
05/10/2024
‘WHO SAYS MONEY CAN’T BUY HAPPINESS?’ 🥰
Ito ang saad ng aktres na si Jodi Sta. Maria makaraang mag-post sa Instagram ng photo kung saan makikita siyang kumakain ng street food.
“Who says money can’t buy happiness? For ₱20 may 7 pirasong chicken balls or kikiam ka na! Ang saya diba?” wika nito sa kanyang post.
“Kaway kaway sa mga lumaking nakaabang kay manong para bumili ng street food pagkatapos ng klase! 🙋♀️,” dagdag pa ng aktres.
(Instagram/jodistamaria)