™s already robbed by a failing system. I am an only child, but I never laid on lavishes. And despite the loneliness of growing up alone, I find relief in knowing I have no siblings who would have to endure the same hardship.

Iโ€™ve seen the disparities of forcefully growing up too soon; to keep standing tall in a nation where public funds are not the only ones corrupted, but also the public trust, our childhoods, and most painfully, our futures.

In most Filipino households, the eldest daughter becomes the caregiverโ€”the one who holds everything together, fixes whatโ€™s broken, and even owns up after mistakes that arenโ€™t theirs. She is the mediator, providing stability within the household, keeping the family afloat even when itโ€™s not her job to do so. But this story does not end at home. Beyond their walls lies a familiar plot of neglect and the same pattern of misplaced accountability. When leaders misuse public funds, when projects fail, and when promises rot in the conscience of those seated in power, itโ€™s the youth who bear the aftermath, like eldest daughters who inherit the burden of what the powerful have broken.

โ€œSo we all dressed up as wolves and we looked fireโ€

And so we learned to turn that burden into defiance.

We are daughters who advocate. In classrooms, we spend time struggling, studying, and understanding a nation that refuses to be understood. Out on the streets, we stand, we raise our voices, we resist even before weโ€™ve fully lived our age. Too young to carry the weight, too aware to remain silent. Weโ€™ve carried all of its burden, reaping little, if any, of its promises.

This country, in all its dysfunction, behaves like an irresponsible parent, surviving only through the labor and resilience of its own children.

In โ€œEldest Daughter,โ€ Swift sings of carrying othersโ€™ burdens. In the Philippines, we carry the collective moral weight of corruption. We suffer cleaning after messes we didnโ€™t scatter, paying debts we never owed, and fighting battles that shouldnโ€™t have existed in the first place. We woke too early, learning disbelief before hope, disappointment before faith. As if called to question every promise. Weโ€™ve grown in delays and denial because somewhere, somehow, thieves stole what was meant for people, for us.

How are we supposed to keep even an inch of hope in a system where power is treated as inheritance, not a responsibility? We are tired of parenting a government that refuses to grow up.

Itโ€™s time to take off the costumes and roles weโ€™ve been forced to play. This is not a carnival, and the government must stop its tricks and games. Leaders must finally learn to nurture, protect, and guide their citizens, like they are meant to. Because no one deserves to play the role of tired eldest daughter to such a dysfunctional nation.

After all, we deserve much more from a government than an heirloom of broken promises and a borrowed future. What we deserve is leadership that serves and grows up with its people.

Written by Lyra Carla Carlos

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—œ๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ | ๐—–๐—Ÿ๐—ฆ๐—จ ๐—”๐—ฟ๐—ป๐—ถ๐˜€ ๐—ง๐—ฒ๐—ฎ๐—บ, ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฒ๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐˜๐—ต ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ป ๐—”๐—ฟ๐—ป๐—ถ๐˜€ ๐—ง๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐—ป๐—ฎ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜; ๐Ÿฏ ๐—–๐—”๐—ฆ๐—ฆ ๐—ฎ๐˜๐—ต๐—น๐—ฒ๐˜๐—ฒ๐˜€ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐˜„๐—ฎ๐—ด๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฒ๐—ฑ๐—ฎ๐—น...
07/10/2025

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—œ๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ | ๐—–๐—Ÿ๐—ฆ๐—จ ๐—”๐—ฟ๐—ป๐—ถ๐˜€ ๐—ง๐—ฒ๐—ฎ๐—บ, ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฒ๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐˜๐—ต ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ป ๐—”๐—ฟ๐—ป๐—ถ๐˜€ ๐—ง๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐—ป๐—ฎ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜; ๐Ÿฏ ๐—–๐—”๐—ฆ๐—ฆ ๐—ฎ๐˜๐—ต๐—น๐—ฒ๐˜๐—ฒ๐˜€ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐˜„๐—ฎ๐—ด๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฒ๐—ฑ๐—ฎ๐—น๐˜†๐—ฎ

Matagumpay na nasungkit ng Central Luzon State University (CLSU) Arnis Team ang titulong Senior Division Overall Champion sa 20th Lakan Arnis Tournament na ginanap noong Oktubre 4, 2025 sa Robinsons Gapan, Gapan City.

