06/05/2025
PAKIUSAP, CLASSMEYT...
Grow at Your Own Pace, pero PLEASE, Grow!
Complacency feels safe. Predictable. Familiar. Pero minsan, comfort disguises itself as peace when in truth, it’s a quiet trap.
You don’t have to be in a hurry. Hindi mo kailangang makipag-unahan. But you owe it to yourself to keep going.
If you're not growing, you're shrinking. Walang neutral sa buhay. Akala mo steady ka lang, pero unti unti ka lumulubog sa isang kumunoy na hindi mo alam.
Sabi ni Maslow, self actualization is the highest human need. Becoming who you were meant to be. Pero hindi yun maaabot kung kuntento ka na sa "okay na to."
Carol Dweck calls it mindset. Kapag takot ka magkamali ibig sabihin sarado na ang mindset mo. Ano naman ang growth mindset? Kahit palpak, tuloy lang. Kasi progress is greater than pride.
Hindi ito karera. Hindi ito about being first. Ang mahalaga, gumagalaw ka pa rin. Kahit mabagal. Kahit konti konti. Basta hindi ka tumitigil!
Stretch mo sarili mo kahit konti.Subukan mo uli mag aral ng mga bagong bagay, dumirecho Kahit mabigat ang paa, pilitin mo gumalaw.
Hindi kailangang malaking hakbang agad. Hindi kailangan perfect.
Basta umuusad, yun ang mahalaga.
Kasi once you stop reaching, you start rusting. At ang kalawang sa loob, ay hindi agad halata. Tahimik. Pero kapag pinabayaan mo, sisirain ka nang hindi mo namamalayan.
Comfort is sweet, pero lason siya pag naging lifestyle. Huwag kang makontento sa pwede na.
You can move slow. You can rest. You can pause.
Pero huwag kang manatili sa lugar na hindi ka na lumalago. Dahil ano mang bagay na hindi na lumalago ay patay na.
Your future self doesn’t need you to be excellent right away. It just needs you to keep going.
So grow. At your pace. On your terms. Sure, no problem.
Pero pakiusap, don't "die" while you are still living.
Be grateful sa buhay na pinahiram sayo, GROW!