06/05/2022
May 9, 2022 National and Local Elections
Oras ng Pagboto: 6:00 AM - 7:00 PM
STEP 1: Sumailalim sa temperature check bago pumasok ng voting center.
STEP 2: Magtungo sa Voters' Assistance Desk (VAD) para alamin ang iyong precinct at sequence numbers at assigned room/clustered precinct.
STEP 3: Pumunta sa assigned room at magpakilala sa Electoral Board sa pamamagitan ng pagsabi ng pangalan, precinct number at sequence number.
STEP 4: Kunin ang balota, ballot secrecy folder at marking pen mula sa EB at magtungo sa voting area upang bumoto.
STEP 5: Itiman ang loob ng bilog sa unahan ng pangalan ng kandidatong nais mong iboto. Huwag bumoto ng labis sa nakatalagang bilang sa bawat posisyon.
STEP 6: Ipasok ang balota sa Vote Counting Machine (VCM).
STEP 7: Suriin ang resibo at ihulog ito sa nakatalagang lagayan.
STEP 8: Magpalagay ng indelible ink sa kuko ng iyong kanang hintuturo.
PAALALA:
✔️Laging sundin ang nakatakdang health and safety protocols.
❌Bawal magselfie habang bumoboto.
❌Bawal kuhanan ng litrato ang balota.
❌Bawal makipag-usap habang bumoboto.
❌Bawal magpasimula o lumikha ng anomang kaguluhan.
✔️Panatilihin ang katahimikan sa loob at labas ng PRECINCT..