Nakakuha ang koponan ng kabuuang 28 medalyaโ€”13 gold, 5 silver, at 10 bronze. Patunay ito ng kanilang sipag, tiyaga, at galing sa larangan ng arnis.

Tatlong (3) manlalaro ng College of Arts and Social Sciences (CASS) ang kasama sa koponan ng CLSU Green Cobras Arnis Team. Nagwagi ng gold medal si Fernando Dulay mula sa Bachelor of Arts in International Studies (BAIS), samantala, bronze medal naman ang kay Adrian Ordoรฑo mula sa Bachelor of Arts in Literature (BALitt), at Karylle Estabillo na mula naman sa Bachelor of Arts in Social Sciences (BASS).

Sa isang panayam, sinabi ni Dulay na naging matindi ang kanilang ginawang pagsasanay para sa laban na ito.

โ€œMula Monday to Saturday po ang training ng team. Warm-up, jogging, ladder drills at [marami pang iba] ang ginagawa namin,โ€ aniya.

โ€œPara sa akin, malaking karangalan ang pagkapanalo ng aming team dahil bitbit namin ang pangalan ng ating Pamantasan,โ€ dagdag pa ni Dulay.

Samantala, ayon naman kay Ordoรฑo, may sari-sariling estratehiya ang bawat manlalaro ng koponan upang makamit ang kampeonato.

โ€œMeron po kasi kaming iba't ibang strategies na ginawaโ€ฆ ang ginawa ko habang naglalaro po [ang] makakalaban ko ay pinapanood ko na po siya and inaaral ko na kung saan siya malakas, at kung saan siya mahina, and masasabi kong sobrang helpful ng ginawa kong strategy kasi mas mabilis na akong nakakapag-isip ng mga gagawin kong movements base sa pinapakita niyang posture and syempre higit sa lahat [nakikinig] din ako sa mga payo ng coach ko/namin before the game,โ€ pagbabahagi niya.

Ayon kay Jaymie Sta Maria, team captain ng Arnis Team at mula sa Bachelor of Physical Education (BPED), sinigurado niya na masusunod ang kanilang training plan.

โ€œBilang team captain, inensure ko po na ang training plan namin ay laging nasusunod at lagi naming sinusunod, hindi ko hinahayaan na magkaroon ng dull moments during training and laging tinitiyak na walang nasasayang na araw ng training namin. One of our strategy na rin po sig**o is lagi naming sineset ang mind namin na to do better each every training,โ€ ani Sta Maria.

โ€œWe are looking forward po na maka compete sa National Level Tournaments and competitions by December and March, pero ang pinaghahandaan namin ngayon is ang SCUAA (State Colleges and Universities Athletic Association) 3 na gaganapin sa February 2026, which is naka focus kami na kuhanin ulit ang overall champion sa arnis at para magdominate sa SCUAA at makatulong sa overall tally,โ€ dagdag pa niya.

Sa kabuuan, nakapag-uwi lahat ng medalya ang 28 na manlalaro na nag representa para sa CLSU Arnis Team na pinangunahan ng kanilang coach na si Assoc. Prof Melane M. Fernandez.

Ulat ni Jane Michelle Morales
Larawan mula sa CLSU SDO - Sports Development Office
Inianyo ni Hanna Grace Bawar

๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—œ | ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ด '๐—ฑ๐—ถ ๐—ฆ๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—ธ๐˜‚๐—ฎ๐—ปAko si Maria, panganay ako sa walong magkakapatid.Grade three pa lamang ay natuto na 'ko ...
06/10/2025

๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—œ | ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ด '๐—ฑ๐—ถ ๐—ฆ๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—ธ๐˜‚๐—ฎ๐—ป

Ako si Maria, panganay ako sa walong magkakapatid.
Grade three pa lamang ay natuto na 'ko magbanat ng buto.

Noong makilala ako ng aking mga g**o at kaklase, ako ay maliit at kulang na kulang sa nutrisyon.
Umabot ako ng grade five nang hindi natututong magbasa.
Pagdating sa klase ay hindi na ako nakikinig, gusto ko man makisali sa diskusyon ngunit dahil sa pagod at gutom ay hindi na ko maka-concentrate.

