
04/09/2025
Makulay at makabuluhan ang pagbubukas ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa noong Agosto 11, 2025 sa Jarrow Hall. Tampok sa mga unang gawain ang iba’t ibang patimpalak na nagbigay-buhay sa malikhaing kakayahan ng mga Bedistang mag-aaral: Shadow Play ng Baitang 7; Pagsulat ng Tula at Pagtatanghal ng Spoken Word Poetry ng Baitang 8; at Presentasyon ng Movie Trailer at Music Video ng Baitang 9 at 10.
Bilang bahagi rin ng selebrasyon, isinagawa ang isang masayang Agape: Salusalo ng Pamilyang Pilipinong Nagkakaisa para kay San Benito na ginanap sa mga silid-aralan noong Setyembre 2, 2025.
Samantala, ngayong araw, Setyembre 4, ay idinaos sa Jarrow Hall ang pampinid na palatuntunan. Kabilang dito ang masiglang palaro, pagpaparangal sa mga nagwagi sa iba’t ibang patimpalak, at pagtatanghal ng piling mga bilang na lalong nagpatampok sa kahalagahan ng wika.
Sa kabuuan ng isang buwang pagdiriwang, muling pinagtibay ng Unibersidad ng San Beda–Junior High School ang kahalagahan ng wikang Filipino bilang sandigan ng pagkakakilanlan, pagkakaunawaan, at pakikipagkapuwa tungo sa pagkakaisa ng sambayanang Pilipino.
Mabuhi ang Pinulongang Filipino! Mabuhay ang Wikang Filipino!
Ayoayo! Hanggang sa muli!
Caption: Bb. Reyeen Cancino
Photos:
Aric Alcantra
Dylan Marollano
Athens Chulvo
Sofia Fiel
Cyril Gutierrez
Kurt Esteban