18/06/2025
WALANG TUBIG : Ipinapaalam ng Metro Cotabato Water District na 10:05 pm ay temporary shutdown na rin po ang Dimapatoy Pumping Station and Treatment Plant dahil sa mataas na turbidity level o matinding pagkalabo ng ilog ng Dimapatoy dulot ng malakas na pag-ulan.
Bagama’t operational pa rin po ang Tanuel Pumping Station (DOS, Maguindanao del Norte), Biniruan Bulk Water Plant ( Cotabato City) at Rebuken Pumping Station (Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte) ay asahan po na makakaranas ng low water pressure to no water ang mga service areas ng MCWD, lalung-lalo na sa mga areas na located sa mataas na elevation at endpoints.
Kami po ay magbibigay ng update kapag nagkaroon ng improvement sa Dimapatoy Pumping Station.
Pinapayuhan pa rin po ang mga concessionaires na patuloy na mag-imbak ng tubig upang may magamit sa mga panahong ito na nakakaranas po tayo ng malimit na pagbuhos ng malakas na ulan sa ating lugar.
Maraming salamat po sa inyong pang unawa.
MCWD Management