Napapansin ako lagi ng aking g**o na si Teacher Cathy.
Sa una ay akala ko galit siya lagi sa alkin, dahil natutulog ako sa klase niya.
Mababa rin ang mga nakukuha kong score sa mga assessment na hinahanda niya.
Hiya na lamang ang aking nararamdaman sa tuwing kami ay nagkakausap.

Lagi man siyang galit kung tignan, o minsan madiwara kung pakinggan.
Siya ay may pusong puno ng pasensya at malasakit sa mga estudyante niya.
Nakikita niya ang lahat bilang kanyang anak, at kahit siya mismo ay may mabigat na problema,
Taos-puso siyang tutulong sa lahat ng bata na nais matuto at mabago ang kanilang buhay.

Ngunit tulad ko ay nakikita ko na siya rin ay may mga mabigat na dinadala. Kita naman sa kanyang mga mata ang pagod na karga niya sa eskuwela. Pati na rin ang mga trabahong inuuwi pa niya sa kanyang tahanan.
Nakikita ko ang sarili ko sa kanya, sapagkat pareho naming pinili ang kumayod nang sa ganon ay magkaroon ng komportableng buhayโ€”hindi man ngayon, ngunit sa hinaharap.

Dumating ang intrams, nilagay niya ako sa grupo ng track and field, nakita niya ang potensyal ko.
Hindi man ako magaling sa umpisa ay natuto naman ako. Ang problema ko lamang ay wala akong sapatos.
Hindi nagdalawang isip si Teacher Cathy na bilhan ako ng isang pares ng rubber shoes, hindi ito mamahalin tulad ng mga suot ng aking mga kaklase, pero ito ang unang rubber shoes ko.

Nananalo na ako sa mga paligsahan, at ito na ang lagi kong inaasahaang parte ng aking pag-aaral.
Dito, naipapakita ko ang aking kakayahan bilang estudyanteng manlalaro, at hindi lamang isang tagakalakal ng basura.
Sa larangan ng isports, mayroon akong pagkakakilanlan na kaya kong ipagmalaki.

Ngunit hindi ko naman akalain mayroon pa ring problemaโ€”hadlang pa rin pala ang aking k**angmangan.

Sinabi sa akin na hindi ako hahayaang lumaban sa mga paligsahan kung patuloy akong bumabagsak sa aking mga subject.
Hindi ko kakayanin na mawala sa akin ang pagkakataon na ibinigay sa akin.
Kaya kahit miahirap, ay nagpursigi ako na pumasa.
Binigyan ako ng edukasyon ng pagkakataon upang makahabol sa laban ng buhay,
Pinakita nito sa akin na mayroon akong kinabukasan na hindi puno ng mga bakal at bote.

Sa tulong ni Ma'am Cathy, naliwanagan na rin ako sa halaga ng edukasyon.
Hindi lamang ito isang responsibilidad na aking paulit-ulit na tinatakbuhan.
Masasabi na ito ay kabilang sa requirement sa institusyon, para makakuha ng diploma at isa pa sa sinasabi nilaโ€”kasangkapan sa tagumpay.

Ang edukasyon ay nagbibigay ng karangalan na hindi matutumbasan ng kahit anong kayamanan.
Ito ay nagbubukas ng mga pintuan patungo sa kinabukasan na ating hinahangad.
Upang makabuo ng isang lipunang pinapatakbo ng mga indibidwal na may pangarap, kailangan natin ng mga g**o na labis na may malasakit at pasensya sa kanilang mga mag-aaral.

Dahil ang mga g**o ang pundasyon sa maliwanag na bukas.

Kung hindi dahil sa g**o ko na nagpakita sa akin na may mas maliwanag pang bukas,
Malamang ay nasa junk shop pa rin ako, kumikita ng tatlong daan bawat araw, binubuhay ang mga magulang at kapatid ko hanggang pagtanda.

Ang mga g**o, istrikto man, sila ay naghahangad lamang na kumapit sa ating mga kokote ang turo nila.
At minsan, hindi lamang sa loob ng apat na pader ng silid-aralan natututo ang isang estudyante.
Nababago ang kanilang buhay kapag mayroong nagtiyaga at sumuporta sa kanilang pagyabong.
Ang trabaho ng mga g**o ay ang paghasa ng utak, ngunit ang mga magagaling na g**o ay hinahawakan ang iyong puso.

