30/04/2026
๐๐๐๐๐ | KAYA NATINโPERO HANGGANG KAILAN?
Hindi na bago ang bigat ng araw-araw na biyahe para sa maraming Pilipino. Ngunit sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, ang simpleng pagpasok sa trabaho o paaralan ay nagiging paulit-ulit na pagsubokโmas mabigat, mas magastos, at mas hindi tiyak. Mahahabang pila, siksikang biyahe, at dagdag-gastosโito na ang naging normal sa maraming Pilipino.
Hindi man araw-araw, ngunit nasisilayan ko ang hirap ng pagko-commute, at mas tumimo ito noong una ko itong naranasan. Ang dating tila karaniwang biyahe lamang ay unti-unting nahubaran ng pagiging normal sa harap ng mahabang pila, siksikang sakayan, at pagod na hindi agad napapawi. Sa mga sandaling iyon, nagiging malinaw na ang ganitong karanasan ay hindi lamang panandalian para sa marami, kundi araw-araw nilang dinadala.
Sa ganitong kalagayan, madalas na naririnig ang parehong tugon: matatag ang Pilipino. Kaya natin โto.
Ngunit sa paulit-ulit na sapilitang pag-iral ng katatagan ng mga Pilipino, unti-unting natatabunan ang mas mahalagang tanongโbakit kailangang kayanin ito sa simula pa lamang?
Habang tumataas ang presyo ng gasolina at diesel, direktang naaapektuhan ang sektor ng transportasyon. Mas mataas na pamasahe, mas mababang kita ng mga tsuper, at mas mabigat na gastusin para sa mga commuter ang nagiging araw-araw na realidad. Ayon sa Department of Energy (DOE), ang patuloy na paggalaw ng pandaigdigang presyo ng langis ang isa sa pangunahing dahilan ng sunod-sunod na oil price increases sa bansa. Batay naman sa Philippine Statistics Authority (PSA), ramdam ang epekto nito sa inflation, partikular sa transportasyon at presyo ng mga pangunahing bilihin.
May mga hakbang ang pamahalaan tulad ng fuel subsidies at cash assistance upang maibsan ang krisis, ngunit nananatiling pampalubag-loob lamang ang mga ito. Hindi nito tinutugunan ang mas malalim na isyu ng kakulangan ng maayos, episyente, at pangmatagalang solusyon sa transportasyon at enerhiya.
Naging usapin ang pahayag ng pamahalaan na wala pang planong suspendehin ang excise tax sa gasolina at diesel, sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo. Ipinunto na hindi umano ito magdudulot ng makabuluhang ginhawa sa mga konsyumer at maaaring magresulta sa malaking pagkawala ng kita ng estado. Ngunit sa ganitong pananaw, hindi maiiwasang mabuo ang isang mas malalim na tanongโpara kanino ba sinusukat ang โginhawaโ? Sapagkat habang binabalanse ang numero sa antas ng ekonomiya, nananatiling buo ang bigat na pasan ng mamamayan sa kanilang sikmura.
Sa ganitong kalagayan, hindi sapat ang manahimik at umasa sa pansamantalang lunas. Kailangang marinig ang sama-samang panawagan ng mga mamamayan, hindi lamang sa kalsada, kundi sa bawat espasyong dapat ay pinaglilingkuran ng pamahalaan. Ang pagtaas ng presyo ng langis ay hindi lamang numero sa ulat; ito ay pawis at oras na nawawala sa bawat Pilipino. Ang patuloy na pag-asa sa pagtitiis ng madla ay hindi solusyon, kundi isang pasaning walang wakas.
At kung ang ganitong kalagayan ay patuloy na hindi natutugunan, nararapat lamang na igiit ng taumbayan ang agarang aksyon mula sa pamahalaan, sapagkat ang patuloy na pag-asa sa pagtitiis ng mamamayan ay hindi solusyon, kundi paulit-ulit na pasanin na walang wakas.
Dito nagiging masalimuot ang konsepto ng katatagan o resilienceโisang katangiang madalas ipinagmamalaki, ngunit unti-unting nagiging dahilan upang tanggapin ang hirap bilang normal na bahagi ng araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino. Sa paglipas ng panahon, nagiging bahagi na ng ating wika ang pagtanggap sa hirapโโsanay na,โ โganito talaga,โ โkakayanin pa.โ Sa bawat pagtaas ng presyo at bawat dagdag-pasanin, ang bigat ay hindi na kinukuwestyon, bagkus ay tinatanggap na lamang. Sa ganitong kalagayan, ang pagtitiis ay hindi na pansamantalang tugon kundi nagiging inaasahang katangian.
Hindi maikakaila na kayang magtiis ng mga Pilipino, ngunit ang kakayahang ito ay hindi dapat gawing dahilan upang panatilihin ang bulok na sistema. Ang pagpupuri sa katatagan ay nagiging mapanganib kapag ginagamit itong maskara upang hindi na tugunan ang ugat ng problema.
Ang epekto ng oil crisis ay hindi limitado sa mga commuter. Umaabot ito sa presyo ng pagkain at pangkalahatang bayarin. Kahit ang mga hindi sumasakay ng pampublikong sasakyan ay apektado, bagaman hindi pantay ang bigat ng hampas nito sa bawat antas ng lipunan.
Sa ganitong sitwasyon, nagiging mahalaga ang pagtanong hindi lamang kung paano kinakaya ng mga Pilipino ang ganitong kalagayan, kundi kung paano ito unti-unting naging katanggap-tanggap sa lipunan.
Sa huli, ang patuloy na pagtingin sa katatagan bilang kapalit ng tunay na pagbabago ay nagiging mapanganib kapag natatabunan nito ang kakulangan ng konkretong solusyon. Sapagkat habang ang katatagan ng mamamayan ay patuloy na pinupuri, ang obligasyon na tugunan ang sistemikong problema ay tila nawawala sa sentro ng usapan.
Kaya natinโiyan ang laging tugon.
Ngunit sa bigat ng panahong patuloy na umaalon,
ang tanong ay hindi na kung kaya pa,
kundi kung hanggang kailan ito kailangang dalhin at tiisin ng bawat isa.
Inulat ni Helario Dacanay
Iginuhit ni Nazel Candelario