22/07/2025
๐๐๐๐๐ง๐ | 320 Magsisipagtapos sa Kolehiyo ng Inhinyeriya, Binigyang-Pugay; Prof. Cortez, Panauhing Tagapagsalita
Sa temang โCENSILYO 2025: A Tribute of Worth, A Token of Change,โ pinarangalan ng Kolehiyo ng Inhinyeriya ng Central Luzon State University ang 320 na magsisipagtapos sa isinagawang taunang pagpupugay noong Hulyo 21, 2025, sa CLSU Auditorium, eksaktong ala-una ng hapon kasabay ng pagmamartsa, kasama ang kanilang mga magulang at mahal sa buhay.
Pinangunahan ni Dr. Vitaliana U. Malamug, OIC-Dean ng kolehiyo, ang pagbubukas ng programa, na nagbigay-diin sa mahahalagang papel ng mga magsisipagtapos sa labas ng unibersidad.
Nagbigay-pugay rin ang mga pinuno ng bawat departamento kabilang sina Dr. Policarpio V. Bulanan ng Department of Engineering Sciences, Dr. John Paulo C. Sacdalan ng Department of Agricultural and Biosystems Engineering, Engr. Joseph Frank A. Nagal ng Department of Civil Engineering, at Dr. Angela C. Tolentino ng Department of Information Technology.
Ipinakilala din ang mga nagtapos na may pinakamataas na karangalan na sina: Keanu Lee S. Baguio (BSCE, 1.58 GWA, Cum Laude), Kristine G. Novio (BSABE, 1.44 GWA, Magna Cum Laude), Reina Mariane DC. Tiburcio (BSIT, 1.28 GWA, Magna Cum Laude, Class Valedictorian of CEN), na siyang nagbahagi ng kahalagahan ng determinasyon, disiplina, at suporta ng pamilya sa kanilang tagumpay.
Bilang panauhing tagapagsalita, inimbitahan si Associate Professor Michelle M. Cortez, Dean ng Institute of Computer Studies sa Bulacan Agricultural State College (BASC), na ipinakilala ni Dr. Khavee Agustus W. Botangen, Chief ng Management and Information System Office (MISO).
Sa kaniyang talumpati, ibinahagi ni Prof. Cortez ang kaniyang karanasan bilang isang mag-aaral, ina, at propesyunal, bilang inspirasyon sa mga nagtapos.
โAfter graduationโno grade requirements, no entrance exam. Only skills and communication abilities. Discipline, teamwork, loyalty, and a strong sense of duty must be observed,โ aniya.
Dagdag pa niya, โLead with compassion and kindness, maintain integrity, take care of your health, be honest and act according to your moral values, and do not forget to look back on whatever you achieve in the future.โ
Kinilala rin sa programa ang tatlong nagtapos ng Master of Science in Agricultural Engineering, gayundin ang mga Latin honor awardees: 58 na cm laude at 10 na magna cm laude mula sa BSIT, 13 na cm laude mula sa BSCE, at siyam na cm laude at isang magna cm laude mula sa BSABE.
Bukod dito, iginawad din ang mga natatanging pagkilala sa mga estudyanteng nagtamo ng iba pang tagumpay: limang journalism awardees, 12 na leadership awardees, apat na athletic awardees, at tatlong service awardees.
Iginawad ang Outstanding Leadership Award kay Rod Christian L. Mendoza mula sa BSABE na nag-iwan ng mensaheng, โHindi tayo iskolar ng bayan, iskolar tayo para sa bayan.โ Samantala, si Dharcel B. Parungao naman ang tumanggap ng Most Outstanding CEN Student at CLSU Leadership Award na nagsabing, โIskolar ng bayan, lagi at lagi para sa bayan.โ
Bilang huling bahagi ng programa, nagbigay ng mensahe si Rashela C. Ballesteros, Governor ng CESG, bilang pasasalamat sa ngalan ng mga magsisipagtapos. Aniya, ang temang โCENSILYOโ ay mula sa salitang sensilyo sa Cebuano at Tagalog na nangangahulugang barya o simpleng bagay โ sumasagisag sa mga simpleng simula na maaring maging daan sa mas malalaking pagbabago.
Nagtapos ang programa na bitbit ang mga aral, galing, at talinong taglay ng mga bagong inhinyeriya ng CLSU. Ang CENSILYO 2025 bilang pagbibigay-pugay sa mga magsisipagtapos hindi lamang sa larangang pang-akademiko โ kung hindi ay pati na din ang maglingkod, mamuno, at maging instrumento sa pagtubo ng isang CENSILYO.
______________________
๐๐ฟ๐๐ถ๐ฐ๐น๐ฒ ๐ฏ๐: Prince Lawrence Gualon, Exequiel Efecticio
๐ฃ๐ต๐ผ๐๐ผ๐ ๐ฏ๐: Ian Dale Refe, Ian Ray Santos, Alyssa Grace Dumlao, Lorien Victoria Motol, Riccy Nhel Henzen Juan & Glenn Mateo
๐๐ฎ๐๐ผ๐๐ ๐ฏ๐: Dustin Clemente
๐๐ผ๐ป๐๐ฟ๐ถ๐ฏ๐๐๐ผ๐ฟ: Arnie Evanne Leigh Rodriguez