Para sa lahat ng g**o na sumuporta sa mga batang kinakailangan ng pangalawang tahanan,
Maraming salamat.

Isinulat ni Franchezca Tablante
Kuha ni Bianca Corpuz
Inianyo ni Dana Sta. Ines

๐—ข๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—ฌ๐—ข๐—ก | ๐—•๐—ฎ๐˜๐—ผ-๐—•๐—ฎ๐˜๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐˜, ๐—”๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป โ€˜๐—ช๐—ฎ๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜โ€˜Ang tao, ang bayan! Ngayon ay lumalaban!โ€™โ€˜Duterte-Marcos, walang ...
05/10/2025

๐—ข๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—ฌ๐—ข๐—ก | ๐—•๐—ฎ๐˜๐—ผ-๐—•๐—ฎ๐˜๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐˜, ๐—”๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป โ€˜๐—ช๐—ฎ๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜

โ€˜Ang tao, ang bayan! Ngayon ay lumalaban!โ€™
โ€˜Duterte-Marcos, walang pinag-iba! Parehong tuta, diktador, pasista!โ€™
โ€˜Abante, babae! Palaban, militante!โ€™

Ilan lamang ito sa mga panawagan ng mga raliyista sa buong kapuluan noong nakaraang Setyembre 21, bilang paggunita sa ika-limampuโ€™t tatlong anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law noong Setyembre 21, 1972. Sa ibaโ€™t ibang sulok ng Pilipinas, may nagaganap na protestaโ€”maliit at malaki, tahimik at maingay. Lalong ring tumindi ang emosyon ng mga tao sa araw na ito dahil sa mga isyung lumutang k**akailan hinggil sa DPWH flood control projects na puno ng korapsyon. Iisa ang kanilang panawagan: akuin ng gobyerno ang pananagutan at papanagutin ang lahat ng sangkot.

Nasa biyahe ako ng hapon na iyon, mula Maynila pabalik sa unibersidad na matagal ko nang itinuring na pangalawang tahanan. Kinabukasan ay Lunes, at gaya ng nakasanayan, wala akong magagawa kundi umuwi at muling harapin ang pag-ikot ng aking akademikong buhay. Ngunit sa loob ng malamig na bus, habang ang ugong ng makina ay tila nananabotahe sa aking pagtulog, napagtanto ko kung paanong ang pagod sa byahe ay mas madaling tiisin kaysa sa bigat ng mga balitang bumungad sa telebisyon sa unahan.

Special coverage na namanโ€”mga ulat tungkol sa mga protesta na sabay-sabay nagaganap sa ibaโ€™t ibang panig ng bansa. Simula pa ng hapon, nakatutok ang mga lente ng kamera sa Luneta at Mendiola. Ang mga eksenang puno ng kulay at pagkakaisa ay napalitan ng kaguluhan, ng sigawan, ng karahasang pilit inuukit sa isipan ng mga nanonood. Paulit-ulit na inilalarawan ng flash report ang pananakit na nagmula sa hanay ng mga raliyista. Wala ni isang ulat na nagsasabing may pulis na gumamit ng dahas.

At doon ako natigilan. Sapagkat mahirap lunukin ang kuwentong ang dahas ay nagmula lang sa masa. Isa itong salaysay ng pagsasantabi at pagwatak sa mga mamamayang dapat sanaโ€™y iisa ang ipinaglalaban. Isa itong kuwentong inukit upang gawing kontrabida ang taumbayan, at huwag kailanman malagyan ng dungis ang imahe ng mga nasa kapangyarihan. Ang hirap na magtiwala sa isang bansang sinasala ang katotohanan at hinuhubog ang naratibo sa paraang mas madaling ikonsumo kaysa sa tunay nitong kasalimuutan. Sa lipunang matagal nang bihasa sa pagbabaluktot ng realidad, mahirap paniwalaan ang pinanday na kuwentong malinaw na nakaangkla upang ipagtanggol ang interes ng iilan at patahimikin ang tinig ng nakararami.

