10/06/2025
TATLONG KASO NG HINIHINALANG MPOX SA LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA, MASUSING BINABANTAYAN NG CITY HEALTH OFFICE
Kinumpirma ni City Health Officer, Dr. Ricardo Panganiban, na mahigpit nilang binabantayan ngayon ang tatlong kaso ng hinihinalang MPOX sa lungsod ng Puerto Princesa
Ayon kay Dr. Panganiban, ang mga ito ay inirefer sa kanila at agad silang nagsagawa ng balidasyon sa mga pasyente na nagpamalas ng sintomas tulad ng lagnat at rashes.
Ang mga ito ay kinabibilangan ng 7 at 17 anyos na mga batang lalaki at isang 46 anyos na babae. Wala pang impormasyon si Dr. Panganiban kung magkapamilya ang mga mino-monitor na pasyente. Dalawa sa mga ito ang naka-isolate sa bahay, habang ang isa ay nasa pagamutan.
Agad namang kinunan ng sample ang tatlo para sa confirmatory test na ipinadala sa Research Institute for Tropical Medicine o RITM.
Nilinaw ni Panganiban na wala pang kumpirmadong kaso ng MPOX sa lungsod at pinapayuhan ang lahat na maging maingat sa kalusugan, palakasin ang immune system, at sundin ang mga abiso ng Department of Health upang makaiwas sa sakit na MPOX.