03/12/2025
Pamilya Molina at Galasinao, Nagpaabot ng Maagang Pamaskong Handog at Feeding Program sa Tabban Elementary School
Tabban, Pogonsino, Bagabag, Nueva Vizcaya — December 3, 2025
Isang makabuluhang aktibidad ang isinagawa ng pamilya ng Molina at Galasinao mula sa bayan ng Solano bilang maagang pamaskong handog para sa mga mag-aaral ng Tabban Elementary School. Layunin ng programa na maipadama ang diwa ng Pasko at makapaghatid ng suporta sa mga batang mag-aaral sa nasabing paaralan.
Kabilang sa kanilang inihandog ang pamamahagi ng pagkain at munting regalo, na labis na ikinagalak ng mga bata. Ang naturang aktibidad ay nagbigay ng dagdag na inspirasyon at sigla sa mga mag-aaral, lalo na sa pagpasok ng kapaskuhan.
Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat ang pamunuan ng Tabban Elementary School sa nasabing mga pamilya sa kanilang kabutihang loob at malasakit sa komunidad.
Inaasahan na ang ganitong mga pagkilos ng pagkakawanggawa ay magsisilbing inspirasyon sa iba pang indibidwal at organisasyon upang makibahagi sa mga gawaing pangkomunidad, lalo na sa pagdiriwang ng kapaskuhan. #