Madalas nating marinig na โ€œang mga pulis ay ginagawa lang ang kanilang trabahoโ€โ€”ang protektahan ang kapayapaan ng siyudad at ng bansa. Ngunit sa likod ng kanilang hanay, sino ba talaga ang kanilang ipinagtatanggol? Sapagkat habang silaโ€™y nakatayo sa kalsada, nakaharap sa mga mamamayang naglalakas-loob magpahayag ng hinaing, may iba namang nakaupo nang komportable sa kanilang malalaking mansyonโ€”mga pulitikong busog sa kapangyarihan at pera ng bayan, mga ganid na nagpapahinga sa kanilang malalambot na k**a, kumakain ng higit sa tatlong putaheng hindi kayang abutin ng karaniwang mamamayan, at walang pakialam sa kaguluhan, kahirapan, at sakunang araw-araw na hinaharap ng taong-bayan.

Kung ito ang tinatawag nilang โ€œmaximum tolerance,โ€ para kanino ba talaga ang pagtitimpi? Para sa kapayapaan ng bayan, o para sa kapangyarihan ng iilan? Para kanino ang demokrasyang pinoprotektahan at pinaglalaban?

Kaya ang konklusyon ko sa aking isipan ng mga oras na iyon ay malinaw: hindi sa mga nagprotesta nagmula una ang dahas, at hindi rin sa mga pulis. Ang tunay na ugat nito ay nasa mga opisyal ng gobyernoโ€”nakaupo sa loob ng kanilang magagarang kotse, sa hapag na punรด ng pagkaing hindi nila mauubos, sa kutson ng kanilang malalambot na higaan, at higit sa lahat, sa mga upuang nagdidikta ng kapalaran ng sambayanan. Doon nagmumula ang karahasanโ€”sa kapangyarihang ginamit upang busugin ang iilan at ipagkait ang katarungan sa nakararami.

At dito nag-uugat ang hinaing ng mga raliyista: hindi kailanman mauunawaan ng mga pribilehiyo at mayayaman ang galit ng karaniwang mamamayan. Hindi nila kailanman madarama ang bigat ng pasaning araw-araw na pasan ng nakararami. Mas lalong hindi nila kailanman maiintindihan na marahil, sa puntong iyon, nararapat lamang ang pagwawala ng sambayanang Pilipino.

Sapagkat sa bawat taong sumama sa rally, hindi lang sila nagdala ng sarili nilang tinig. Bitbit nila ang daing ng mga nasa pinaka-ilalim ng lipunanโ€”ang mga manggagawang mababa ang sahod, ang magsasakang walang lupa, ang pamilyang araw-araw ay nakikipagbuno sa gutom at kakulangan. Sila ang nagsasalita para sa mga araw-araw na dinudurog ng kawalang-hiyaan at hayagang pang-aabuso ng mga nakatataas sa lipunan.

At masasabi ko talagang totoo na ang kabataan ay pag-asa ng bayan. Ngunit paano nga ba magiging pag-asa ang kabataang matagal nang ninakawan ng pag-asa? Ang edukasyon, na dapat sanaโ€™y maging sandigan at pintuan tungo sa pagbabago, ay naging pribilehiyo na lamang ng may kakayahang magbayad. Para sa marami, itoโ€™y nananatiling pangarap na unti-unting kinakain ng kakulangan, ng kahirapan, at ng kawalan ng oportunidad.

Kayaโ€™t hindi nakapagtataka kung bakit sa lansangan sila humahanap ng tinig, at sa sigaw ng protesta nila natatagpuan ang lakas na ipinagkait sa kanila ng silid-aralan. Dahas ang natutunan nilang wika ng pakikibakaโ€”hindi dahil likas silang marahas, kundi dahil ito na lang ang natitirang lengguwahe na nauunawaan ng isang lipunang nanatiling bingi sa kanilang mga hinaing.

Kung nais nating tunay na gawing pag-asa ng bayan ang kabataan, hindi sapat na ulit-ulitin ang mga lumang kasabihan. Kailangang tiyakin na may maaasahan silang edukasyon, oportunidad, at kinabukasanโ€”sapagkat ang pag-asa ay hindi ipinapanganak mula sa salita, kundi ipinaglalaban sa pamamagitan ng katarungan at pagkakapantay-pantay.

