31/10/2025
๐๐๐ง๐๐
๐๐๐ซ๐จ๐ฅ๐ฅ, ๐๐๐ฉ, ๐๐๐ฉ๐๐๐ญ: ๐๐๐ฐ๐๐ค ๐ง๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐จ ๐๐๐ฐ๐๐ค ๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ?
Isang umuusbong na hamon sa panahon ng digitalisasyon. Kahit saan man naroroonโsa jeep, sa trabaho, at maging sa paaralanโmay isang tanawing hindi na bago sa mata; mga Pilipinong halos hindi na maalis ang atensyon dito.
Ito ay hindi isang lugar, pook, o gusali, kundi ang kanilang mga smartphoneโisang maliit at hugis parihaba na ginagamit para sa komunikasyon, impormasyon, at bilang libangan.
Hindi maitatanggi na ang kagamitang ito ay nakatutulong upang mas mapadali ang buhay natin. Subalit, habang patuloy itong ginagamit, umuusbong din ang isang tahimik ngunit nakababahalang sitwasyon ng bawat isaโang mobile dependency.
Ang mobile dependency, o smartphone addiction, ay isang labis at walang kontrol na paggamit ng smartphone na negatibong nakakaapekto sa buhay ng isang tao. Ito ay isang uri ng behavioral addiction na maaaring humantong sa pisikal, panlipunan, at sikolohikal na suliranin.
Ilan sa mga epekto nito ay ang mga problema sa pagtulog, paghina ng attention span, at pagbaba ng kakayahan sa paaralan o trabaho. Lumalabas sa mga obserbasyon sa mental health na ang labis na paggamit ng smartphone ay maaaring isa sa dahilan ng stress, anxiety, at pagbabago sa sleeping patterns.
Ayon sa sarbey na isinagawa nina Danilo B, Buctot, Nami Kim, at Sun Hee Kim, sa 1,447 na kabataang Pilipino na lumahok dito, pito lamang sa kanila ang hindi nakakaranas ng nomophobiaโang takot na maiwan ang kanilang smartphone. Ipinapakita lamang nito na ang mga smartphone ay nagiging mahalagang bahagi na ng mga kabataan pagdating sa mga kritikal na sitwasyon at pagpapanatili ng mga ugnayan.
Subalit, ang pag-uugaling ito ay maaaring makaapekto sa kakayahan sa pag-iisip at magdulot ng dependency sa mga smartphone. Sa loob ng isang silid-aralan, makikita ang epekto nito. Habang nagtuturo ang g**o, may isang estudyanteng palihim na sumusulyap sa kaniyang smartphone sa ilalim ng kaniyang lamesa. Ang atensyon na dati ay nakatuon sa pag-aaral at diskusyon ay nahahati na ngayon.
Hindi lamang mga kabataan ang apektado. Ayon sa ulat ng DataReportal, ang mga Pilipino ay gumugugol ng mahigit-kumulang siyam na oras sa paggamit ng internet araw-araw. Lumalabas din sa mga obserbasyon sa kalusugan, na ang labis na paggamit ng smartphone ay maaaring isa sa dahilan ng depresyon, pananakit ng ulo, paglabo ng mata, at nakakaapekto sa konsentrasyon at memorya ng isang indibidwal.
Sa huli, ang mobile dependency ay hindi simpleng isyu ng sobrang paggamit ng mga smartphone. Isa itong malaking hamon at salamin ng nagbabagong lipunan. Ang dating simple na buhay na puno ng kulay, ngayon ay unti-unting napapalitan ng mga screen at virtual na ugnayan.
Kaya ngayon, tanungin natin ang ating sarili: ito nga ba ang mukha ng pag-unlad, o isa lamang ilusyon na hadlang sa ating mga hinahangad?
Artikulo ni Julianne Nicole Abelita | 9 STE Ramirez
Dibuho ni Kylie Rihanna Santos | 8-3 Avocado
Pag-aanyo ni Dwyane Padero | 10 SPJ Benigno