Null and void

  • Home
  • Null and void

Null and void This is about my dreams in life

31/01/2020

Sa hindi inaasahang pagkakataon
Nakilala ko ang isang tulad mong akala koy mag aalis sa sakit na nakabaon
Mga gabing sabay na nagtatawanan
Mga araw na nagkakapikonan
Mga sandaling puno ng kasiyahan
At mga pagkakataong akala ko ay hindi lang panandalian
Mga tula at artikulong naisulat dahil sa pag ibig na ginawang panulat
nang dahil sa lalaking nakilala ko sa isang youth camp

Ganito nag simula ang aming istorya
Isang taon ang nakalipas mula nang kami ay nagkakilala
Naging magkagrupo
Mga pagkakataong pagkakaibigan lang ang tanging motibo
Lumipas ang ilang linggong palaging magkachat
At Nagbibitawan ng mga banat
Tuluyan ko nang napagtanto
Na akoy nahulog na nga sayo
Inaabot ng magdamag kakabiroan
Di na napansin ang paghilom ng pusong duguan
Mula sa bangongot ng nakaraan
Ngunit di parin maiaalis ang takot at sakit
na baka matulad sa dati na akoy pinagpalit sa taong mas malapit
Nagtataka ako
bakit ito ang nasa isip ko
Eh wala namang tayo
Makahanap kaman ng iba
Sumaya kaman sa piling niya
At Ligawan mo man siya
Di namn ako dapat masaktan
Dahil wala namn akong karapatan
At kaibigan lang namn ang turingan
Alam ko at ramdam ko ang kirot at sakit
Ngunit dahilay pilit paring winawaglit
Bagamat alam ko ang katotohanang mahal na kita
Ayoko paring sumugal sa pagibig na ako lng ang tumataya

Cguro sa pagkakataong ito mas pipiliin kong maging duwag
Kesa lumaban at magmukhang huwag
Pinaglalaban kita
Habang pinaglalaban mo siya
Iniiyakan kita
habang sumasaya ka sa kanya
At iniibig kita
Habang iniibig mo sya
Wala rin namang saysay ang tulang ito
Dahil wala ka namang alam sa nararamdaman ko
Hindi mo naman alam na ang puso koy ganito na pala ang estado
Malaman mo sana na mahal na kita
Oo mahal ko na ang lalaking sa youthcamp ko lang nakilala
-Shirly Quiraban-
Original piece😊❤️

19/12/2019

Ako'y nanggaling sa kabiguan
Puso koy napaglaruan ay sobra akong nasaktan
Pauliy ulit kong tinatanong noon kung bakit lagi nalang akong naiiwan
At kung bakit siya pa nag nang iwan
Siya pa na minahal ko ng sobra
Siya pa na saakin ay laging nagpapatawa
At siya pa na sanhi ng aking saya
Nang siya'y nawala ikaw aking nakita
Mas napadalas tayong magtawagn sa telepono
At unti unti kong nararamdamn ang paghilom ng sugatan kong puso
Hanggang sa tayo na nga ay personal na nagkita
Napaibig ako sa boses mong malamya
Hindi ko maipaliwanag ang aking saya
Hanggang sa oag uwi ay bitbit ang nga ngiti sa nga labi
Ilang beses lumabas sa ting bibig ang mga katagang "mahal kita" at "mahal din kita"
Pero tayo na nga ba?
Isang katanungang bumabagabag saking isipan
Kung meron nga bang ikaw at ako
Sa salitang tayo
Andami kong gustong itanong kasama na dun ang pano pag akoy pinagsawaan mo
Pano kung makahanap ka ng taong mas magpapasaya at mas malapit sayo?
Ikaw ba'y tuluyan ng lalayo?
Dahil sa pagkakataong ito,
Unti unti ko nang nararamdamn ang paglamig mo
At ang tangi kong hiling sayo
Sana totoong iba
Na sana hindi ka katulad niya
-shirly quiraban

19/12/2019

"Pag ibig nga ba kung ituring ito kung tuwing youth camp lang tayo magtatagpo"

Ito'y isang buhay na mala pantasya
Kung saan pagdilat mo'y nasa realidad kana
Realidad na hindi ako ang yung kasama
Nabihag moko sayong mga ngiti
Sa'yong mga ngiping kay puti
Sa mga araw na tayo'y nagkasama
Napahanga ako sayo ng dobra
Di ko makakalimutan ang mga ngiti mong kay ganda
Habang naglalaro tayo ng "koloran tika"
Sana ng "trust fall" nalang ang lahat ng ito
Kung saan kapag sinabi kong I'm falling handa kang sumalo
Sumalo sa puso kong nahulog na sayo
Sa damdamin kong sinisigaw ang pangalan mo
Ngunit napaisip ako
Na ang posibilidad na maging tayo
Ay mukang sa wattpad ko lang mababasa
Na mas malabo pa sa mga walang salamin kong mga mata
Pero ako'y patuloy na umaasa
Na sana balang araw mag krus ulit ang ating landas
At maging isa tayo sa mata ng Diyos at batas
Kung saan sabay tayong magdadasal
Na sa madaling salita kung tawagin ay "kasal"
-SHIRLY QUIRABAN

A vlogger once said:A SPECIAL GIRL DESERVES A SPECIAL TREAT                          -JAIGA-Shirly Quiraban
20/07/2019

A vlogger once said:
A SPECIAL GIRL DESERVES A SPECIAL TREAT
-JAIGA-
Shirly Quiraban

30/07/2016

Sometimes,the best thing in life are not the things at all but the people who make you feel loved ang care for.

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Null and void posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share