At hanggaโ€™t may umiiral na sistemang pumipiga sa dugo at pawis ng mga nasa laylayan, mananatiling buhay ang pag-aalsa. Sapagkat ang pag-iral ng inaapi ay patunay ng patuloy ang pang-aapiโ€”at kung may matatapos man, dapat unahin ang k**ay ng nang-aapi, hindi ang tinig ng lumalaban. Sa huli, ang tunay na panganib ay wala sa kalsada, kundi nasa k**ay ng mga nagnanakaw ng kapangyarihan at pinipilit patahimikin ang sigaw ng bayan.

Isinulat ni Johann Raphael Soriano

๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—œ | ๐—ง๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—ฟ๐˜‚๐—ฎ๐—ป ๐—”๐—ธ๐—ผ ๐—ก๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ ๐—ž๐˜‚๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ผ ๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐˜€๐—ฎNakasakay ako sa kaniyang balikat, sabado ng umaga Dahil sabi niy...
04/10/2025

๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—œ | ๐—ง๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—ฟ๐˜‚๐—ฎ๐—ป ๐—”๐—ธ๐—ผ ๐—ก๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ ๐—ž๐˜‚๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ผ ๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ

Nakasakay ako sa kaniyang balikat, sabado ng umaga
Dahil sabi niya, โ€œkalabaw lang ang tumatanda.โ€
Pasan-pasan niya ako at ang daigdig,
Para sa akin, iyon ang wangis ng pag-ibig.
At sa tuwing hapon naman, sa kanyang kanang bisig akoโ€™y nagpapahinga,
Habang hawak ang isang libro sa kabila.
Kung sa umaga pasan niya ang mundo,
Sa mga sandaling ito ang mundo naming dalawa ay mula sa libro.

Sa bawat hapon na sinusubukan niyang patulugin ako,
Ay may mga aral mula sa ibaโ€™t ibang kwento
Mga panahong hindi ko naiintindihan ang mga pinagsama-samang mga letra
Pero ang mahalaga, pinagkakatiwalaan ko siya at naniniwala ako sa kanya

Hanggang sa tumungtong ako sa edad na naiintindihan ko na ang mga bagay-bagay,
Mundo koโ€™y hindi na lamang ang aming bahay hanggang sa kapitbahay,
Marunong na akong magbasa, dahil sa kaniyang gabay
Mas lumawak ang pang-unawa na ang mga nasa libro ay malayo sa reyalidad ng buhay.

Tinuruan ako ng isang magsasaka kung paano magbasa,
Ang tumingin, mag-isip, at umunawaโ€”
Hindi lahat ng mababasa ko ay totoo,
Ngunit isang magsasaka ang nagturo sa aking mahalin ang mga libro.
Marahil ay madali lamang ang magbasa,
Ngunit hindi mo โ€˜to magagawa nang hindi bukas ang mga mata,
Madaling makabisa ang mga simbolo at letra,
Ngunit kung hindi mulat ang isipan, paano ang pang-unawa?

Dumating ang panahong kaya ko ng magbasa nang mag-isa
Nauunawan ko na ang mga letra at linya na nooโ€™y kakaiba,
Nagkaroon ng sariling mundo habang sa bukirin siya ay abala,
Kaya ko na nga ba kahit wala siya?

Isang araw, habang akoโ€™y abala sa mundo kung saan libro ang bida,
Siya ay umuwi sa munting tahanan, maputik ang mga paa
Habang lugmok ang kanyang mukha,
Sa pangambang dahil sa peste, libo ang mawawala.
Sa putikang araw-araw niyang sinusuong maraming nakasalalay higit pa sa salapi,
Ngunit malambing niya pa ring hinaplos ang aking mga pisngi,
Gamit ang mga k**ay na sumalo ng maraming pighati
Habang ang lugmok na mukha, sa harap koโ€™y natatakpan ng ngiti.

Noong panahong iyon matunog ang pag-atake ng mga harabas,
Na sa isang payapang gabi, kayang sumira sa mga itinanim na para sa bukas
Nasilayan ko ang aking ama, nangangamba na masira ang mga pananim,
Katabi ang aking inang walang magawa kundi magdasal nang taimtim.

Hanggang sa sumapit ang anihan
At sa habag ng tadhana sa aming pamilya,
Hindi natinag ng kahit anong peste ang taniman,
Hindi kami yumaman, pero sapat na para kahit papaano ay guminhawa.

Oo, lubog pa rin ang mga paa sa putikan,
May mga utang pa ring hindi nababayaran,
Pero hindi ko narinig kailanman sa kanya na iiwan niya na ang bukirin,
Ilang harabas man ang manalasa at sumubok sumira, magtatanim at magtatanim pa rin.

Ang kuwento ng bawat magsasaka ay katumbas ng bawat butil at pagbubungkal,
At ang matabang lupa ang simbolo ng kalyo sa kanilang mga paa,
Ang mayabong na ani ay produkto ng pagpapagalโ€”
Ng pawis, luha, at dugo na binuhos bilang pataba.
Lupa ang bumuhay sa kanila, sa lupa rin sila mamamahinga
Dahil may hangganan ang hininga ng isang magsasaka.
Maaaring kasama pa natin ang isang tao sa panahon ng taniman,
Ngunit alaala na lamang sila pagdating ng anihan.

Ngunit sino ba ako para magsalita tungkol sa buhay ng isang magsasaka?
Oo, hindi ko pawis ang nagsilbing pataba sa mga punla,
Hindi ang aking mga k**ay ang direktang sumalo sa mga peste ng sistema,
At higit na mas mahirap ang tinahak ng may mga kalyo niyang paa.

Naranasan kong sumandal sa bisig na bumubuhat ng kaban-kaban
Ang kahuli-hulihang barya mula sa kaniyang bulsa sa akin pa niya inilaan.
Mula nang akoโ€™y mamulat sa mundo hanggang sa kaniyang huling hininga,
Isang magsasaka ang nagturo sa akin kung paano magbasa.

Isinulat ni Aleck Natasia Valdrez
Dibuho ni Tricia Castillo
Inianyo ni Vianca Andres

03/10/2025

๐—™๐—˜๐—”๐—ง๐—จ๐—ฅ๐—˜ | ๐—” ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜‚๐—ฎ๐—ด๐—ฒ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—œ๐—ป-๐—•๐—ฒ๐˜๐˜„๐—ฒ๐—ฒ๐—ป๐˜€

This is not another love story where the characters passionately sealed the ending with the most incandescent kiss on-screen, but a tale of two souls almost but not quite arriving at the same placeโ€”the gap was gilded with silence.

Perhaps silence is the most spoken language in the in-between when the inadequacy of words begets a sigh of defeat, of resignation, of relief as if in cue, someone finally understood what your silence meant. And through the silence, the eyes reveal to cascade every longing, every yearning that the soul perpetually bears, and maybe the meaning of intimacy is being understood by the language you are most fluent in speaking. This is a tragedy, at least that's what it is in Gitling, Jopy Arnaldoโ€™s quiet, luminous entry to the 2023 Cinemalaya.

At the heart of the story are Makoto (Ken Yamamura), a Japanese filmmaker, and Jamie (Gabby Padilla), his local interpreter, form a tender connection while working together in Bacolod. Their relationship shifts from professional to intimate, leaving them with uncleared and unresolved feelings that feel real.

Gitling's contemplative pace mirrors the staggering silence of Bacolod, where one can get lost yet still be found. Jamie and Makoto's experiences unfold naturally, like conversations that take their own pace amidst the bustling streets. Each frame is deliberate, yet never contrived.

๐—ฆ๐˜‚๐—ฏ๐˜๐—ถ๐˜๐—น๐—ฒ๐˜€ ๐—ฎ๐˜€ ๐— ๐—ถ๐—ฟ๐—ฟ๐—ผ๐—ฟ๐˜€

The diverse utilization of subtitles carries weight in meaning. It is spoken not just as a tool for clarity, but becomes an emotional architecture for the story. The text appears to entirely dissipate the internal turmoil of the characters. Often in a flush directness, sometimes uncertain, most of the time revealing more than what is said out loud.

From English to Hiligaynon, Jamieโ€™s shifting in language is storytelling. She speaks Hiligaynon when in anguish, English when she is vulnerable, and in Nihongo when she reaches out to Makoto. As for some, language is just for communication, but not for her. It is an emotion, identity, and it holds memory. The act of switching tongues is not neutral; it shows the world what she is in each moment. Within the shifting, the film invites us to see language not as a barrier, but as a window.

It also reminds us that film subtitles cannot perfectly translate everything. Some meanings refuse to cross over, and perhaps that is the pointโ€”some emotions exist outside the language. The gap that prevents us from fully expressing and grasping our emotions becomes a source of poetry.

๐—Ÿ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜‚๐—ฎ๐—ด๐—ฒ ๐— ๐—ฒ๐—ฎ๐—ป๐˜ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—ข๐—ป๐—ฒ

Restriction and Freedom. Thatโ€™s how the conception of language is in the world of Jamie and Makoto. It manifests the most intimate form in the invented language when she shares it with him. Not from any country, nor culture, or even a colonized past. It is a made-up language, a private one that becomes an offering, even an opening.

Makoto's effort to learn the language makes cultural translation less daunting. The language, created by Jamie, seems free of cultural baggage, conveying meaning clearly and precisely. This language conveys meaning through each word. For instance, 'JaiMe' translates to 'us' or 'we.' Although some words have multiple meanings, combining them with a hyphen creates a distinct difference. The language is intentionally designed, and every aspect of it reveals her. It's a language tailored for Makoto, creating a space that welcomes him rather than keeping him at a distance.

And there in that place, in that made-up language, their bond grows. Subtly. Slowly. Like a tongue that is spoken only between two people, perhaps the most authentic kind.

๐—™๐—ผ๐—ฟ ๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ถ๐—ณ๐—ฒ ๐—Ÿ๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฑ ๐—ช๐—ถ๐˜๐—ต ๐—ก๐—ผ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ด๐—ฟ๐—ฒ๐˜๐˜€

โ€œI have to go,โ€ Makoto uttered in between the silence, with a little time, he took a steady glance at her for the last time.

And then there in the silence, just when you think the film can end there, it offers something to the crowd, something that adds salt into the open wound, a song to make the experience profound beyond its simplicity.

Up Dharma Down's Young Again pulsing. Slowly, Makoto took everything in before leaving his seat in the theater as the credits rolled into the background. A song in a silent room that refuses to be remembered, but lodges itself in your mind nonetheless.

For Jamie, and for us, the song is a morsel of memory. Not a clear one, but a soft and lingering one. A version of herself already gone, a life already behind her. The lyrics don't fill in the blanks, they stretch them out. The pain of longing, the burden of time, the futile desire to go back to something that no longer is. Or perhaps never was.

As with the movie itself, the song doesn't require resolution. It simply allows the emotion to hang and by doing so, it speaks volumes more than any line of dialogue ever could.

โ€œI think I'll stay here," Jamie compellingly responded, barely audible but still hanging even if itโ€™s uttered in a dreary breath.

๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—œ๐—ป-๐—•๐—ฒ๐˜๐˜„๐—ฒ๐—ฒ๐—ป๐˜€

This is not a love story, but one that finds solace in melancholy, insisting on equanimity amidst the uncertainty of 'what ifs' and the silence between languages, cultures, and presence and absence. And within that silent space, it poses the toughest questions, for the romantics, for hearts who shed their own optimism with the immensity of loveโ€”maybe even beyond it.

How do people cross their own boundaries in the name of love?

How do people hold the remnants of our regrets for not telling something when we had the chance to speak?

How do we create something substantial from something transient?

This is a story that does not want to be explained, it wishes to be sensed. It does not provide closure, but something gentler. In a language they both know but cannot share, Makoto and Jamie's quiet introspection is concealed, locked tenderly within their souls. A closed world filled with hidden understanding. A type of love that is not proclaimed, but known.

Maybe that's the thing about meeting the best people in your life, they will make you see the world in their own perspective, have you walk through their own cultures where goodness is harnessed, but you'd never grapple with the grief they will mark you when they leave, and no other people would do everything they did for the wellness of your being. Some people will make you feel seen like no other in the world, will listen to your stories with eagerness, like it's some kind of bed time stories you love hearing when you were a child. Perhaps, that is what we all desire.

To be heard in the language we've never learned to speak.

To discover a person who would sit in our silence and find it enthralling.

To be met in the space in between.

Article by Jhettro Klarenze Oconer and Irene Grace Domingues
Layout by Kristina Barao

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The LENS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share